"Bakit kasi hindi ka nila maintindihan? Kulang ka lang naman sa pagmamahal kaya ka naging ganyan," para kong tanga na pagkausap ko sa'king sarili, sa totoo lang hindi ko rin alam bakit ganito ako kaapektado sa karakter ni Kiera kahit na ang dami niyang maling ginawa sa loob ng storya.

Isa siyang villainess pero ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya, hindi naman miserable ang buhay ko ngayon pero hindi ko talaga alam bakit ako 'yung mismong nasasaktan sa mga pangyayari sa kaniya.

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa paligid, baka kasi may taong makakita sa'kin dito habang umiiyak.

Edi nakakahiya pa.

Tumayo na ko at muling binalik sa pwesto niya ang libro na nakalagay sa pinaka dulong pwesto ng library na 'to.

Nakakapagtaka nga kung bakit tagong-tago ang libro na 'to at hindi pinapansin ng iba samantalang ang dami nitong laman na impormasyon na wala ang ibang libro.

Katulad na lang ng kwento ng unang Empress Regnant na si Diana Athena Eckheart ang kauna-unahang babae na humawak ng emperyo na walang emperor.

Bilang Archeologist student hilig kong magbasa ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng dating emperyo na ngayon ay tinuturing ng isang lalawigan.

Mahilig din ako sa mga myths na nakaugnay sa kasaysayan nito katulad na lang ng mga vampire at werewolf na sobrang hirap hanapin sa mga libro.

Kaya naman sobrang ang saya ko nang mahanap ko ang itim na libro 'yun, dahil doon ko na hanap ang mga na wawalang kwento tungkol sa emperyo.

"Tsk, kung sana minahal lang ni Grimm si Kiera edi sana may happy ending din siya," napasimangot ako nang muli kong maalala ang kinahinatnat ng villainess sa loob ng nobela.

Hindi man lang siya nakaranas ng pagmamahal mula sa pamilya niya o ng pagmamahal sa taong gusto niya na si Grimm.

Nilason pa ng kapatid niya ang nag iisang taong totoong kakampi niya, iyon ay ang kaniyang ina.

"Kung mababago ko lang ang kapalaran ni Kiera," bulong ko at naglakad na palabas ng library saka pumunta sa susunod kong klase.

Pumasok ako sa loob ng room namin at nakita ko si Darlene na kumakaway at tinuturo ang sinave niyang bangko para sa'kin.

Naglakad ako patungo sa kaniya at umupo sa tabi niya sabay lapag ng bag ko sa table.

"Galing ka na naman sa library no?" Tanong niya at ngumisi lang ako sabay kamot sa ulo.

"Hehehe pano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kaniya at nagbuntong hininga lang siya sabay tingin sa professor namin nakakarating lang.

"Sus, eh saan ka pa ba pupunta? For sure binasa mo na naman 'yung sinasabi mong libro," sermon niya sa'kin at hindi na lang ako sumagot at inayos na rin ang pagkakaupo ko dahil mag-uumpisa na ang klase.

Ang tinatalakay namin ngayon ay tungkol sa ranggo ng mga tao sa loob ng isang emperyo.

Sa loob ng Lumire Empire ay may tinatawag na peerage system kung saan nakabase sa yaman ng mga aristocrats ang rango na makukuha nila.

Simulan na'tin sa pinaka-huli sa rango, ang commoner, hindi ko alam kung masasabing kasama ba ito sa listahan dahil sila 'yung normal na parte ng isang emperyo.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now