Chapter 53: Illegal Clash

Start from the beginning
                                    

Kasabay ng pagugong ng Trumpets ay siyang pagtakbo namin sa loob. Kakapasok pa lang namin ng sinugod ako ni Aridam na hindi ko man lang inaasahan na nandito.

Dual Electric Armadyl Godsword

Kasabay ng paghati sa dalawa nang Godsword kong sinalag ang Magnus Punishment Sword ni Aridam. Lumayo kami sa Isa't isa hanggang sa natagpuan namin ang sarili namin na kasing bilis ng hangin kung sugurin ang Isa't isa.

Sa nagdaang araw na pananatili sa boothcamp, kinakausap ko na lang ang sarili ko na lalo pang maging matatag habang tinatalikuran ako nang lahat. Hindi naman ako makapagsumbong kina Kuya at Papa dahil ayaw kong magaway away sila dahil sa akin nanaman, sa boothcamp ako palagi ang dahilan kung bakit nagaaway kaya tumatahimik na lang ako at tinatanggap ang lahat lahat.

Sa nagdaang mga araw, matapos kaming maglaro sa DSO na nauuwi sa bangayan, kaya agad akong nagpapractice magisa, minsan nakakasalubong ko ang iilang miyembro ng Principium o Silent Peace kaya sabay kami, minsan Ibang grupo rin na naging kaibigan ko.

Palahirapan nga talaga makipaglaban sa mga ex-Captain. Honestly, hindi ako galit sa mga insulto ng mga kasama ko siguro nasasaktan lang.

Paglayo namin sa Isa't isa hindi na ako makagalaw, nahuli ako sa bitag pero ang mental defense ng avatar ko mataas kaya hindi niya pa kayang kontrolin ang avatar ko.

I have my ancient dragon ring with me so it's easy to command everything. Using my mind that he can't enter, I moved the rock.

"You can't do that to me."nakangising sabi niya pagkatapos niyang mahiwa ang pahambalos sana sakaniyang bato.

Ayos lang sa akin iyon dahil nawala ang atensyon niya sa akin. Nakalutang nga ako sa ere pero alam kong malaya na akong makakagalaw.

Wala akong sinayang na oras, ni segundo, buong lakas kong ibinato sakanya ang dual Godsword ko. Napangisi ako dahil sa iisang pagtapon bumaba ang buhay niya sa hindi inaasahang pagkakataon.

{District 1} Blingbling executed {District 7} Aridam!

FIRST KILL! {District 1} Blingbling!

'you received 2 Dark Fox Veil [rare]'

'Congratsulations! You have leveled up! Level 36!

"Ow cool, another rare item."I told my self and run and slam someones head with the grip of my Godsword.

"Aray! Anak ng pucha!"

Binasa ko naman kung sino iyon.

{District 3}
Cerberus
[Level:47]
Marksmen

Napatawa na lang ako nang makitang si Aexl iyon.

"Oh?"nagulat pa siya nang makita ako. Natawa ako at agad siyang sinugod. Ang Saradomin Godsword niya naging dual rin katulad ng saakin.

"Hindi ka na pumupunta sa boothcamp."sabi niya habang nagkalapit kami. Sinipa ko siya at sinubukang saksakin pero mabilis siyang gumilid at agad na sinalag ang atake ko.

"Bakit miss mo ko?"tanong ko habang may pilyong ngiti.

"Hindi."sagot niya kaya napairap ako at agad siyang sinugod. Kasabay ng pagbalot ng hangin sa katawan at Espada ko ay siyang pagbilis ko nang triple habang umaatake sakanya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now