Chapter 37: District Survival Line Up

Start from the beginning
                                    

Kahit tatlong araw na ang nakalipas sa Hideous Night halos hindi magkamayaw ang mga DSO Enthusiast. Number 1 trending parin ang Hideous Night sa PH pati na rin ako, lol, may Blingbling nanaman kasing napasama.

"Bigla siyang nagano Chev...."

"Nag ano?!"exited na tanong ni Chevi. Biglang nagtext sa akin si Herwth na may ipinadala raw, napailing na lang ako. Subukan niya lang talaga na gaguhin ako, like ako ang magbabayad sa pinadala niya sasabunutan ko ang Pinyang iyon.

"Gusto niya raw ako! Gago! Nagulat ako ron!"buong lakas na sabi ni Aexl, proud na proud. Tumawa silang dalawa ni Chevi sabay apir kaya agad akong tumayo.

"Oh san ka punta?"tanong ni Aexl ng maglakad ako.

"May binigay sakin si Herwth. Kukunin ko sa baba"nakangiting sabi ko, agad na nagsalubong ang kilay niya kaya agad akong tumalikod at naglakad.

Sana all si Hannah, charot.

Pagbaba ko, agad na maiissue ang pinukol sa akin ng buong Editors na kumakain sa may sala. Ang ibang Principium naman nakadungaw sa may bintana na akala mo maraming tsismis ron.

"AEXL! AEXL! AEXL!"bigla nilang sigaw. Mukha silang mga natatarantang langgam kung sumigaw.

Napailing na lang ako. Lumabas ako. Agad akong nagtaka nang makakita ng sobra sa lima na mga riders. Agad akong lumabas sa may gate at nagulat na lang sa nakita.

Tangina? Ano to?!

"Ma'am, galing po kay Sir Asher Daxuriel Clarez"sabi nang isa. Bigla siyang may binigay na bulaklak kaya napamaang ako.

"From Gemini Jantzen Lim"

"Galing po kay Alonzo Herwth Chavez"

"From Sir Seventy Fifth Dos Amorozo"

"From Zetlan Aikus Mendoza"

"From your sugar daddy raw po. Fillian Seur Fernandez"

"Kay Matrix Jaron Tolentino po nanggaling"

"From Varron Knight Peralta po"

I fucking received 8 flowers from those Captain of Black Warrior, Sea Dragon, Lightning, Vampire's Track, Wolf Blood, Between Lines, Devil's Snore and Metallic Strike.

Mukha akong walking flower shop. Yakap yakap ko ang walong bulaklak habang salubong ang kilay na naglakad papasok sa bahay.

"Kanino galing?"hindi ko man makita kung sino ang nagsasalita alam kong si Aexl iyon.

"Kay Hannah Lovato"pabalang na sagot ko. Hinagis ko ang mga bulaklak sa may floor at agad na naupo. Nagtataka naman akong napatingin kay Aexl na nakakrus ang mga braso habang blankong nakatingin sa akin.

"Ginagawa mo?"takang tanong ko sakanya. Ang mga kumag sa gilid panay ang hampasan habang ang iba maiissue lant na nakatingin sa aming dalawa. Kompleto kaming lahat ngayon sa sala, pati mga Kasambahay, sina Coach Rodan at Sir Salvion na kanina lang ay nasa office nila ngayon nandito na habang may mga pilyong ngiti.

"Tsk"bigla niya akong inirapan sabay upo sa tabi ni Kuya Mario. Napangiwi na lang ako at napailing.

"Asus, Tsk tsk pa. Aminin nagseselos"pangaasar bigla ni Sir Salvion, malakas naman silang nagtawanan.

"Buksan mo mga letter. Baka meron nang bumakod saiyo"sabi ni Coach Rodan habang may pilyong ngiti.

"Anong bakod?! Ano sila?! Bamboo?! Gate?!"Sabay sabay kaming napalingon kay Aexl ng bigla siyang galit na nagsalita.

"Oh! Ikaw na magbukas. Mas galit kapa sakin!"I affirmed, he rolled his eyes. Sinamaan niya naman ng tingin ang buong Principium na patawa tawa.

"Tignan mo na beh"Ate Samsam urged with a playful smile on her lips as he looked at Aexl who looks so annoyed. Wala naman kaming may ginagawa pero galit amputa, dagukan ko nga mamaya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now