Chapter 32: Team Dinner

En başından başla
                                    

Napakibit balikat ako,"Sina Kuya bumili, regalo nila nung 18 ako"

"Sino 18 roses mo?"

Natawa nanaman ako nang maalala kung anong nangyari sa Birthday ko,"Wala, tumakas kami nina Kuya sa birthday party ko at pumunta sa bagiuo para don mgcelebrate"

"Bat naman kayo tumakas?"natatawang tanong niya.

"Naiinis sina Kuya kina Mama dahil pinagiimbita ang hindi ko kilala, parang naging instant sakanila yung Celeb eh. Mga tita ko panay parin ang insulto non kaya napikon na sina Kuya. Sinundo pa nga namin nun si Loki kaya ayon, kaming lima ang nagparty party"

"Marunong kang magbasket ball?"tanong ni Cap, sumunod naman ako sa pagliko.

"Yeah, naging varsity ako sa north ng all girls basketball"

"Owz, cool."

Pagrating namin sa court nagpark lang kami. Magkakatabi ang mga sasakyan namin para madali lang makita. Bumaba na si Aexl sa motor ko kaya sumunod rin ako, bago lumapit sakanila nilock ko muna ang motor ko.

"Hoy, ako ang sasakay sa motor ni Euphi pagbalik ka. Dagukan ko kayo eh"sabi ni Trevon at inakbayan ako. Napailing naman sila, syempre maguunahan nanaman sila.

"Oh! Ang lalaro bukas, kayo na ang mauna"sabi ni Cyon, nagsiupuan ang iba habang ang iilan nag-ppicture.

"Trevon, Chevi, Euphi, Dalion at Lath magkakampi kayo"sabi ni Cap kaya agad akong sumimangot.

"Hoy! Kampi tayo!"dumila lang si Cap kaya napangiwi ako. Kingina neto, mandudurog to sa laro eh.

"Hindi pwede"sabi ni Cap at pinasa sa akin ang bola.

"Bakit?"

"Varsity player ka sabi mo"natatawang sabi niya kaya napairap na lang ako.

"Varsity ka bebs?!"gulat na tanong ni Chevi kaya napatango ako.

"Weh?! Gago?! Di nga?!"

"Oo nga. Sa north, Grade 10 to Third year collage"I answered and dribble the ball I'm holding.

"Masyado kang talented, kailangan mo nang ipatumba"sabi ni River kaya natatawa akong napailing. Wala ka talagang magagawa kung puro lalaki kasama mo sa bahay, kung anong meron sila ma-aadapt mo talaga, si Kuya Eiko ang basketball player sa kanilang tatlo kaya tuwing may liga sumasali ako, kahit nga practice lang sumasama ako hanggang sa natutunan ko na, si Kuya Euriel naman ang sa chess kaya marunong rin ako tapos si Kuya Yuri naman ang sa billiards at soccer kaya marunong rin ako, pero basketball talaga ang sinalihan ko.

Una naming ginawa eh nag-streching, habang nag-streching biglang umutot si Chevi sabay tawa, natawa na rin ako habang ang mga kumag nagrereklamo nanaman.

"Utot ni Chevi, utot demonyo eh!"reklamo ni Lath.

"Itong si Chevian kampon ka nang nga utot!"

"Tanginang utot yan, nakakadala sa purgatoryo"

Panay ang reklamo nila kaya panay ang tawa ko. Kinginang yan.

-

Nasa gitna kaming dalawa ni Aexl habang nagaantay na Ihagis ni Benji ang bola, si Lim naman at si Miguel ang nasa may board para sa scoring.

Itinaas ko ang sleeve ng jersey na suot ko habang nagaantay. Si Vash naman panay ang salita kasi nag-vvlog, habang si Cyon ang ngvvideo sa amin kasi ipopost raw nila ang video namin sa youtube para raw may pera sila.

Hinagis ni Benji ang bola pataas, sabay naming tinalon ni Aexl iyon pero ako ang nakatapik palikod. Nasalo iyon ni Chevi kaya agad niyang ipinasa kay Dalion.

District Survival OnlineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin