Chapter XI: Warning

Start from the beginning
                                        

“At iiwan nating lahat ang bansa natin?” natigilan kaming lahat nang magsalitang si Astisha. Hindi ko inaasahang pati ngayon ay kokontra siya. “How about the people? Who will lead their ways? You are the one and only leader of this country. Tapos iiwan mo sila ng basta-basta na parang tuta? Hahayaan na lang sila na magkagulo habang ikaw at ang pamilya mo ay nagkakasiyahan sa ibang bansa?”

“Astisha, it’s not the right time to talk,” Suway pa ni Ashtar sa kaniya.

“Hija, they know what they’re doing. Hindi na sila mga bata para kailangang tutukan sa kung ano’ng gagawin nila minuminuto,” Buwelta naman ni Dad.

“Kung iyon ang tanging paraan para maayos mo ang bansa mo then there’s nothing wrong with it. With all due respect Mr. Zacheus but don’t get me wrong if I’ll ask you where is your heart? Where is your mercy for your people? Para saan pa’t naging leader ka ng bansa without other politicians and government officials if you only seek glory for yourself and not for your countrymen,” Pagmamatuwid niya.

I’ve never expected to see this kind of Astellar in my life. Simula nang mapunta kami sa panahong ito ay unti-unting nagbago ang bawat isa sa amin. Bukod sa mga pangalan naming naiba, ang pagsasamahan namin bilang magkakapatid noon ay biglang nagbago ngayon. Naging mas malapit kami sa isa’t isa dahil wala namang ibang magkakampi rito kundi kami-kami lang din.

“Astisha, ako ang maiiwan para sa mga tao.”

“What? No. It’s not your responsibility to serve the country, Lo. You’ve done your part,” Hindi pagsangayon ni Astisha.

“Your Dad and I talked about this earlier. Don’t worry, I’ll be okay,” Sagot ni Lolo Orion.

And he agreed?

At this point, hindi ko na rin maiwasang mag alala para sa kaniya at para sa mga tao. At isa lang ang pangyayaring kinakatakot ko—ang lusubin ng mga Dark Vag'bos ang bansa lalo na’t minsan na nilang natalo si Lolo Orion sa pakikipag agawan ng mundo. Ayokong isipin ang mga bagay na iyon ngunit sadyang natatakot ako.

“Papa is right. Siya ang maiiwan para sa bansa. He can handle everything, ang mahalaga ay mapagbigyan ko kayo sa kalayaan na gusto n’yo,” Anunsyo ni Dad. “Pack all your things cause we’ll fly as soon as possible today,” Pagpapatuloy niya. Masayang masaya naman sina Mom, Andree, Andrei at mga katulong lalong lalo na si Ashtar na about tainga ang ngiti niya samantalang ako ay walang maramdamang saya.

+++

WALA na kaming nagawa kundi sumama sa USA. Kahit na mayroong takot na namamayani sa puso ko ay pinili kong sumama dahil ito ang dapat mangyari na itinakda ng tadhana. I trust Lolo Orion Orion that much. Alam kong matapang siyang tao at hindi niya hahayaang maagaw muli ng mga Dark Vag’bos ang mundo.

Marami pang katanungan na nais kong masagot pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Naniniwala ako na masasagot din ang lahat pagdating ng tamang panahon.

Inabot ng 12 hours ang flight namin mula RLM to USA. Walang sinumang kumibo sa amin sa loob ng labingdalawang oras kundi sina Mom, Dad at mga tauhan lamang.

“Ladies and gentlemen, we have just landed at Los Angeles International Airport Maharlikan Airlines, welcome to see you in Los Angeles. On behalf of your head deck crew, Captain Valencia with first officer De Vera and the rest of the team, thank you for choosing Maharlikan Airlines, your innovative air transportation.”

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now