Chapter XI: Warning

16 5 0
                                        

CHAPTER 11
W a r n i n g

457 Million CE
Astral's POV

“Tuligbon, gumising ka.” for the nth time, narinig ko na naman ang tinig na iyon. I was in our school gymn that time when I first heard that voice at ngayon ay naririnig ko na naman.

Tatlong buwan na kaming nandito at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ba talagang gagawin namin. Gusto ko nang bumalik sa 2030 pero paano?

Kahit wala pa sa kundisyon ang katawan ko para bumangon ay pilit kong iminulat ang mga mata ko dahil sa tinig ng isang babae. Sa paglibot ng paningin ko sa paligid ay wala naman akong ibang maaninag kundi kadiliman. Tanging ang lampshade lamang sa side table ang nagsisilbing tanglaw sa buong kwarto.

“Tuligbon, nandito ako,” Bulong ulit ng isang tinig. I must be hallucinating right now but I can feel my spirit awake and I can sense that someone is trying to bother me.

“Tuligbon, humayo ka! Nanganganib ang buhay niya,” Wika ulit ng isang babae. Napatakip na lang ako ng unan sa magkabilang tainga ko dahil sa ingay niya.

What the hell she’s talking about?

“Shut your mouth! Hindi ako si Tuligbon!” Sigaw ko rito at hinila ang kumot ko at ibinalot sa buong katawan ko.

“Baka sa huli ay pagsisisihan mo ang lahat ng ito, Tuligbon.” At bigla itong nawala sa pandinig ko matapos ng ilang minuto. Mukhang nasisiraan na yata ako ng bait. Kung anu-ano’ng tinig ang naririnig ko.

Am I hallucinating?

“Huwag mo nga akong pagtripan,” Singhal ko. Ilang minuto narin ang lumipas pero wala ng sumagot.

Napahinga ako ng malalim nang wala na akong ibang marinig kundi katahimikan. Alam kong sobrang aga pa para bumangon kaya bumalik ako sa pagtulog.

+++

“GOOD morning, everyone,” Bati ni Dad sa aming lahat. Lahat ng tao sa mansion ay narito ngayon sa hall dahil daw sa mahalagang anunsyo ni Dad. Ang family members ng Luminous ay nasa harapang bahagi ng hall kabilang dito si Lolo Orion na nasa gitna. Sa kaliwa niya ay si Mom na katabi rin nina Andree at Andrei. Ako ang katabi ni Lolo sa kanan at sa tabi ko naman ay sina Astisha at Ashtar.

Ang sampung katulong, tatlong driver at limang personal guards ng Luminous ay kabilang din sa mga ipinatawag at nakaupo sila sa second column ng mga upuan.

“Before anything else, I would like to apologize to the triplets: Astisha, Ashtar and Astral. I’m sorry for being so strict, for keeping you inside the house all day like prisoners.” Bakas ang sinseridad sa kaniyang mukha. “I just realized that everyone in the room deserves freedom and adventure,” Patuloy niya.

Nanatili namang tahimik ang lahat sa hall. Hindi ko rin mapigilang mapaisip kung ano’ng ibig niyang sabihin. Kung humihingi lang siya ng patawad dahil sa mga kahigpitan niya ay mananatiling walang kabuluhan ang paguusap na ito. Yes, I am expecting more than that.

“Maharlikan Airlines are now operating after a year of bankrupt and as the superior in this country, they wanna give me the opportunity to be the first ever person to fly to United States of America using Maharlikan Airlines,” Paliwanag niya. “Lately, I realized that things are so much better when we flew all the way to USA since many of you wanted to explore the world.” Tumalon ag puso ko nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa hindi maipaliwanag na tuwa. Finally, he heard our prayers.

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now