Mikhael's Account: A Mad Dog's Heart

Start from the beginning
                                    

Siyempre paniniwalaan iyon at mapapasama ako, dahil isa't kalahating tanga na ang mga tao ngayon.

Wala naman akong paki-alam sa kanila. Ang mahalaga may mabuting pamilya akong inuuwian, kaya bahala sila't mang-insulto diyan. Heh, hindi naman ako ang mananatili sa hospital pagkatapos.

I've never thought anyone, aside from my family, would be kind to me. Not until I met Tanya.

It was in an arm-wrestling game. Gusto kong sumali do'n at kakatapos ko lang manalo nang mahagip ng mata ko ang isang babae. She was tailing after her father, eyeing the men who entered the competition. Then, her eyes met mine.

Nanalo ako do'n. Nalaman ko ring sila pala ang gumawa ng competition.

Muli ko siyang nakita sa eskwelahan. Lagi niya akong tinutulungan at hindi siya nawawala sa tabi ko. Siya ang pinakaunang babae, maliban sa pamilya ko, na naging mabait sa'kin. Kaya naman pinahalagahan ko siya.

She's like a sister or a mother to me.

Eventually, we parted ways. An invitation arrived at our house. A school dedicated for ability-users opened up. Ang gusto nito ay matulungan kaming kontrolin at palakasin ang sariling abilidad. My mother was suspicious about it at first, but eventually she agreed.

Sabay kami ni Ana na pumasok no'n. January 21. Malamig ang ihip ng hangin sa gubat kahit na tirik na tirik ang araw. Masasabing napakaganda na panahon no'n. Pero naiirita ako kasi napakaraming tao na napapatingin sa'kin. I kept glaring and scowling at them, until it eventually stayed on my face.

Nasa may gate na kami no'n nang tumigil si Ana para purihin ang paligid. I scoffed at her. Siguro hindi niya 'yon mapigilan dahil sa ability niya pero parang tanga siguro kami dito na tumatayo lang. Lalo na't wala naman atang nakatunganga lang dito⁠-

Natigilan ako nang mapansin ang isang babae. Nakatayo lang siya't nakatitig sa'min na parang inaaral ang bawat galaw. Her red hair flowed freely and I quietly wondered how her eyes are the exquisite kind of blue. Ngunit may kakaiba sa mata niya na nagpainis sa'kin kaya naman sumimangot lang ako't umirap.

"Tch, halika na nga Ana! Pumasok na tayo sa pesteng academy na 'yan!" singhal ko't hinatak siya papasok.

Ana chuckled, simply because annoying her is difficult. "Bakit ka ba inis na inis, Kel? Are you mad Auntie sent us here?"

Hindi ko siya sinagot at bagot na umupo sa isang upuan. Gusto ko sanang purihin at idescribe kung gaano kaganda 'tong admission office nila pero nakakairita ang pagtitig no'ng babae kanina. Parang libro kami na binabasa at inaaral niya. There's even a smugness and arrogance in her eyes that I abhor to see again.

Pero talagang sinusubukan ako ng panahon ngayon dahil walang modo ang lalaking tumabi sa'min.

"Oh? 'Di ba ikaw si Lopez? Mikhael Quant Lopez?" tanong nito sabay bungisngis. "Ba't ka nandito?"

Dahan-dahan kong nilipat sa kaniya ang naiiritang tingin. Anong pinapahiwatig ng hayop na 'to?

"Siguro para nga sa lahat 'tong academy," kita mo, siya naman sasagot sa sariling tanong. "Pero ang makasama ka? Ikaw nagpapa-pangit ng imahe natin eh. Kahit sino na lang inaaway mo. Kaya lagi tayong nasasabihan na halimaw kasi ikaw, halimaw talaga⁠-"

Tumayo ako't hinatak siya. I grabbed the collar of his shirt and pushed him off, making him stumble towards the pathway. May narinig akong suminghap sa paligid namin pero wala na talaga akong pakialam doon. Mas gusto kong sirain ang mukha ng lalaking 'to.

I felt satisfaction when my fist hit his face. Napakalakas ng suntok na binitawan ko kaya naman natumba ito sa sahig. I fought the urge to smirk at him.

Anathema (The Academy of the Cursed)Where stories live. Discover now