“May sakit ka ba?” Nag-aalalang hinawakan ni Olivia ang noo ni Erin, na medyo nagulat sa ginawa niya. Wala naman itong lagnat. Napansin nyang lalo itong namumutla habang dumadaan ang mga araw. “Namamahay ka pa rin ba? Nakita kitang lumabas kagabi. Nahihirapan ka bang matulog?”

“Medyo. Don’t worry, makakabawi rin ako.”

“Akala ko naman kung may sakit ka na, Ate. Naisip ko lang na sign of aging,” natatawang biro nya.

Hindi man lang ito napikon, bagkus ay tumawa ito. Natigilan si Olivia nang tila kumislap ang ibat- ibang kulay sa mga mata ni Erin. “Bakit?”

“W-Wala.” Baka imahinasyon lamang nya iyon. “I’m going for a swim. Want to join me?”

Olivia didn’t wait for Erin to answer. Nakatitig lang ito nang tinanggal nya ang sneakers sabay hubad ng top nya at iniwan ang shorts. Plano nyang maligo after her class kaya nagsuot sya ng one-piece bathing suit. She waded through the water until she reached a deep part. Her body welcomed the coldness hoping to temporarily numb her aching heart as she swam freely back and forth.

When she emerged, Erin was infront of her, waiting. The water was crystal clear; she could see Erin’s blue underwear. Olivia forced her eyes to focus on the beautiful girl’s worried face instead.

“You looked troubled. Do want to talk about it?” Erin’s voice was very assuring and soothing. Olivia told her about Annette.

“I’ll go with you. Don’t fret too much.” Marahang pinisil ni Erin ang baba nya. She tried to ease her worry but Olivia could tell that Erin was agitated with something else or maybe Annette.

Hinati ang mga volunteers sa apat na grupo para i-assign sa iba’t- ibang lugar sa bundok. Imbes na maglakad ng malayo ang mga estudyanteng magti-take ng summer class, sila na ang lumapit sa mga ito. Naging gabay ng grupo ang limang guro sa pagtuturo.

Tuwing sabado naman nagtitipon- tipon ang mga volunteers sa Base Camp, ang eskwelahan kung saan hinatid sina Olivia noong unang dating nila at kung saan din sya na-assign.

Pagkatapos nilang magmeeting at magreport sa OIC nila, nagtulong- tulong silang magluto ng hapunan. May ibang volunteers ang nagsabing ilang estudyante na ang hindi pumapasok. Araw- araw na nababawasan ang bilang ng mga ito.

“Pinuntahan ko kahapon yung isang estudyante ko. Isang linggo ng absent pero mukhang naglayas daw sabi ng tatay,” kwento ni Chino. Kahit walang ginawa ang lalaki kundi magpacute kay Olivia, magiliw ito sa mga bata at may malasakit sa kapwa. “Sabi ni Kapitan, karaniwan ang paglalayas lalo na sa mga batang babaing ayaw magpakasal.”

Abala sina Olivia, Chino at Caitlyn sa paghihiwa ng mga gulay habang nagpapalitan ng kwento. Napansin ni Olivia na seryosong nag-uusap sina Miranda at Erin sa kabilang table. Maputla pa rin ang huli at mukha pa ring may sakit.

Olivia was worried about Erin and at the same time irritated. Pagkatapos nilang maligo sa batis kahapon, hindi na kumain si Erin. Hindi na pinilit ni Olivia dahil baka masama ang pakiramdam nito. Nagtabi na lang sya ng pagkain para rito.

Dahil naka-assign sa ibang lugar ang apat pang guro kasama ng volunteers, sina Olivia muna ang gumamit ng kwarto sa bahay ng mga ito. Si Erin ang kashare nya sa maliit na silid dahil sa ibang lugar assigned si Miranda. Isang single bed lamang ang meron, maliit na cabinet at study table. Hindi na nakatutol si Olivia nang sinabi ni Erin na sa sahig ito matutulog.

Erin was soundly asleep when Olivia decided to call it a night. There’s no electricity. Dinner time was before sundown. By 7PM, Olivia was asleep.

She woke up after dreaming about flying on a magical taro leaf with Erin. Olivia saw her room mate left the room quietly. She must be hungry, Olivia thought.
Bumangon sya para samahan ito. Mula sa pinto ng kwarto nila sa itaas, kita roon ang main door. Kahit madilim, naaninag nya ang lumabas na si Erin. Dala ang gasera, bumaba si Olivia saka sinundan ang babaing wala man lang dalang flashlight.

Madilim na madilim sa labas. Natatakpan ng ulap ang buwan. Medyo nag-alinlangan sya nang hindi makita si Erin. Saan ito pumunta?

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now