"Okay, then... We'll have dinner later. Saan ang trabaho mo?"

"Uh..." nag isip ako. "M-May nagpapatutor ulit sa akin sa kabilang bahay. Tinanggap ko na dahil... trabaho rin iyon..."

I can't do this! Pero wala akong magawa!

"Mmm, okay. Is it a girl again?"

"Yes..."

"Magkano ang bayad sayo?"

"O-One hundred everyday..."

"That's good. Mmm, anong ginagawa mo ngayon? Kagigising mo lang?"

"Uh, oo. Na-late ako ng gising. May ginawa kasi ako kagabi."

"Anong ginawa mo kagabi?"

Gosh. Hindi ba siya titigil sa kakatanong? Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti.

"Uh, labada ulit? Ganon naman palagi..." I lied again! Pumikit ako ng mariin.

"Mmm. Ang sipag talaga ng girlfriend ko. You know I can provide for you," he said playfully but I know he's serious about that.

Umirap ako. "Kaya ko ang sarili ko, Brandon."

"Yeah, I know. I just tried, alright?" he chuckled. "You're really a damn independent woman."

Ngumiti ako. "You should be independent too, you know."

"I am independent. Nakakatulong na ako sa kumpanya namin and I'm studying hard too."

Nagtaas ako ng isanv kilay at lalo pang napangiti. "Really? That's good."

"I want to build my own business but Morrisa doesn't have an interest in business so no one will inherit the company but me."

He wants to build his own business? Napangiti ako. Parang mas lalo lang yata akong humanga sa kanya.

"Wala ka bang ibang pinsan?" tanong ko. Alam ko marami silang Monteza.

"I have cousins pero may sari sarili na silang pagmamanahan na kumpanya. Ayaw rin naman nila sa kumpanya ni lolo kaya sa akin talaga iyon mapupunta. Ang Papa ko rin ang may hawak no'n."

Big time. Ngumisi ako. We talked for a while until he told me to eat. It was nine o'clock in the morning and I woke up really late. Masyado yata akong umiyak kagabi na napuyat ako at ramdam ko pa ang pamamaga ng mga mata. Para iyong kinagat ng ipis.

"Oh? Ayos ka lang, Cassandra?" tanong ni Arjun nang nakitang namamaga ang mata ko.

"Uh, ayos lang. Nakagat ng ipis," ngumisi ako.

Napagtanto ko na hindi ko muna sasabihin sa kanila ang nangyari at ang pagpapa DNA test namin ng mga Agravante. Gusto kong sabay kong sasabihin sa kanila ni Audrey iyon. Balak ko na ring sabihin kina Olivia at Emma ang nangyayari at syempre, kay Brandon.

Dumating nga ang mga tauhan ng mga Agravante para sunduin ako nang tanghali, katatapos ko lang kumain. Mabuti nalang nasa loob ng bahay nila si Arjun kaya hindi siya magtatanong tungkol rito sa pagsusundo sa akin ng mga Agravante.

Huminga ako ng malalim at sumakay sa loob ng sasakyan na binuksan ng isang tauhan. Pagkatapos no'n ay umalis na kami. Dalawang tauhan lang ang kasama ko sa SUV, driver ang isa at nasa passenger seat naman ang isa. Kabado ako habang tinitignan ang mga nadadaanan namin sa labas.

I really can’t believe this is already happening!

We soon arrived at the private hospital chosen by the Agravantes to do the DNA test. The Agravante's men guided me inside and took me to where the Agravantes are. I'm still nervous and my hands are very cold. Ito na naman ako!

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now