"IVY!!!" Sigaw ni mama at nagyakapan ang dalawa

"Oh ivy! Nakauwi kana pala" masayang ani ni papa

"Kuya... para bumabata ka yata ha" birong ani ni tita ivy

"Nako wag mo na akong bulahin" natatawang wika ni papa "Kailan ka pala nakauwi?" Dagdag ni papa

"Kagahapon lang kuya" sagot ni tita ivy

"Kamusta ka pala sa saudi, laki na rin ng pinagbago mo" ngiting wika ni mama

"Ok lang naman eto nag go-glow pa rin hahahaha, teka si mica nasaan?" Tanong ni tita ivy

"Nasa taas po nagpapahinga" sagot ko

"Ahh kamusta naman siya?" Tanong niya ulit

"Ganun pa rin, kung may pera lang sana kami ay matagal na sanang naoperahan si mica, pera ito walang wala kami kaya hindi namin siya mapaoperahan" mahabang lintanya ni mama

"Tumigil po ako tita sa pag-aaral para makatulong kila mama at papa, naghahanap na rin po ako ng trabaho pero wala pa pong tumatanggap sa akin" wika ko naman

"Ganun sayang naman, ay teka! May alam akong trabaho" -Tita ivy

"Talaga po?! Saan po yan?!" Masayang wika ko sa wakas magkakaroon na ako ng trabaho yes!

"Kaso kaya mo bang maging yaya?" Tanong ni ate ivy, nako easy lang sakin yan buti masipag ako hehe

"Opo naman tita ivy kahit ano pong trabaho ay kakayanin ko basta marangal" wika ko "Saan po ba yun?" Tanong ko

"Sa pamilyang hanson, mayaman ang pamilyang yun maraming kumpanya dito sa pilipinas at sa ibang bansa, naghahanap sila ng maid na 18 to 30" wika ni tita ivy, nakaka curious naman kung 18 to 30 ang kailangan nila, pero bahala na at lease may trabaho na ako magaapply ako tutal 18 ako at pwede ako
"Saka ang sweldo doon ay 50K kada buwan" napanganga naman kami, ano?! Seryoso?! 50K kada buwan kyahhhh

"Talaga ang laki naman" wika ni mama

"Oo ate" -Tita ivy

"Sige po tita ivy papasok po ako diyan" masayang wika ko

"Oh sige, kuya penge naman ng papel at ballpen isusulat ko yung address ng subdivition ng pamilyang hanson" utos ni tita ivy kay papa

"Sige sandali lang" at pumasok si papa sa kwarto nila ni mama, excited na ako sa wakas ay magkakaroon na ako ng trabaho

Mayamaya ay lumabas na si papa na may dalang papel at notebook at binigay kay tita ivy at isinulat doon ang address daw ng subdivition ng pamilyang hanson

"Oh ito, ito ang address ng subdivition nila, kilala ko ang mayordoma doon, sasabihin ko na rin sakaniya na may ipapasok ako doon" lintanya ni tita ivy

"Sige po ate ivy, maraming salamat po ha? Kailan po ba ako nagsisimula?"

"Buksan na bukas dito kailangan na kailangan daw kase nila ng mga maid, kaya mag imapake kana at bukas ay aalis kana" -Tita ivy

"Ahhh sige sige po tita ivy maraming salamat po" pasasalamat ko

"Walang ano man elise gusto ko ding makatulong sainyo, sa pagpapagamot kay mica" ngiting sabi ni tita ivy

"Salamat ivy ha" -Papa

"Walang anuman" -Tita ivy

"Halika ka kumain ka muna" sabi ni mama na agad kinatungo ni tita ivy

"Anak bumili ka ng soft drinks kila aling ninita, ito oh" iaabot na sana sa akin ni mama ang pera ng pigilan siya ni tita ivy

"Nako tabi mo nalang yan teh jocelyn, ito nalang elise oh" sabay abot niya ng isang daan

"Nako sigurado ka?" Tanong ni mama

"Oo ok lang ate itabi mo nalang yan"

"Salamat" -Mama.

"Sige po bibili na po ako" paalam ko at tumango lang sila.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa tindahan nila aling ninita, at nakita kong nagbabantay doon si thea ay apo ni aling ninita.

"Thea pabili nga ako ng fruit soda yung orange" sabi ko.

"Ikaw pala elise, saglit lang ha" at pumasok siya sa loob nila tumango nalang ako.

Mayamaya ay naramdaman ko na paparating na siya, pero iba pala yung lumabas at may hawak ngayon ng soft drinks.

"Hi elise ito yung soft drinks mo" ngiting sabi sa akin no josh at ibinigay sa akin ang bote, si josh ay kuya ni thea at parehas ko silang kaibigan pero minsan ay napapansin kong sweet sa akin si josh hindi ko ba alam kung bakit ay nevermind.

"Ay salamat, si thea pala nasaan? nagulat ako ikaw na yung lumabas" natatawa kong wika

"A-ah i-inutusan siya ni mommy" ngiti niyang wika, bakit nauutal to?

"Ahhh, sige ito yung bayad" sabay bigay ko ng isang daan sakaniya at kinuha naman niya iyon at sinuklian ako at ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko habang kinukuha ko yung sukli sa kamay niya pero hindi ko nalang pinansin

"Sige alis na ako" paalam ko at tumango lang siya ng nakangiti, may something talaga sa lalaking yun, haysss nevermind! Naglakad nalang ako pauwi.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon