"No please Bella!"

"Siguro nga tama si Ravanni. Sana umpisa pa lang hindi na ako lumapit sayo."

"I'm sorry! I didn't mean to hurt you. It's just that naguguluhan pa lang ako. And I am here to clear my mind and feelings for you! At nalaman ko n-"

"Na mahal mo pa sya tama ba ako?" Halos mabulunan ako sa sarili kong salita habang sinasabi sa kanya 'yon. Umaasa ako na hindi sya sasang-ayon sa akin pero bigla na lang syang lumuhod sa harapan ko.

"Please stay with me Bella. Pakiusap konti na lang. Hayaan mo akon-"

"Bakit? Miss na miss mo parin ba sya? Kaylangan mo pa ba ako para makalimutan mo sya? Hindi pa ba sapat ang ilang buwan kong pagiging panakip butas para sayo?"

"Hindi ganon! Pakiusap! Konting panahon lang ang hinihingi ko sayo para maayos ko ang lahat sa sarili ko! Hindi mo lang ako maintindihan ngayon! Sya ang naging buhay ko noon at malaki ang parte nya sa buhay ko kaya hindi ganon kadali na kalimutan ko sya." Parang lalo akong dinudurog habang sinasabi nya ang lahat nang ito sa akin.

"Ang sinasabi mo ba ay manatili ako sa tabi mo at maghintay hanggang sa makalimutan mo sya at ako naman ang mahalin mo? Hindi ko akalain na ganito ka ka-selfish Damon." Sabi ko sa kanya habang patuloy parin ang pagtulo ng luha ko habang nangangatal na ang mga kamay ko na nakahawak sa payong.

"Sobrang sakit para sa akin na malaman na patay na ang karibal ko sayo pero hindi mo parin ako nagawang mahalin. At huwag mong isipin na wala akong konsiderasyon kung hindi kita pagbibigyan sa gusto mo dahil sobra na Damon! Gusto kong magalit ng sobra sayo ngayon dahil pinagmukha mo lang akong tanga! Pero alam ko naman na wala akong karapatan dahil hindi naman naging tayo! All this time Damon! All this time ginawa mo lang akong panakip butas!" Galit na galit na sabi ko sa kanya. At ngayon habang nakikita ko syang nakaluhod sa akin ngayon para magmaka-awa na manatili ako sa tabi nya habang hindi pa sya tapos magmahal ng iba ay parang nakikiusap na rin sya sa akin na hayaan ko muna ang sarili ko na masaktan sa tabi nya.

"Iiwan mo na ba ako?" Tanong nya sa akin at saka sya deretsong tumingala sa akin dahil nakaluhod parin sya sa harap ko. Kitang kita ko ang pagpatak ng bawat luha nya kahit na malakas na ang buhos ng ulan. Pero hindi ko mapigilan isipin na para sa akin ba talaga ang mga luhang 'yon o para sa babaeng nakalibing ngayon sa lupa.

"Yon ang dapat kong gawin na sana matagal ko nang ginawa." Seryosong sabi ko sa kanya habang deretso ring nakatingin sa mga mata nya. Sobra sobra na ang pinaranas nya sa akin sa araw na 'to at ayoko nang magtagal pa dito dahil baka malimutan ko na naman na pahalagahan ang sarili ko.

"Please don't leave me. Please s-stay." Basag ang boses na sabi nya sa akin pero umiling lang ako.

"Kung ang sinabi mo sa akin ngayon ay mahal mo ako kahit di mo na sabihing huwag kitang iwan....mananatili parin ako sayo."

//

Damon

"Hijo where have you been? Bakit basang basa ka ng ulan?" Salubong sa akin ni Mommy pero hindi ko sya pinansin. I don't know what am I supposed to do right now.

"Rosian and Easton is in the garden. Puntahan mo sila after mong magpalit okay?" Napatigil ako sa paglalakad ko dahil sa sinabing 'yon ni Mommy. Mabilis akong dinala ng mga paa ko sa may garden at nakita ko nga doon sa may gazebo sina Easton.

"Damon umuulan!" Sigaw ni Mommy pero hindi ko na sya pinansin pa. I run to them and I don't care if I will be freeze to death right now.

"How could you do this to me Easton?!" Salubong ko agad sa kanila saka ko hinawakan ang kwelyo nya. I know it! Sya ang nag-sabi kay Bella kung nasaan ako. And everything was now ruined because of him.

"Let him go! Ako ang nag-sabi sa kanya!" Nabitawan ko agad si Easton sa pagkakahawak ko saka ako tumingin kay Rosian at hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Of all people?

"Why did you do that?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya but she didn't say any words she just gave me a hard slap instead.

"How can you be this cruel Damon? I never thought that you can be a monster like this."

"You don't understand! You don't know anything kaya dapat ay nanahimik ka na lang!"

"How can I do that if I see someone hurting because of you?! Akala mo ba ay hindi ko alam ang pinaggagawa mo? You always go to the bar and what? You make yourself drunk and utter Angel's name while what? While what again Damon?! While playing someone's heart and that's Bella's! You make her feel that she is special while you are just playing her and making her as your own puppet in a show to ease your longin for someone. For Angel! Wala ka na ba talagang natitirang guilt sa katawan? How can you play someone like Bella who's too kind and too innocent?! Tell me Damon?! Tell me!" I was stiffed for a while because of what she said. Mas narealize ko lang na napakagago ko para gawin ang lahat nang ito sa likod ni Bella.

"Rosian stop! This is enough! I told you to let him be!"

"Isa ka pa Easton! Huwag kang mangialam dito dahil isa ka pa! And you Damon! I always saw you going back to the mountain every night kung saan kayo palaging napunta ni Angel for what? For betraying someone more and making someone a fool! Hindi mo man lang nirespeto ang kaibigan ko! Sa kamukha nya pa talaga! Pakiramdam ko ay niloloko mo na rin si Angel sa lahat nang ginagawa mo!" Sigaw parin nito sa akin at kita ko ang galit sa mukha nya.

"Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Ginagawa ko lang ang lahat nang 'yon para palayain ang sarili ko sa pagmamahal ko kay Angel!"

"Reason Damon! Palusot pa more! Your love for Angel turns you to be a cruel monster. Umpisa pa lang sinabihan na kita pero nakinig ka ba? Hindi kaya nandito ka ngayon sa sitwasyong 'to!" Malakas na sigaw nya parin sa akin habang deretso lang ang tingin nya sa akin.

"Oo na! Yes! I admit! There is still something in me for Angel but I also want you to know that Bella is slowly having her place in my heart but because of what you did I won't have a chance to develop myself for the second time for Bella! Pinangunahan mo ako at ngayon lumalayo na sya sa akin! Hindi ka na lang sana nangialam pa!" Sigaw ko rin sa kanya dahil hindi nila ako maintindihan. At sa pangalawang beses ay naramdaman ko nanaman ang palad nya sa pisngi ko. Saka nya ako binigyan ng pekeng ngiti. Hawak parin sya ni Easton dahil mukhang gusto nya ulit akong sampalin. And yeah maybe I deserve that f*cking slap from Rosian.

"Someday you will thank me for this because I ended your stupidity."

"Why can't you all understand me? Bakit hindi nyo man lang ako hinayaan na buoin ang sarili ko bago nyo ako dinurog ulit?"

"Bakit? Does this f*cking 8 years is not yet enough for you to fix yourself? Or what you're saying is bakit hindi ka muna namin hinayaan na gamitin si Bella para maayos ang sarili mo?"

"Hindi ko ginustong gamitin sya Rosian! I swear!" Pagpupumilit ko sa kanya dahil totoo 'yon. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko na lapitan sya. Hindi ko intensyon na saktan sya.

"But it was ended up like that. Sana may marealize ka na this time." Seryosong sabi ni Rosian sa akin saka walang sabing umalis doon at sumugod sa ulan.

"I don't know you anymore Damon." Rinig kong sabi ni Easton saka nya ako iniwan.

Bakit walang makaintindi sa akin? Kung kaylan kaylangan ko sila ay hindi nila ako masuportahan.







xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now