Chapter 68: The Fighters (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Mula sa malayo, naintindihan na ni Teody na ganito ang abilidad ni Jwyneth habang pinanonood niya ang laban. Ang aura ng tao ang siyang nagbibigay indikasyon kung ano ang nararamdaman nito. Kung sino ang magkaroon ng pisikal na kontak sa pamamagitan ng paghawak ni Jwyneth sa ibang tao, makikita niya ang aura nito, at dumating sa puntong kaya na niyang ipakita ang nakikita niya sa maraming tao.

Fiona emits orange aura indication of being guilty and worry to the person she have battle with. Yes, she was guilty at everything na sana hindi nalang siya naniwala sa ex ni Jwyneth and at the same time, feel worry for Jwyneth.

Nang ma-recognize na ni Fiona na ginagamitan na siya ng ability ni Jwyneth, siya naman ang gumawa ng paraan para matanggal ng bisa ito.

Pumasok siya sa isip ni Jwyneth at pinatitigil niya kung ano ang bagay na ito. Pinaintindi ni Jwyneth sa kaniya kung ano ang nagagawa nito.

"You were at state of guilt and worry. About what? about who? and why?"

"Wala ka nang pakielam doon. Stop this." Ani ni Fiona.

Nasa loob ng parallel subconscious ang dalawa na gawa ni Fiona. She has ability to communicate to the person she had physical contact with. In this dimension, kaya niyang gawin lahat. She was powerful there. Walang magagawa si Jwyneth kung magkataong magamit sa kaniya ang ability na iyon.

"Kung hindi mo tatanggalin ito, ako na ang bahala sa konsensya mo." Taas kilay nitong ani. Parang nahulog si Jwyneth sa madilim na parte ng dimension na iyon. Nahihilo siya dahil hindi ito ang tunay na mundo. She was under Fiona's ability. Ang mga manonood ay wala paring maintindihan.

Sa loob ng dimension na iyon, pinapakita kay Jwyneth ang lahat. Ang lahat ng bagay na dapat bigyan ng konsensya at konsiderasyon.

AT THE ASTRO PARK (BENCH)
Pinakita sa kaniya ni Fiona kung gaano kalungkot si Kenneth ng iwan niya ito ng gabing magtapat ito sa kaniya. Napaluha si Kenneth sa sarili nitong braso. Tinangka ni Jwyneth na hawakan si Kenneth pero parang hamog lang itong hindi niya mahawakan.

AT THE MAZE (BRIDGE)
Nagbago ang scenario, nakita niya ang sarili niya na nasa tulay at litong-lito. Pinaranas sa kaniya kung paano mahulog sa walang hanggang butas na iyon. Lulang-lula siya at padilim ng padilim sa parteng iyon. Nakita niya si Kenneth na nalaglag rin sa madilim na parte na iyon. Sinubukan niyang abutin ang mga kamay ni Kenneth pero naglaho lang itong tulad ng isang bula.

AT THE HIDDEN PLACE (WHEN KENNETH WAS UNDER CONTROL OF WYN DAIL)
Pinakita sa kaniya ang scenario na kung saan hinalikan siya ni Kenneth, wala siyang naaalala na nangyari iyon, pero ang naaalala lamang niya andun siya sa scenario na iyon at natagpuan niyang umiiyak si Crystal Gail.

Na-realize nalang ni Jwyneth na
nakasira siya ng isang relasyon. She didn't know how or why did she do that. But wala siyang intensyon na manira ng relasyon. Then suddenly, after Jwyneth witnessed all of those scenario, Fiona appears from her side saying all things that can burst out Jwyneth's feeling.

"Tignan mo, sino sa atin ang dapat maguilty? Sino sa atin ang dapat
manghinayang? Naranasan mo na rin pala ang manira ng relasyon NANG HINDI SINASADYA. How silly. How cruel you are. tsk tsk tsk Tignan mo, lagi ka nalang walang alam," ani ni Fiona.

Bumagsak ang luha ni Jwyneth. Unti-unting nagsink-in sa kaniya ang mga pangyayari. Kung paano naging maintindihin si Kenneth sa kaniya, Kung paano siya niligtas nito at kung papaano niya sinira ang kaligayahan nito na hindi niya sinasadya.

Kinakain na siya ng kaniya konsensya. Paano niya nagawa ang mga bagay na ito?

"Hin.Hindi. Hindi ko sinasadya..." tangis nito.

"Sabihin mo sa kaniya." Turo ni Fiona sa imahe ni Kenneth. Pumitik si Fiona at ang lahat ay parang naglaho sa parang mga alikabok nilipad lamang ng hangin. Bumalik sila sa tagpo na madilim ang lahat at isa't isa lamang ang kanilang nakikita.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon