Chained by Restrictions

Start from the beginning
                                        

Nawala ang gulat at pagtataka na napalitan ng takot at galit. "Where is she?" Madiing tanong ko.

"She's in her room, sleeping. We shouldn't bother her, right?"

I can sense that something is going on. "I want to speak with he-"

"Son! How about we talk some other time?"

Bago pa ako makapagsalita ay pinutol na niya ang tawag.

Dinial ko ang kanyang numero perk out of service na ito.

What the fuck did she do to Yvonne? Is Yvonne doing well? Is she eating well? Is she even safe?

Naiinis akong napakuyom habang iniisip ang posibleng ginagawa ni Yvonne ngayon. Ang posibleng ginawa ni Mama sa kanya.

Isang linggo na ang nagdaan na hindi siya tumawag sa akin. Abang lang ako ng abang sa aking telepono pero hindi na siya muling tumawag.

Agad kong kinuha ang telepono ng tumunog ito pagkaraan ng isang linggo ulit pagkasimula ng Grade 11 year ko. Isang hindi rehistradong numero. Walang pagdadalawang isip ko itong sinagot at hindi naman ako nagkamaling si Mama nga ito.

"Hello, son." Magiliw niyang bati.

"I want to talk to Yvonne." I said straight to the point.

"Kapatid agad? How about, Mama?

"I said, I want to talk to her!" Hindi ko na napigilang sabi kung saan dinig ang galit at pagkawala ng pasensya.

"Since, I can't seem to talk through you, I want to open a deal." Hindi ako nagsalita at nanatiling nakinig. "In return you can 'see' Yvonne, hm?"

"What is it?"

"It's simple naman. You just need to get rid- oops! Not the right term."

Rid? "What?"

"I just want you to hurt the only blessing, the only life and the only girl of Leighan Salvernon..." unti-unting nanlaki ang aking mga sa narinig. "Her daughter, Danaleigh Salvernon."

Natapos ang tawag na hindi ako nakaimik. Days passed and she has been contacting me about her fucking piece of a big bullshit 'deal'.

'Hurt' her? How could I ever do that?

Danaleigh made me realize how warm having this special person take care of you, to be there for you and to be with you. Hurting her can never be of a deal. It will be off the deal!

"So, how's it going?" She called, again.

Aksidenteng napunta ang tingin ko sa orasan at nakitang magaalas-dose na ng gabi.

Mahigpit akong napakuyom. "I can never do this deal."

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. "Still can't even with this?"

Nagtaka ako sa kanyang sinabi bago narinig ang pagtunog ng telepono. Patuloy pa rin ang tawag na binuksan ko ang mensaheng galing sa kanya. But it wasn't a simple message.

It is a blackmail.

Namuo ang poot sa aking dibdib sa nakita. Litrato ni Yvonne na natutulog. Kita ang pangangatawan nito na halatang kinulang sa pagkain. Kahit saan dumapo ang aking tingin sa litrato, puno siya ng sugat na sa tingin ko ay dulot ng paghampas ng kung anong matigas o matulis na bagay sa kanya. Mga pasa sa labi, sa pisngi at sa braso. Pansin ko rin ang tuyong luha sa kanyang pisngi.

How... How is she... like this?

"You love it?"

Isang luha ang tumulo sa aking pisngi, nagsimula na ring manlabo ang aking mga mata para sa nalalapit na mga luha.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now