"It's still a physical contact, Danaleigh." Seryosong saad ko na ikinanguso niya.
"Kuya!"
Tila natural na epekto na ang paninigas ng aking katawan, bumilis naman sa pagtibok ang aking puso at nagsimulang uminit ang aking pisngi pagkarinig ko sa kanyang malamyos na boses. Niligpit ko agad ang litrato namin ni Yvonne at tumikhim, inaayos ang sarili ng maitago ang nararamdaman.
Nilingon ko siya at nginitian. "Bakit?"
"A-Ano, hehe..." Napakamot ito sa buhok, nahihiya.
"Bakit ano bang meron?"
Napatitig ako sa mapulang labi nito ng kinagat niya ito. "I want to shop some clothes, can you come with me?"
Lumundag ang aking puso ng ngumiti siya habang nakatitig din sa aking mga mata. Lumapit siya sa akin at sobra ang pagpipigil kong umatras.
Inabot ng kanyang kamay ang aking pisngi. Siguro dahil wala naman sa kanya ang ginagawa kaya malakas ang loob kong pagmasdan ang magandang mukha niya.
Hanggang leeg ang kulot niyang tsokolateng buhok. Inosenteng kulay asul-abong mata. Maliit pero nakadepina ang porma ng ilong. Unti-unting nawawala na ang malusog na pisngi na mabilis na namumula kapag umiiyak siya, nahihiya o nagagalit, nagiging dalaga na.
"Kuya, parang namumula ata ang pisngi mo." Parang wala lang na sabi niya at binaba ang kamay.
Kumunot ang aking noo at pilit na tinatago ang nararamdaman. Hindi na ako nagsalita pa at mariin siyang pinakatitigan. Why does she make me feel different kinds of emotions?
"Joke lang naman." Pabiro siyang ngumiti.
Even with that smile it can still cause a wild uproar inside me. Is this even normal?
Nagising ako sa isang tawag. Wala sa sariling inabot ko ang lamesang nasa gilid ng aking higaan.
'Unregistered number calling.'
Kumunot ang aking noo sa nabasa. Agad ko namang kinansel.
Did Leigh gave my number to other girls?
I may sound narcissist or what but girls approach me. Only intention is to either get to know me or who likes me. They would even ask Leigh about my number. And Leigh being the Leigh that I know, dense and innocent, she gave them, behind my back.
Ilalagay ko na sana ang telepono ng tumunog ito ulit. Bumangon na ako ng nawala na ang antok.
Who is this persistent caller?
The call ended but it rang again. This time I answered it.
"Hello?"
I hear nothing. Is this a prank?
"Hello?" I tried once again but when I heard nothing I look at the caller, confused.
I placed it in my ear, listening to it again but what I did was the biggest bad move in my life.
"It's been a long time, Vaughn."
Nanigas ang aking buong katawan ng marinig ang pamilyar na boses ng ina.
Why... ? After 11 years. Why now?
"It's Mama..." Malambing niyang saad na nagdulot ng kilabot sa buong katawan ko.
"Mama...?" I whispered, confused and shocked at the same time.
"Oh! My son still remembers me! Kamusta ka na?"
Parang may bukol sa lalamunan na nahirapan akong lumunok. "H-How's Yvonne?"
Narinig ko siyang suminghap sa kabilang linya. "Oh, your sister? Uhm, okay lang naman siya... sa tingin ko." Tumawa siya sa kabilang linya.
YOU ARE READING
OS #1: Chain Of Restrictions
Romance[COMPLETED] Own Series #1 "Chain made by her restrictions? Yeah, I'll gladly be chained down for eternity." Danaleigh Salvernon Story __________________ Started: February 24, 2021 Finished: May 27, 2021 Yet to be revise :) [Cover Photo used is not m...
Chained by Restrictions
Start from the beginning
