Chained by Restrictions

Start from the beginning
                                        

Lumuhod ako sa at kinuha ang isa niyang laruang stethoscope at pinakita siyang nilalaro ko iyon. "Hi, I'm Vaughn Hugh. You can call me 'Kuya'" I happily said to her.

But never did I think that a day would come, I would hate being called by that.

"Danaleigh!" Nag-aalang tawag ko sa kanya ng matumba siya mula sa bike.

Agad ko siyang kinarga ng makita ang pagdurugo na ng kanyang sugat sa tuhod, na gasgasan. Nabawasan naman ang pag-alala ko ng makita si Dana na hindi umiiyak. How brave.

Tinungo ko ang living room at pinaupo siya roon. Lumapit naman si Manang sa amin. "Manang, help."

Kinuha ni Manang ang first aid kit at nagsimulang gamutin ang sugat. "Manang what do you call that one?"

Naalis ang pansin ko sa kanyang sugat ng nagpakita ng interes si Dana sa ginagawa ni Manang.

"Ito ba?" Kinuha ni Manang ang bote ng panggamot. "Povidone Iodine ito. Nagpapadali ng paghilom ng sugat." Mangha namang napatango si Dana.

"Ay teka ha, may niluluto kasi ako sa kusina. Ang kuya mo muna nag magpapatuloy sa paggagamot." Nilagay ni Manang sa akin ang paa ni Dana.

Nakikita ko naman si Mom kung paano gumamot nung nagkasugat ako kaya kahit papaano may alam ko rito. Pinagpatuloy ko ang paglagay ng gamot sa gilid ng sugat sabay ihip nito.

"Kuya, are you fine being with us? Being my brother?"

Napatigil ako sa ginagawa ng bigla niyang tinanong iyon. Nilagay ko sa mesa ang gamot at tiningnan siya.

Tumitig ako sa maamong mata niya na nakatitig din sa akin, naghihintay ng sagot. Ginulo ko ang kanyang buhok at ngumiti. "More than being fine. I love being here with Mom and Dad..." Inalis ko ang buhok na tumabon sa kanyang magandang mukha sa ginawang paggulo ko roon, at inipit sa likod ng kanyang tenga. "And being with you."

Isang maaliwalas na ngiti ang umabot sa kanyang ngiti. Kumislap ang kanyang asul at abo niyang mga mata. "Really?"

"Yeah, Leigh."

Masaya naman itong tumango sa narinig na nagpasaya sa akin.

I want to call her by that name. She has been called 'Dan' or 'Dana' but I thought, why not her other name?

'Leigh' suits her the most... a name that I can only call her with.

Naging maganda ang pamumuhay ko kasama ang mga Salvernon. Napakabait nila sa akin, binibigyan nila ako ng makakain sa araw-araw, binibilhan ng mga gamit at damit pati laruan, pinag-aral din nila ako sa paaralang pinapasukan ni Leigh. I have been living with them for six years now.

Naiinis na pinanood ko ang lalaking lumapit kay Leigh. Nasa grade school pa lang kami pero may umaaligid na. Uuwi na sana kami ng bigla itong lumapit dahil gustong makausap daw ang kapatid.

'Kapatid'

I don't like that word being associated with me and her. Leigh and I can never be siblings!

Agad kong tinakbo ang kanilang pwesto ng may nakakainis na ngiti sa labi na nagsimulang lumapit ang bata sa kanya. Tinulak ko ito palayo na ikinainis nito. Pero agad ding nawala ng makitang ako ang tumulak sa kanya.

"Pasensya na, Vaughn." Mahihiyang iniwas nito ang tingin.

Tinanguan ko lang siya at hinayaang umalis. Alam kong iniisip nitong pinigilan ko siya sa kanyang planong pagyakap ng may intensyon bilang nakakatandang kapatid pero nagkakamali siya.

I did it for my own intention. Not being her fucking brother but a person who has a hidden affection towards her.

"It was just a hug?" She voiced behind me that made me stop thinking.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now