Chained by Restrictions

Start from the beginning
                                        

Walang laman maliban sa isang I.D. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang litrato na may pangalang Dillon Hares.

He looks just like me. Ito ba ang ama namin ni Yvonne?

With unanswered questions, I kept the I.D with me.

Isang araw tinawag ako ni Mama kaya muli kong iniwan si Yvonne na nagpapraktis sa pagsulat ng pangalan. Binilhan kasi kami ni Luis ng lapis at papel na pwede naming mapagsulatan. Kasama na rin ang alphabet letters, mga mga oras din na tinuturuan niya kami na labis na ikanatuwa namin ni Yvonne.

"Bakit, Mama?" May ngiting tanong ko.

"Vaughn nagugustuhan mo ba ang mga pagkain na binibigay ko sayo? Sa inyo ng kapatid mo?" Malambing na tanong ng ina.

Tumango ako. "Opo, masarap din po at hindi na rin kami nagugutom."

Kita ko ang panandaliang pagtaas ng kanyang kilay sa isang ekpresyon na ilang araw ko ring hindi nakita. "Really? That's good. Vaughn kasi, 'di ba gusto mong makakain ng tama ang iyong kapatid gaya na lamang ngayon at noong mga nagdaang araw?" Tumango ako. "Gusto sana kitang dalhin sa isang lugar kung papayag ka."

"Mama, paano si Yvo-"

"Si Tito Luis mo muna ang maiiwan kasama niya." Nalungkot naman ako sa isiping hindi makakasama ang kapatid. "Don't worry, aalagaan namin ang kapatid mo at papakainin ng maayos."

Dinala nga niya ako sa isang lugar na may piyesta. "Anak, huwag mong kakalimutan ha. 'Salvernon' ang pangalan. Kapag nakita mo sila at sinama, sumama ka ah." Malaki ang ngiting sabi ng ina pero kita sa mga mata nito ang kakaibang sinag.

"By the way pala Vaughn, I uhm... I need to go somewhere. Gusto mo ba ng makakain? Hotdog? I'll buy you one. Babalik lang rin ako agad." Tumalikod ang ina tila nagmamadali.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Pero Mam-"

Nagulat ako ng marahas na tinanggal ng ina ang pagkakahawak ko sa kanya. "Sabing aalis muna ako!" Napatigil ako ng suminghal siya.

Pinanood ko siyang ayusin ang sarili bago ngumiti sa akin. "Babalik din naman agad ako, anak."

Mahigpit na nakakuyom ang maliit kong kamay habang tinatanaw siyang naglalakad palayo. I may not like it but I waited for her, not foR her sake but for Yvonne's.

Malapit ng matapos ang pyesta pero walang ina ang bumalik. Nanghihina na sa gutom at pagod, nagsimula akong maglakad. Huminto ako ng mapadpad sa istasyon ng pulis. Naglakad ako papasok ng makahingi man lang ng tubig. Wala sa plano ko ang manghingi ng tulong sa pulis pero nangyari iyon.

Hindi ko alam ang gagawin ng may mga 'Salvernon' nga ang nagpakita sa istasyon. Tinanong nila kung sino ang ina ko na sinagot ko naman ng totoo. Magulo ang naging pangyayari pero natagpuan ko na lang ang sarili na nasa bahay nila at pinapanood ang magandang batang babaeng naglalaro sa sofa.

"Dana, sweetie. Ito si Kuya Vaughn mo. Never forget your manners, alright?" Mabait na sabi ng babaeng Salvernon na tatawagin ko ng 'Mom' ngayon.

Napatingin ako sa maliit na bata na tila parang isang manika sa suot nitong pulang bistida. Tila tumigil ang lahat sa batang mundo ko ng makita ang pinaghalong asul at abo nitong mata. Her eyes looks so amazingly beautiful and definitely stunning.

Kumiling ang ulo nito sa kanan sa isang nakakagiliw na paraan. Her moisten pouty lips form a smile that made me stare at it with awe.

"Kuya?"

Malambing ang tono, sobrang mahinahon at parang anghel ang pagkalamyos nito. She give this cute but also beautiful glow that everyone will surely notices even with her early age. Eyes that can take away your breath once it meets yours.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now