Chained by Restrictions

Comenzar desde el principio
                                        

Our eyes met which cause a chaos in my whole system. Binasa nito ang mapulang labi dahilan ng pagbaba ng tingin ko doon.

"He's fine..." Dinig ang panunuya sa kanyang boses na wika niya kasabay ng pagtaas ng gilid ng kanyang labi.

Fine?

So, that's how she describes me? Fine?

Nothing about being handsome or manly?

What does she even mean by it?

"I'm satisfied with my offers... Ms. Salvernon."

Patago akong napapangiti ng napapansin ang pagpipigil niyang mairita sa akin.

Habang nag-uusap kami sa sinasabi niyang expansion, napakunot noo ako ng mapansin ang patuloy na pag-inom nito ng wine hanggang sa naubos niya ito.

Is she planning on getting drunk? Does she have a driver with her?

She excused herself saying she's getting more wine.

Napatiim bagang ako habang pinapanood siya sa malayo habang binubuksan ang bote ng wine. Tatayo na sana ako ng hinawakan ni Eurika ang aking braso kaya napatingin ako sa kanya.

"Where are you going, Vaughn?" She asks.

Napatingin na rin sa akin ang kanyang mga magulang.

"I will just get a bottle."

Still obviously doubting, she nodded.

Agad akong tumalikod at kalmadong lumapit sa mesa.

"You'll get drunk." Hindi ko mapigilang puna.

Tumaas naman ang kanyang kilay, nagtataray pero hindi nagsalita at nagpatuloy sa pag-inom. Umaktong wala lamang ang presensya ko.

Tinigil ko ang ginagawang pagguhit ng tumunog ang aking telepono. Sinagot ko ng makitang ang secretary ko iyon.

"Magandang hapon po Sir, may naghahanap pong Danaleigh Salvernon kanina lang po."

Kumunot ang aking noo kasabay ng mabilis na pagpintig nito pagkarinig ng kanyang pangalan.

Tumikhim ako. "What did you say to her?"

"Sinabi ko pong nandyan ka sa Dalaguete kaya nga po sabi ng front desk ay pupuntahan ka daw yata."

Nagkasalubong ang aking kilay sa narinig. "What?!"

Ilang oras ay dumating nga siya. Wearing a dress that's so short!

What is she even thinking coming here?

Mas lalo akong nagalit ng makitang hindi lang isa kundi halos lahat ng trabahador ay hindi sa ginagawa nakapokus kundi sa pormadong kausap.

"I came here to formally talk with you about the construction." Lips not even letting a single smile slip, she said.

"Ang ganda naman niyan, Sir."

My blood instantly boils after hearing what the old man said while his eyes are on Leigh's legs.

What the fuck of fuck?

"Do you want me to remove your fucking eyeballs? Or fire the fuck out of you?"

Malakas ang boses na sinisigurado kong dinig ang pagbabanta na wika ko. Lahat ng mga mata ng trabahador ay mabilis na bumalik ang pokus sa ginagawa.

"Namiss kita." She pouted and blinked her eyes looking so damn attractive.

She's definitely testing my patience.

OS #1: Chain Of RestrictionsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora