Opening up

54 5 2
                                    

Guess I am updating you guys another chapter todayyy~

Drie

We Celebrated our graduation in a buffet house in Q.C we've been planning to eat there since that buffet house opened. So to make our first time there super special, we planned that we will eat there after our graduation. Balita kasi namin masasarap ang mga pagkain at yung mga juices and shake na ginagawa nila doon.

2 months have passed and here I am, resting and bawling my eyes out because every tv series, movie, even commercials are about love. How can I move on, while seeing the guy I like is having fun with his new girl.. Did I ever become his girl? Did he actually love me? I don't even believe the words he let out when we broke up. I don't know what to believe anymore.

Lagi kong nakikita yung mga story nila sa Instagram, puro silang dalawa na magkasama. Magkayakap, minsan si Kay nakahalik sa pisngi ni Mara *ye she now allows me to call her Mara* Inggit na inggit ako kasi napaka open ni Kay kay Mara, minsan nga pag may hang out kami ng mga tropa parang wala kami. May mga sarili silang mundo, ako at si Brylle na lang yung single tapos makikita namin pag may hang out nagda-date lang silang lahat. Edi sana di nyo na kami pinasama diba. Maghiwalay sana kayong lahat kainis!

Napatigil ako sa paghagulgul ng biglang may tumawag sa akin, bad timing pa yung pag tawag ah, sino ba 'to?! "Hello!!" sabi ko ng pinipigilan ang sarili kong mainis at kumagat na lamang sa Ice Cream sandwich na hawak ko. "Drie, can you meet me at the Misi Cup shop?" huh, tinignan ko yung caller. "Brylle?" pagtawag ko sa pangalan nya "Oh bakit? Are you busy crying again?" aba loko, porket nakita nya lang akong bumili ng kape sa Misi Cup na umiiyak kala nya pwede nya na akong asarin. "Hindi! Sige hintayin mo ko dun, maghanda ka ring loko ka. Ang panget na tuloy ng umaga ko.

Di na ako nagabalang ayusin ng sobra yung sarili ko, nagsuot lang ako ng sweatpants atsaka t-shirt. Wala naman akong fans para magpaganda ako, pwe kahit walang fans maganda ako.... Ayon kay Kay, maganda ako kahit walang fans.. Ano ba itong natanim mo sa akin Kayden at di ka mawala wala sa isip ko, damong ligaw! Maganda sana ang araw ko kung di lang bumungad yung mga magjo-jowang yon sa newsfeed ko sa instagram!

Ang bitter ko tuloy ngayon, tama lang na sa Misi Cup kami mag meet up para naman makatikim ng kape sa mapakla kong araw. Buti na lang nandito na ako. "Asan na ba yun, sya nagyaya siya pa late" sabi ko habang kinuha ko yung phone ko para tawagan sya. Papasok na ako sa loob nung shop nang sagutin nya. "Asan ka na ha?!" Tanong ko "Thank you kuya" sabi ko naman sa guard na pinagbuksan ako ng pinto. "Sa Bandang dulo, malapit sa hagdan papuntang rooftop." pagsagot naman nya. Binaba ko na ang tawag at pinuntahan sya.

Nakarating na ako sa sinabi niyang pwesto, kaso iba ang nakita ko.. "Drie?" pagtawag ni...

"Mara! Hii ano ang pinunta mo dito, I mean nyo?" pagbati ko sa kanya "Date namin, sabi kasi ni Mara masarap daw yung mga kape at baked cookies dito. Yun daw ang sabi mo, you know her she likes coffee too much" sabi nya at niyakap si Mara.. Pinilit ko na lang yung ngiti ko "ah ganon, sige una na ako" aalis na ako ng biglang "Bal, Bunn Bunn ko, wait!" *Wow, as in wow! Lagi kang great timing noh Brylle?!* "Bal as in Lab-Love?" tanong ni Mara. "Oo, date rin namin ngayon eh, angal?" sabay sagot naman nitong ni Brylle. *Anak ng tokwa, date? Ayos ka lang?!* "Ah hehe- ano kasi-"

"Mahal pakikuha nga nung towel na naiwan ko sa kotse" pagputol sa kin ni Mara. Tinignan ko bawat kilos nila, hinawak nya yung braso nii Kay na parang iaamo ito. "Ha? Sabi mo di mo na kailangan kasi nga may tissue na dito?" "Eh nagbago isip ko eh, mas maganda yung towel." palusot ni Mara, halatang malaki ang impact niya kay Kayden. Ngumiti na lang si Kay at lumabas na "Antayin mo ko ah, may kukunin rin ako dun eh" sabi naman neto at hinalikan ang pisngi ni Mara. Nag Ngitian pa, kung maaari talaga buburahin ko yang mga ngiti na yan.

Ang Bakla kong BoyfriendWhere stories live. Discover now