"Kapag may libre kang oras ay mag-text ka sa akin. Update mo lang ako, mapapanatag na ako roon. And also, don't work too much, Verra. Palagi ka ring uminom ng tubig," paalala niya dahilan para mapangiti ako.

"Yes, Master," natatawa kong banggit.

Ngumuso siya, kapagkuwan ay hinalikan ako sa labi. Saglit akong napapikit. Nang magdilat pa ay isang halik naman sa noo ko ang iginawad niya. Tuluyan niya rin akong pinakawalan. Bumaba pa siya para pagbuksan ako ng pinto at ihatid sa tapat ng sliding door ng building.

"Susunduin kita mamaya," wika niya kung kaya ay tumango-tango ako.

"Okay. Drive safe, Calvin."

Akmang tatalikod na ako nang matigilan ako. Hawak pa rin niya ang kamay ko na para bang ayaw niyang bitawan. Ngumiti ako, kalaunan ay unti-unti ring lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bye, Calvin!" Kumaway ako rito nang magsimula akong maglakad palayo.

Wala pang mapagkakaabalahan ngayon si Calvin, since sinabi nga niyang matagal ang proseso nang pagpapalipat ng division. Sa bahay lang siya. Kung hindi mag-aalaga sa kaniyang ama ay mangungulit sa mga anak nina Chloe at Sir Melvin.

Hindi nagtagal nang makapasok ako sa lobby ng building. Binati ako ng guard, mayamaya nang manlaki ang mga mata niya na dinaig pa ang nakakita ng multo. Bumuka ang labi niya, marahil para magsalita.

Ngunit nalampasan ko na lang ito ay wala akong narinig ni isang letra. Alas otso pa ang pasok ko. Masyado pang maaga kaya wala akong masyadong nakasabayan sa loob ng elevator. Pero dahil ito ang first day ko ay kailangan ko pang mag-report.

Kailangan kong sumadya sa opisina ni Sir Melvin. Sa kaparehong Department mula sa 10th floor ako bumaba. Mula pa roon ay kaunti pa lamang ang tao. Ang iba ay mga bago na sa paningin ko, kaya malamang ay hindi nila ako kilala.

Dere-deretso akong nagtungo sa pinakadulo kung saan naroon ang office ni Sir Melvin. Isang katok mula sa pinto ay pinihit ko ang doorknob. Nakarinig pa ako ng ilang yabag. Mukhang nagmamadaling lumapit para buksan ang pinto.

At nakalimutan kong dito rin pala ang work station ni Andrew, since siya ang secretary ni Sir Melvin. Pareho pang nanlaki ang mga mata namin nang mabungaran ang isa't-isa. Saglit ko siyang tinitigan.

Tunay nga na sa paglipas ng panahon ay marami ang nagbabago sa isang tao. Hindi lang sa itsura kung paano mo sila nakilala, maging sa pagtrato at pagbabago ng nararamdaman ko.

Ngayon ko masasabing naka-move on na nga ako sa kaniya. Wala na iyong sakit, o kahit ang bitterness na makita siya ngayon. Kumurap-kurap ako. Mayamaya nang tipid akong ngumiti.

"Jinky... ikaw pala 'yan." Umatras siya at saka pa malapad na binuksan ang pinto.

"Nandiyan ba si Sir Melvin?" casual kong tanong. "Ibibigay ko lang sana itong report ko para sa pagbabalik ko."

Nagbaba siya ng tingin sa hawak kong papel ngunit mabilis ding ibinalik ang atensyon sa mukha ko. Ilang sandali nang ngumiti siya.

"Nagbalik ka," pag-uulit niya sa katotohanang iyon na hindi pinansin ang sadya ko. Marahan akong tumango bilang tugon.

"Oo, for good. Hindi na ako aalis." Mahina akong tumawa, kapagkuwan ay inilahad sa kaniya ang papel. "Mukhang mamaya pa si Sir Melvin, ikaw na lang ang mag-abot nito sa kaniya. Sinabi naman na niya na pwede na akong magsimulang magtrabaho ngayon."

Kinuha iyon ni Andrew habang nananatiling nakatitig sa akin. "Nice meeting you again, Jinky. Masaya ako na bumalik ka na."

"Masaya rin ako."

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now