CHAPTER 51

25 0 0
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pakiramdam ko kasi ay palagi na lang akong pinagkakaisahan ng mga taong nasa paligid ko. Ganito na nga sa workplace ko, pati ba naman ang pamilya ko pagkakaisahan ako? Seems like lahat sila, alam lahat ng ito. Ako lang naman itong walang kaalam alam.

Oo, sinabi na rin naman sa akin nila Celeste at Georgina nung una pa lang. Ako lang naman itong nagbingi bingihan at nagbulag bulagan dahil ang akala ko, niloloko lang nila ako.

"What the fuck, Faye?" singhal ni Kuya Lucho ngunit naroon ang ngisi sa labi niya.

Isa pa siya! Siguro alam niya na nung una pa lang lahat ng ito, 'no? Kaya pala ganoon na lang kapalagay ang loob niya sa tuwing magrereklamo ako sa kanya ng tungkol sa boss ko! Alam niya from the start pa lang na si Travis na ang tinutukoy ko at alam kong nung una pa lang, alam niya nang si Travis ang ikakasal sa akin! Kaya pala ganoon na lang siya kalakas kung tumawa sa tuwing magrereklamo ako ng tungkol sa kanya!

"What happened to you, Faye?" kunot noong tanong ni Mama sabay bigay ng tissue kay Celeste upang iabot kay Travis. "Magkakilala ba kayong dalawa?"

Bumaling ako ng tingin sa kanilang lahat bago dumapo ang tingin ko kay Celeste na ngayon ay iiling iling na tinanggap ang tissue na galing kay Mama. May ngisi sa labi niya kaya naman mas lalo lang akong nakaramdam ng inis. Siya ang bumunot ng ilang piraso roon upang ibigay sa lalaking katabi niya kaya naman doon ko binalingan ang lalaking binugahan ko ng wine sa mukha.

Kahit na basang basa ang mukha niya, hindi ko maipagkakailang may nakita akong multo ng ngiti sa labi niyang iyon kaya natitiyak kong nung una pa lang, alam niya nang mangyayari ang lahat ng 'to!

"Sorry," sagot ko bago namumulang tumayo sa kinauupuan ko. "Comfort room lang ako," dagdag ko pa bago ako nagdesisyong umalis sa lugar na iyon.

Rinig ko ang tawag nila sa pangalan ko ngunit sa halip na balingan sila pabalik ay nagdesisyon na lang akong magpatuloy sa paglalakad palayo. Hindi pwede. Hindi pwede lahat ng ito at hindi ako makakapayag na maikasal ako sa gagong iyon!

Pagkapasok pa lang sa comfort room ay dali dali ko nang sinarado at nilock ang pintuan at nang sa ganoon ay walang makapasok sa loob. It's a good thing na walang masyadong tao sa powder room na pinasukan ko kaya naman solong solo ko ang buong lugar na 'to kung maisipan ko mang magbreakdown.

Bumaling ako sa salamin na nasa gilid ko at hindi na ako nagtaka pa nang makita ko ang namumutla kong mukha. Sino ba namang hindi magugulat at mahihintakutan?

Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot sa tuwing maaalala ko lahat ng salitang binitiwan ko sa airport nitong nakaraan. Pwede ko pa bang bawiin lahat ng iyon?

"Hindi pwede 'to," natatawa kong sambit sa sarili bago ako nagtungo sa dulo at doon unti unting napasandal sa pader kasabay ng pagbulusok sa sahig nang mapaupo ako sa dismaya. "Alam ba nilang lahat kung anong mayroon ako kay Travis? Pinaglalaruan ba talaga nila ako?"

Nasa gitna ako ng diskusyon sa sarili nang sandaling makarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan. Masama ang kutob ko kaya naman nanatili lang akong kunot noong tumitig doon. Kung hindi si Kuya Lucho ang nasa likod ng pintuang iyon, sigurado akong si Travis iyon!

Si Travis lang naman ang maglalakas ng loob na hanapin ako, 'no? Lalo na ngayon...

"Faye, mag usap tayo," aniya sa likod ng pintuan kasabay ng marahang pagkatok na inismiran ko. "Let's talk. Pag usapan natin 'to nang maayos—"

"Tingin mo ba talaga papayag akong maikasal sa 'yo?" tanong ko dahilan upang tumigil siya sa pagkatok. "Umalis ka na. Iwanan mo na ako rito. Ayaw kitang makausap."

Ilang minuto lang ay narinig ko ang yapak niya palayo sa pintuan kaya naman bahagya pa akong napahinga nang malalim. Ang katiwasayan na iyon ay hindi rin nagtagal nang marinig ko ang pagbukas ng seradura ng pintuan, kasabay nito ay ang pagpasok ni Travis na may hawak pang susi sa kabila niyang kamay. Probably, nakuha niya iyon sa waitress na kasama niyang pumasok kanina.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Where stories live. Discover now