CHAPTER 43

28 0 0
                                    

Hindi ako gusto ni Travis at alam ko 'yon. Senior High pa lang kami, ramdam ko na 'yon, at alam kong ang ugali ko lang naman ang hindi niya gusto noon.

Alangan namang mukha ko, eh, ang ganda ko?

Kung ibabalik ko ba ang dating ako, may pag-asa pa rin kaya na bumalik ang dati niyang pagtingin sa akin? Yung galit at seryosong Travis, gusto ko ulit na makita ang Travis na 'yon. Kapag ba binago ko ang pakikitungo ko sa kanya, may pag-asa ba na muli kong makita ang Travis na 'yon? Yung Travis na minahal ko noon.

Kunot noo kong pinagmasdan ang kabuuan ng cafeteria. Kanina pa ako rito sa loob. Kitang kita kasi rito lahat ng mga empleyadong papasok galing sa lobby. Alam ko rin na makikita ko rito si Travis dahil sabi ng ilan sa mga empleyado na madalas niyang nakakasalubong tuwing umaga, dito siya madalas na dumadaan. Kanina pa akong naririto para hintayin ang pagpasok niya. Medyo lumamig na nga ang kapeng binili ko para sa kanya...

Oo, binilhan ko siya ng kape. This past few days, naiisip ko na na what if kung magpaka-civil na nga kaya ako sa pakikitungo ko sa kanya? May ilang araw din akong hindi makatulog nitong nakaraan sa kaiisip sa bagay na iyon hanggang sa kagabi, doon lang pumasok sa isip ko na what if nga kung gawin ko lahat ng planong pumasok sa isip ko nitong nakaraan? Para bang naliwanagan din ako sa sinabi ni Nathalie nung nakaraan...

Na kung hindi ako aayos sa pakikitungo sa kanya, at kung ipagpapatuloy ko lang ang pag-iwas ko kay Travis, baka kung ano pa ang isipin niya. Na baka nga isipin niya pa na may nararamdaman pa rin ako sa kanya until now even though, wala na rin naman.

Oo na. May feelings pa ako sa kanya hanggang ngayon pero ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, pilit lang na natatabunan ng galit na meron ako sa kanya.

Kung hindi ba naman kasi siya tanga...

"Oh," usal ko sa sarili kasabay ng pagdampot sa kape na binili ko nang matanawan ko si Travis na pumasok sa lobby.

Malaki ang ngiti ko nang nagmamadali akong nagtungo sa direksyon niya. Nakita ko naman ang pag-angat ng kilay niya nang matanaw akong palapit sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi ko sa sarili.

"You're—"

"Oo, alam kong maaga pa," ani ko bago pabirong umismid sa kanya na mas lalong nagpataas sa kilay niya. Malaki ang ngiti ko nang ibinigay sa kanya ang kape na binili ko. "This is for you. Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip sa..." putol ko bago ko iniling ang ulo at pilit na inalis ang isipin tungkol sa bagay na iyon. "Anyway, ngayon lang talaga ako nagising nang ganito kaaga kaya naman... here," dagdag ko pa bago matamis ang ngiting inabot sa kanya ang kape.

Sa halip na tanggapin iyon ay kunot noo niya lang iyong tinitigan sa kamay ko na ngayon ay nakalahad na sa kanya. Para bang wala sa loob niya ang tanggapin iyon kaya naman bahagya pa akong natawa. Sa itsura kasi niya ngayon sa harapan ko, para bang palaisipan na para sa kanya lahat ng kinikilos ko ngayon.

Just fucking accept this, Travis, nang matapos na 'tong kaplastikan ko sa harap mo!

"May kailangan ka ba?" mahinang tanong ni Travis. As usual, naroroon na naman ang confusion sa mga mata niya nang sandaling mag-angat siya ng mata sa akin. "Why are you giving me this, Empress? May pinaplano ka na naman ba?"

Nang dahil sa tanong niya ay bahagyang umawang ang bibig ko sa labis na pagkagulat. Nang makabawi ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang bahagyang matawa. May inis akong nararamdaman nang dahil sa tanong niya pero kahit na ganoon, sinikap ko pa ring ngumiti sa harapan niya kahit na aminado akong nagmumukha na akong natatae sa harapan niya.

"Kung makapagtanong ka naman d'yan, para bang lalagyan ko ng lason 'yang kape na iyan," sagot ko sa kanya bago natatawang umismid na hindi naman ikinabago ng reaksyon niya. "Hindi ba pwedeng pa-good morning ko lang sa 'yo iyan? Just like the old times, yung nasa senior high pa tayo. Do you still remember that, Travis?" ngiti ko pang tanong sa kanya.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Where stories live. Discover now