CHAPTER 18

33 3 0
                                    

"Baka naman kapag umuwi ka rito, buntis ka na, ah?" reklamo ni Kuya Lucho dahilan upang samaan ko siya ng tingin. Marahan siyang lumingon kay Pablo at agad na nagtaas ng kilay. "Just make sure na walang hayop ang aaligid dito sa kapatid ko aside sa 'yo, ah?" bilin niya kay Pablo bago siya tumalikod at umalis.

Lumingon ako kay Pablo nang sandaling umusog siya sa upuan ko.

"Why do I feel like kasama ako sa mga hayop na tinutukoy niya, Empress?" pasinghal niyang bulong dahilan upang bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.

Si Kuya Lienzo ang naghatid sa amin sa airport. There's this kind of gloomy atmosphere kapag siya talaga ang kasama namin. Hindi tulad ni Kuya Lucho, si Kuya Lienzo yung mysterious one sa aming magkakapatid. Siya yung kill joy kumbaga. Kung mahilig kaming dalawa ni Kuya Lucho sa mga deadliest rides sa theme park, siya naman yung mahilig sa mga carousel. Kill joy, tahimik, introvert. Ni hindi ko nga alam kung paano silang nage-enjoy ni Ate Chessa kung sakali mang nagkikita silang dalawa.

"What are you looking at, Faye?" tanong ni Kuya Lienzo nang makita niya ang tingin ko sa kanya sa rearview mirror. "Is there a problem?"

Lumingon sa akin si Pablo kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso.

"Curious lang ako sa relasyon niyong dalawa ni Ate Chessa before," sagot ko sa kanya dahilan upang bahagya pa siyang nag-iwas ng tingin sa akin sa salamin. "Gusto ko lang magtanong kung... paano kayong nagkakilala at saan kayo palaging... nagkikita before."

Lumipas pa ang ilang segundo na hindi siya sumagot sa tanong ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang manahimik na lang. Pasimple akong siniko ni Pablo sa tagiliran ko kaya naman mas lalo lang ako napanguso nang dahil sa kakitiran ng utak ko.

Halata naman na ayaw pag-usapan ni Kuya Lienzo ang tungkol sa bagay na iyon pero bakit ba kating kati ka, Empress?

Interesado ka ba talaga sa kanilang dalawa o baka naman umaasa ka lang na masasabit sa batang lalaki na kapatid ni Chessa ang pag-uusapan niyong dalawa ni Kuya Lienzo?

Wait. Hindi naman ako interesado sa abnoy na 'yon kaya bakit ba palagi ko na lang siyang naiisip? Kung sakali mang magkatuluyan si Ate Chessa at si Kuya Lienzo, then there's a possibility na maging parte pa ng pamilya namin ang gagong iyon? Somehow, I'm complacent sa break up nilang dalawa ni Ate Chessa. In that case, hindi ko na siya makakasama pa sa iisang lugar. In that case, hindi ko na siya makikita pa.

But then, that's when I remember Kuya Lienzo. Devastated siya sa nangyari sa kanila kaya naman hindi ko alam kung kailangan ko ba talagang matuwa sa nangyari. Kailangan ko nga ba talagang magpakasaya lalo na ngayong malungkot ang kapatid ko?

"Kilala na namin ang isa't isa nung una pa lang," saad ni Kuya Lienzo dahilan upang agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Bago pa man tayo bumisita sa bahay nila, magkaibigan na kaming dalawa. Nakilala ko siya sa playgrouund na malapit sa bahay natin noon. She's with her little sister, Empress. The one who called you...."

"Aso," dagdag ko na nakangiti niyang tinanguan.

"Simula noon, naging magkaibigan na kami. walang alam ang parents natin na umuuwi ako ng Pilipinas nang ako lang ang mag-isa. Never ko ring binabanggit sa kanila ang tungkol sa friendship naming dalawa ni Chessa hanggang sa... nagustuhan na nga namin ang isa't isa."

"How sweet," komento ni Pablo na ikinangiti ni Kuya Lienzo sa driver seat.

"Two years ko siyang niligawan before hanggang sa sinagot niya na nga ako sa mismong anniversary naming dalawa," nakangiti niya pang dagdag bago ko nakita ang unti-unting paglaho ng ngiting iyon. "Until I decided to propose to her na hindi niya tinanggap. Ang rason niya, she's too young for that. Na hindi pa siya handa at marami pa siyang pangarap na kailangang gawin sa buhay. Hindi ko siya sinisi. Kasalanan ko dahil masyado akong atat na makasama siya. Kasalanan bang nagmahal lang ako? Sigurado na kasi ako na siya na ang makakasama ko sa hinaharap kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na... mag-propose sa kanya sa anniversary naming dalawa."

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz