CHAPTER 6

48 1 0
                                    

Ang sabi nila kapag mahal mo raw ang isang tao, ipakita mo. Gumawa ka ng paraan upang makuha mo lahat ng atensyon niya. Sa kaso namin ni Travis, kahit na minsan ay nararamdaman ko na ipinagtatabuyan niya na ako, patuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya. Talagang ginagawa ko ang lahat para lang magustuhan niya ako, tulad ng pagkahumaling ko sa kanya ngayon. Sana lang talaga ay magbunga ng magandang resulta lahat ng ginagawa ko ngayon para sa kanya, dahil kung hindi...

"Ano yan?" tanong ni Lucas nang makita niya akong naghuhulog ng kung ano sa locker ni Travis.

Bahagya pa akong napatalon nang dahil sa presensya niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Sinadya ko ngang magpa-late sa klase para hindi ako maabutan ng mga kaklase ko, tapos ay makikita niya ako rito?

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.

Mukha namang hindi niya nakita ang sobreng hinulog ko sa locker ni Travis kaya naman kampante ko siyang hinarap ngayon.

"Tinanghali ako ng gising kanina kaya ngayon lang ako nakapasok," sagot niya bago muling lumingon sa locker ni Travis. "Anong ginagawa mo sa locker ni Travis? May ginagawa ka sigurong masama dyan, ano?"

"As if naman magtatanim ako ng bomba sa locker niya," singhal ko bago umismid sa kaibigan.

Halos mapatalon din ako sa gulat nang makita ko si Travis na ngayon ay nakasandal sa pader habang nakahalukipkip na nakatitig sa direksyon namin. Nakatayo ako sa harap ng locker niya kaya naman natitiyak kong nagtataka na siya ngayon kung bakit nakatayo ako rito.

"T-Travis..."

"Anong ginagawa mo sa locker ko?" walang emosyon niyang tanong na hindi ko nasagot. Muli siyang lumingon sa locker niya at doon ko na lang muli nakita ang pagkakakunot ng noo niya. "May... nilagay ka ba dyan—"

"Wala," sagot ko kasabay ng pag-iling bago pekeng natawa. "Ano namang ilalagay ko dyan? Bomba? At isa pa, hindi ako magsasayang ng oras na pumunta rito para lang sa locker mo, ano," dagdag ko pa.

Kunot noo kong kinuha ang kamay ni Lucas at nagmamadali siyang hinila palayo sa lugar na iyon. Sa daan patungo sa klase ay paulit-ulit pa rin akong tinanong ni Lucas sa kung ano nga bang ginagawa ko roon. Sa halip na sagutin siya ay nanahimik na lang ako. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.

Paano kung binuksan ni Travis yung locker niya tapos natagpuan niya roon yung letter na inihulog ko?

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko nang dahil sa tanong na bumabagabag sa isip ko ngayon. Paano nga kung makita ni Travis yung letter ko? Pagtatawanan niya ba ako?

Imposible namang pagtawanan niya ako dahil halos mapuyat ako kagabi nang dahil lang sa pesteng letter na inihulog ko sa locker niya kanina! Dapat lang talaga na magbago ang pakikitungo niya sa akin sa oras na mabasa niya ang letter ko.

"Iyon ay kung mababasa niya."

"Ano?" singhal ko dahilan upang magkasabay na lumingon sa akin si Jenny at si Lucas.

Tila ba ngayon lang ako bumalik sa reyalidad nang dahil sa labis na kaba. Ni hindi ko na namalayan na narito na pala kami sa cafeteria ngayon.

"Anong problema mo, Empress?" natatawang tanong ni Jenny sabay lingon kay Lucas. "Tulad nga ng sinasabi ko, hindi ako sure kung mababasa niya yung essay ko kaya sigurado akong ipapahuli niya yung sa akin."

Bahagya akong ngumuso nang dahil sa narinig ko. May isang linggo na nang nagsimula si Lucas na i-date si Jenny. Wala akong alam kung saan niya nga ba nakuha 'tong babaeng ito. Okay naman si Jenny, pero nasisigurado kong hindi siya babagay kay Lucas. Hindi naman hamak na mas maganda ako sa kanya. Mukha lang naman siyang pangkaraniwang estudyante.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt