PROLOGUE

212 4 0
                                    

"Empress," bulong ko sa sarili bago nangiti.

Minsan natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ko kung bakit nga ba ako pinangalanang Empress ng mga magulang ko. Do I look like a ruler? Ni hindi ko nga magawang i-rule nang maayos ang buhay ko, so hindi ko alam kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko.

Mayroon ako ng mga bagay na inaasam ng lahat. Mayaman ako. Ibinibigay sa akin ng mga magulang ko lahat ng gusto ko, at nagagawa kong i-manipulate ang lahat kung gugustuhin ko.

Isang bagay lang ang hindi ko magawang makuha at mamanipula.

"Travis," I whispered before ako lumingon sa lalaking nasa tabi ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mangiti dahil... hindi ko alam. May part sa katawan ko ang nagsasabing "Success" at mayroon din namang nagsasabing "Ang tanga mo, Empress". Bakit nga ba ako makakaramdam ng dismaya kung ginusto ko rin naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa? Yes, natatakot ako, but hindi ko rin naman mapigilan ang sarili kong makaramdam ng tuwa because... finally!

Nakuha ko na ang lalaking matagal ko nang gusto.

But then, tama ba ang ginawa kong pagbibigay ng sarili gayong wala namang katiyakan ang relasyon naming dalawa? Hindi rin magtatagal ay ikakasal na ako sa kanya sa kagustuhan ng mga magulang namin. Ayaw ko namang isipin na napipilitan lang siya sa relasyon namin o napipilitan lang ako sa desisyon ng mga magulang ko.

Gusto kong mahalin niya ako sa kung sino man ako. Ayaw kong pakasalan niya ako dahil gusto ng mga magulang niya. Ayaw kong pakasalan niya ako dahil napipilitan lang siya.

"Gaano ba ako kahirap na gustuhin, Travis?" tanong ko na alam kong hindi niya rin masasagot dahil sa malalim niyang tulog.

Form our bed, rinig na rinig namin ang musika na nangagaling sa kabilang kwarto. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng katiting na hiya sa sarili nang marinig ko ang congregational music na pinapatugtog nila sa kabilang kwarto.

Gusto kong manliit sa sarili ko because of what happened between us.

Bakit, Empress? Kapag ba si Travis ang nag-aya sa 'yo, bigla-bigla ka na lang susuko at ibibigay ang sarili mo? Fuck it, Empress! Masyado kang mahina!

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang init mula sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Mabilis kong kinuha ang roba na nasa gilid at hindi na nagdalawang isip pa na balutin ang sarili ko roon.

"Nathalie," bulong ko sa sarili na may halong panggigigil para sa kaibigan. "Anong ginawa mo, Nathalie?"

Alam ko at sigurado akong may kinalaman si Nathalie sa nangyari sa aming dalawa. May plano siya. May inilagay siya sa wine na ininom namin kanina. May gut feeling ako na gagawin niya ito sa amin ni Travis, pero bakit? Bakit hindi ko man lang siya pinigilan sa plano niya?

Nadala lang ba ng bugso ng damdamin si Travis, or... baka nadala lang siya sa gamot na inihalo ni Nathalie sa inumin namin?

And... where the hell is she?

Mabilis kong inangat ang nanginginig kong kamay upang damputin ang cellphone na nasa gilid ng bedside table. I saw Travis na mahimbing ang tulog. May multo ng ngiti sa labi niya kaya naman hindi ko naiwasang pamulahanan ng pisngi lalo na sa tuwing maaalala ko kung anong napag-usapan namin kanina.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko before I decided to check my phone. I saw some missed calls from Nathalie. May nakita rin akong messages from Lucas and from Lucho, pero hindi na ito ang pinagtuunan ko ng pansin.

"Enjoy, kitty! Hahaha."

Mabilis kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko nang mabasa ko ang message ni Nathalie. Nang maikalma ko ang sarili, hindi na ako nagdalawang isip pa na mag-ayos at nang sa ganoon ay makaalis na ako sa lugar na iyon.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Where stories live. Discover now