CHAPTER 31

35 1 0
                                    

"Why the fuck are you doing this, Travis?" singhal ko agad nang sumunod ako sa loob ng opisina niya.

Ilang sandali pa muna siyang nanatili sa posisyon niya sa pagkakatalikod sa akin bago ko narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga bago muling lumingon sa akin. Nakapamulsa siya. Bahagyang nakaangat ang kilay niya habang mariin niya namang kinakagat ang lower lip niya.

"Sabihin mo nga sa akin, Travis," hamon ko pa sa kanya bago ako umayos sa pagkakatayo ko sa harapan niya. Marahan ko siyang pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago ako muling nagtanong. "What the fuck is wrong with you, and why the hell are you doing this shit?"

"Why?" tanong niya na nagmistulang sarkastiko para sa akin. "Masama na bang utusan ang empleyado ko?"

"Empleyado mo?" natatawa kong tanong na ikinaangat ng kilay niya. "Travis, may sarili kang sekretarya. Bakit hindi siya ang utusan mo, or kung ayaw mo, pwede mo namang pakiusapan iyang asawa mo na sumama sa 'yo. Kung alam ko lang na ganito lang ang gagawin mo sa akin at ang magiging trabaho ko rito sa kumpanya mo, e 'di sana pala ay secretary na lang ang in-apply-an ko?" reklamo ko pang singhal.

Muli siyang lumingon sa akin bago muling nagsalita.

"Hindi ko pa siya asawa, Empress," aniya na sarkastiko kong nginisian. Heto na naman tayo sa hindi niya pa asawa pero magiging asawa niya pa rin hindi kalaunan. "And I think magandang ideya iyang sinasabi mo ngayon."

"What do you mean?"

"Bakit kaya hindi na lang pagiging secretary ko ang maging trabaho mo sa company ko?" saad niya na ikinatikom ng bibig ko. Mukhang nagkamali pa yata ako sa nasabi ko kanina. "At that way, palagi na tayong magkakasama sa iisang lugar. Kahit saan, kahit kailan..."

"Sandali nga lang," natatawa kong sambit bago siya tinulak nang lumapit siya sa akin kanina habang binabanggit niya yung mga salitang iyon. "Sino naman ang nagsabi sa 'yong gusto kitang makasama sa lahat ng oras? Anong tingin mo sa akin? Ikaw ang buhay ko? Ang kapal naman ng mukha mo, Travis?"

Pinagmasdan kong mangunot nag noo niya bago niya nakuha ang nais kong iparating. Pinanood ko siyang lumapit sa mesa niya at sa halip na makinig sa lahat ng sinasabi ko, tila ba itinuon niya na lang ang atensyon niya sa pag-aayos ng mga dokumentong alam kong dadalhin niya sa meeting mamaya.

"Kung ine-expect mo na baliw na baliw pa rin ako sa 'yo hanggang ngayon tulad ng dati, pwes nagkakamali ka sa mga inaakala mo. You know how much I hated you for what you did to me before. Grabe-grabeng trauma ang inabot ko sa 'yo. Kung inaasahan mong gagapang pa rin ako palapit sa 'yo, nagkakamali ka, Travis. That's not possible," saad ko bago humalukipkip nang sandaling lumapit siya sa akin dala lahat ng dokumentong hawak niya. "I already told you. Hindi na ako yung Empress na gagawin ang lahat makuha lang ang atensyon mo. Matagal nang patay yung Empress na nakilala mo."

"And?" kunot noo niyang tanong na ikinatiim ng bagang ko sa labis na inis. "I'm not expecting you na bumalik ka sa dati. That's your choice if you want to stay like that. Ang akin lang, Do. Your. Fucking. Job. While. You're. Working. Here. With. Me. Understand?" tanong niya bago niya hinatak ang kamay ko at agad na nilagay roon ang mga dokumentong hawak niya. "Hawakan mo iyan nang may pakinabang ka naman," dagdag pa niya bago siya nagpatiunang maglakad palabas ng opisina niya.

"God knows how much I hated this job," singhal ko bago ko naramdaman ang pag-ismid ko sa hangin. "That punk. Balang araw, kakarmahin ka rin, Travis."

Pinagtitinginan halos lahat ng empleyado si Travis nang naglakad kami sa lobby. Mayroon siya nitong presence na talaga namang nakakapukaw sa atensyon ng lahat. Maliban kasi sa pagiging mayabang nito, gwapo rin ito at medyo matangkad. Hindi ko tuloy naiwasang alalahanin yung mga panahong varsity siya sa school namin before.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Where stories live. Discover now