Tribe of Dwarf and Giant

ابدأ من البداية
                                    

Ano ba ito. Bobo na kung bobo pero wala parin akong ideya sa pinagsasabi ni Papa. Ano kaya ang kapalaran ko na sinasabi ni Papa?

Hinatid kami ni Ginoong Garf sa isang silid. Napakadilim rito pero napakagara ng silid pang mayaman. Inilapag ko ang mga gamit na dala namin ni Papa.

"D'yan ka muna my little princess, may pag-uusapan lang kami ng Tito Garf mo." Paalam ni Papa.

Naiwan ako sa kwarto mag-iisa. Pinikit ko mga mata ko para matulog dahil nagbabakasakali ako na pag-gising ko wala na ko rito.

"Psssttt...." may biglang sumutsot sakin. Peste naman ohh... Nagpapahinga ang tao ihh. Di ko pinansin dahil wala akong paki kung sino man siyang peste sya.

"Isnabera! Maganda ka sana kung hindi ka isnabera Miss. " sabi ng peste.

Minulat ko 'yong mga mata ko at sinabing "Hoy pes..." di ko naituloy ang sasabihin ko sana dahil nakita ko kung sino ang nagsasalita. Hindi siya dwarf at hindi rin giant. Mas matangkad sya sakin, katamtaman ang katawan pero patulis ang kanyang tenga at green ang mata. Matangos ang ilong ng lalaking ito ah, Pogi pero peste parin.

Teka pesteng may matulis na tenga anong ginagawa mo rito? Tanong ko sa kanya.

"Pesteng matulis ang tenga? Ako Peste? Kung peste mong matatawag ang makisig na nasa harapan mo ee di mikrobyo pala dapat ang itawag ko sayo?" sabay tawa na parang wala ng bukas.

Inisturbo mo 'ko sa pagtulog! Sino ka ba ha? sigaw ko sa peste na 'to.

"Ah... Nga pala ako ang pinakagwapo sa kaharian ng mga dwende at higante, Ako si Arfin at ikaw si ?" sabi nung peste.

Hindi ko ugaling sabihin ang pangalan ko sa di ko kakilala maikling sagot ko kay peste.

"Nagpakilala na 'ko hindi ba?" sarkastikong wika niya.

Kahit na, hindi pa 'yon sapat peste. Kaya, shhoooo... Umalis ka rito. Labas. Bulyaw ko sa kanya. Tss. Tae 'tong pesteng 'to.

"Aba talagang di mo ko titigilan sa pagtawag ng peste ha! Hoy mikrobyo na nakakamatay, 'wag mo 'kong galitin." sigaw nya sakin.

Lumaki ang ilong ko, pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong sinisigawan ako. Grrrr. Tumayo ako at akmang pipingutin ko na ang matulis nyang tenga nang biglang pumasok sila Papa at Ginoong Garf. Wrong timing. Kainis.

"Aba... Mukhang close na ang mga anak natin Eli." nakangising sabi ni Ginoong Garf.

Aba anak pala nya itong walang manners na peste na 'to. Geez. "Anak nyo po pala ang peste iste poging ito, sa inyo po sya nagmana ng kapogian. Hehhe" napilitan lang akong sabihin 'yan.

"Tss... Ang galing mong magbalat kayo mikrobyo, konti na lang lalasunin na kita." bulong sakin nung peste.

"Selene, my little princess ituring mo syang kapatid dahil ganoon din ang turingan namin ng Tito Garf mo." dagdag ni Papa.

Opo Papa. Sagot ko kay Papa na may kasamang ngiting pilit. Ayokong makipagkaibigan sa peste 'no! Sabi ko sa sarili ko. Pero ayoko namang mag-away si Papa at si Tito Garf dahil samin ng peste na 'to kaya susunod na lang ako sa utos ni Papa. Si Tito Garf ang namumuno sa "Tribe of Dwarf and Giant". Katamtaman ang laki ni Tito Garf dahil anak sya ng isang isang dwarf at giant na pinakamaimpluwensyang pamilya sa tribu at siya ang kauna-unahang may katamtaman na laki kasabay niyang isinilang ang kasalukuyang Reyna at asawa niya na may katamtaman ding laki. That's what you called destiny. Pagkukwento ni Tito Garf sakin nang tinanong ko kung bakit di nya katulad ang dwarf at giant. Pinagsamang dugong dwarf at giant ang kanilang dugo. Si Tito Garf at ang kanyang asawa pati na rin ang nag-iisa nilang pesteng anak ay nagtataglay ng dugong bughaw. How so special naman.

Kasalukuyan kaming kumakain. Malugod ang pag tanggap samin ng buong tribu, ang saya. Ang sarap ng pagkain. A food that i never tasted before. Habang sarap na sarap ako sa pagkain may biglang sumipa ng upuan ko. Sino pa ba kundi ang papansin na peste. Tss... Magkatabi kasi kami. Tinaasan ko sya ng kilay sabay bulong sa kanya "Rude."

Bumulong din sya sakin "Hindi Rude ang pangalan ko Arfin."

Para kaming baliw nagbubulungungan na puro asaran. Hanggang sa nahalata kami ni Tito Garf. Kaya napatigil ako, baka sabihin nya may gusto ako sa peste nyang anak.

Matapos kaming kumain. "Arfin, ihatid mo na sa silid si Selene at may pag-uusapan pa kami ng Tito Eli mo." utos ni Tito Garf sa peste.

"Please take care of my little princess Arfin." sambit ni Papa

"Yes Tito Eli." nakangising sabi ni peste at saka lumapit sakin. Alam mo hindi ako dumidikit sa mikrobyo baka kasi pumangit ako bulong sakin ni peste.

"Alam mo pumapatay ako ng peste kaya lumayo ka sakin at baka matusta na kita." pananakot ko sa kanya.

Habang naglalakad kami ng pesteng ito may biglang sumalubong sa kanyang dwarf. "Mahal na prinsepe, sino po sya?" sabi ng cute na dwarf kay peste.

"Ah... Sya nga pala si mikrobyo."

Tss. "Ako si Selene! Hindi ako mikrobyo." sabat ko sa kanila.

"Hoy mikrobyo, ang unfair mo pag dito kay denden sinabi mo ang paangalan mo kahit di mo pa sya kilala samantalang sakin hindi mo.sinabi." inis na sabi ni peste.

"Alam mo kasi peste ka at yang kasama mo ang cute at hindi mukhang peste tulad mo." sabi ko kay peste sabay tawa.

"Hoy Mikrobyo! hindi ako peste! " sigaw ni peste.

Tumawa naman 'yong denden samin ni peste. Ang cute cute ni denden.

"Hi denden." bati ko sa kanya. Nasa balikat sya ni peste.

"Mahal na prinsepe anong dapat kong sabihin sa kanya". Tanong ni denden kay peste. Kahit na maliit itong si denden aba ee malaki at matinis ang boses niya. May ibinulong si peste dun kay denden.

"Hello Pangit na mikrobyo." sabi sakin ni denden.

Tss... Kainis kang peste ka! Tinuruan mo pa si denden ng kapestehan mo! Sigaw ko sa kanya.

Tawa nang tawa yung peste kaya tumawa na rin yung denden. Magsama silang peste. Nang marating namin ang silid na tutulugan ko pumasok na'ko at saka sinarado kong mabuti ang pintuan. Nagpahinga at Natulog. Pinapanalangin ko na sana panaginip lamang ang lahat ng ito.

The Half Moon of the Sunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن