Chapter II

23 1 0
                                    

Chapter II

Miss?

Nagitla ako sa malakas na sigaw ng ginoo sa harapan ko, hindi ko namalayan na nagsasalita sya dahil sa tulala sa mukha nya

"May masakit ba sayo?" Tanong ng ginoo.

"Uhmmm..."

hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mukhang naiinip na yung lalake sa harap ko sa tagal kong nakaupo sa matigas na semento

Hindi ako makatayo dahil sa sakit ng puwitan ko, grabeng lakas ng pagkabagsak ko, gusto kong sapakin yung bato, naiinis ako dahil napahiya ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Ano miss, okey ka lang?" Sabi ng maginoo sa harap ko.

"Ahhhhh, ehhh, ahmmm o-okey lang namn" halos mautal ako nang sabihin ko ang mga linyang yun, yung lalamunan ko kasi ay nanuyot dahil sa tagal na nakamaang ang aking mga labi

"Are you sure?" Sabi ng ginoo na unti-unting lumalapit sa akin para alalayan akong tumayo

"Ahm yes!" Sabi ko na biglang tumayo, nang maramdaman ko ang sakit ng puwitan ko muntik na akong matumba ulit

'Haysst napaka clumsy ko... Shet!' nasabi ko sa isip ko dahil sa katangahan ko

Nang muntik na akong matumba ulit, bigla nya akong hinawakan sa beywang para alalayan, nang maitayo nya na ako ay napatingin ako sa kabuuan ng mukha nya

napaka perfect ng mukha nya, ang itim na bilog na kanyang mata ay malaki, at ang sukat ng kanyang mata ay medyo singkit na malaki, ang mga matangos nyang ilong, mga labi nya na mapupula na may korteng heart ay bagay na bagay sa kanyang mukha

'Napaka perfect nya, grabe!'

"Ayos ka lang ba talaga? Mukhang di ka makakalakad ng maayos, ihahatid kita sa Clinic."

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil bigla nya akong kinarga sa likuran nya

Nagulat ako ngunit wala na akong magagawa e, pogi namn na, eh bakit ko pa tatangihan.
Napaka gentleman nya.

Nang makarating kami sa clinic kinausap nya ang nurse at inihiga ako sa kama.Pagtapos nyang kausapin ay lumapit sya sa akin.

"Anong masakit sayo?"tanong nya

"Yu-yung puwitan ko." Nahihiya kong sagot

"Sige, sasabihin ko sa nurse at kapag lumapit sayo ang nurse sabihin mo yung masakit sayo. Aalis nako, pasensya na kung di na kita maihahatid. Sa Susunod magingat kana. Okey?" Sinserong saad nya na nakatingin sa aking mata.

Naiilang ako sa tuwing titignan ko sya sa mga mata nya, nakakalusaw ang kanyang mga tingin.

"Si-sige, s-salamat"nauutal kong sabi, nang tingnan ko siya ay unti-unti na nyang inaalis ang paningin sa akin "ahm.. BTW ako nga pala si Xyrille." Pakilala ko sa kanya, ngunit sinulyapan nya lang ako

"Nice to meet you. Sige, aalis na ako and welcome." Sabi nya na may ngiti. Kinausap nya saglit ang nurse at lumabas na ng clinic.

'Di man lang nagpakilala! Akala mo naman napaka pogi! Pangalan lang, di pa sinabi! Napakaramot!'

'Pero.. hindi ako susuko! Whahaha! Aalamin ko yung pangalan mo kahit dumaan pa sa sakit at hirap! Tingnan natin! Whahaha!!' sabi ko sa isip ko habang iniisip ang mga plano na gagawin ko.

Nang malagyan na ng yelo yung puwitan ko ay nagpahinga lang ako saglit at umalis na rin at pumunta na ako sa apartment ko

Pagkarating ko, humiga ako at nagpahinga, halos magdidilim na din ng makarating ako sa apartment,hindi ko namalayan ang oras kanina ng nasa clinic ako ang akala ko ay mabilis lang akong nakapag stay doon. Nang makapahinga na ako ay tiningnan ko ang orasan ng aking apartment at mag aalas otso narin ng gabi, kumuha ako ng dilata sa mga baon ko for emergency.

Naughty Girl and Good boy (on going)Where stories live. Discover now