Chapter VI

15 1 0
                                    

Chapter VI

"Dominic!" Tawag ko sa kanya. Na tumitingin tingin sa paligid.

"Bakit?" Tanong nya

"Min na lang ang magiging tawag ko sayo ah, para unique,kasi masyadong mahaba and Dominic." Sabi ko habang nakatingin sa aming dinadaanan.

"Sige, okey lang kahit anong itawag mo basta nasa pangalan ko." Seryoso nyang sabi.

"Salamat, sinabi ko sayo para namn pag tinawag kita nun Tumingin ka. Ako Lang dapat ang tatawag sayo ng Min ah, wala ng iba ako lang." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Sige ba. Para call sign natin, magiisip din ako ng itatawag ko sayo." Nakangiti nyang saad.

"Sige. Ito na pala yung restaurant." Sabi ko sa kanya na nakaturo sa restaurant, pumasok na kami at umorder ng makakain, bumili ako ng chicken with rice and sprite, ang kanya namn ay sisig with rice and sprite.

Kumain na kami ng kumain, nang matapos kami ay bumalik na kami sa apartment at nagbihis, pagkakita ko sa room ko ay wala na si Samian.

Nang makabihis ako, papalabas na sana ako ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nandoon si Min.

" Baket?" Tanong ko sa kanya ng pagbuksan ko sya ng pinto.

"Sabay na tayo pumunta ng campus."ngiti nyang saad

" Sige, kukunin ko lang yung gamit ko."

Nang makalabas na ako ng room ay nilock ko ang pinto at sumunod na sa paglalakad ni Min.

Sa gitna ng aming paglalakad papasok ng campus. Ay nagkwentuhan kami.

"Anong trip mo bakit mo naisipan na sumabay sa akin?" Tanong ko na tumingin sa kanya.

" Kasi papunta ka na rin namn ng campus, ay maganda na magsabay na tayo. Tsaka may sasabihin ako sayo." Sabi nya na nakatingin sa dinadaanan.

"Ano naman yun? Mukhang saryoso ah?" Nagtataka kong tanong

"Kasi... Tatanong ko sana kung okey ka Lang sa mga nagdaang araw na pag stay sa apartment?"

" Okey lang naman, maayos naman. Bakit mo naitanong?"

"Kasi doon sa room 10 na pinag rooman mo, maraming nangyaring kababalaghan. Ang mga pinto doon ay mga sira. Gaya nga ng sabi ko sayo ay may mga taong masama doon banda sa room mo sa 2nd. Kaya lagi kang magingat." Sabi nya na nagpapaalala sa akin.

"Alam mo ba ang kwento kung baket umalis ang nakaroom sa room 10?" Curious kong tanong.

"Ang bali-balita ay bigla na lang daw nawala ang babae pagtapos sila mag break ng boyfriend nya."

"Saan kaya pumunta ang babae?" Tanong na nakatingin sa kawalan.

"Sabi nila ay nabuntis daw ang babae at lumipat ng school, hanggang doon lang ang alam ko." Sabi nya.

Hindi na sya nagsalita hanggang sa magkahiwalay kami sa harap ng building ko. Nang pagpasok ko sa room ay nakita ko si Samien na nakaupo sa tabi ng upuan ko nasa pangatlo sya at sa bukana ng layer ng upuan.

Nang pagkaupo ko ay binati nya ako.

"Morning!" Malungkot ang tono ng kanyang salita.

" Good morning din! Bakit dito ka nakaupo?" Sabi ko na tinignan ang kabuuan nya ng mukha.

"Gusto kong tumabi sayo. Bakit ayaw mo ba akong makatabi?" Tanong nya at tumingin sa akin.

"Ayoko." Sabi ko sa mahinang paraan.

"Anong sabi mo?" Tanong nya

" Oo. Kako."

Nang dumating na ang teacher namin ay nagturo na ito nagsulat kami ng lesson para maireview namin dahil bukas ay may summative test kami. Nang matapos na ang tatlong subjects ay nag palunch na sila.

Naughty Girl and Good boy (on going)Where stories live. Discover now