"Hi... Kuya... Hi..." Hindi siya agad nakapag-isip ng sasabihin. "Napatawag ka. Kamusta? Kamusta sina Ate at ang mga bata?"

"May mahalaga akong sasabihin kaya ako tumawag," sabi ni Austen. "Lenny was hospitalized. We lost our baby," nabasag ang boses nito sa huling sinabi.

Natigilan si Neilson. May kilabot na pumuno sa buong pagkatao niya. "I'm..." Don't ever say those words again, Neilson.

Huminga siya nang malalim. "Pupunta ako diyan ngayong weekend."

"Thank you."

Simpleng mga salita pero mabigat ang damdaming napakaloob doon.

Nang mawala na si Austen sa kabilang linya, napaupo siya sa ibabaw ng kama. May ibinabalik na masasamang alaala at masasakit na damdamin ang pagtawag nito sa kaniya.

It was really ironic that Austen was also thefirst  one he called when Celia got hospitalized and lost their child.

May mga damdamin na hindi niya kayang pigilan kahit pilit pang pagtakpan. Limang taon na ang lumipas. Lahat ay ginawa niya para lang makabangon. Para kahit paano, makalimutan ang guilt at galit niya sa sarili. Akala niya, malakas na siya ngayon. Pero hindi pa rin pala. Naaapektuhan pa rin siya. At ngayon, sa pagbabalik sa Bagitan ay magkikita uli sila ni Celia. Limang taon silang hindi nagkita. Sinadya niyang huwag hanapin kung mayroon bang social media account si Celia. For his sanity's sake, he avoided her.

This is not about you, Neilson. Kailangan ka ng kapatid mo.

Paglabas ng kuwarto, nasa sala na si Sylvie. Nakangiti ang girlfriend pero nang makita ang kaniyang ekspresyon ay nabura ang ngiti nito.

"May problema ba? Trabaho ba? Gusto na naman ba ng boss mo na magtrabaho ka kahit weekend?"

"Hindi tungkol sa trabaho. My sister had a miscarriage."

Agad na bumakas ang simpatya sa mukha ng girlfriend. "I'm sorry."

"It's not your fault. Uuwi ako sa Bagitan. Sa makalawa siguro para maiayos ko muna ang mga maiiwan kong trabaho dito."

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Sylvie..."

Tiningnan niya si Sylvie. Hindi niya ito puwedeng isama sa Bagitan.

"I know." Bumuntong-hininga ang girlfriend. "Nag-aalala lang din ako. Will you be fine?" Tinitigan siya nito nang makahulugan.

Hindi tinangka ni Neilson na magkunwaring hindi naiintindihan ang ibig sabihin ni Sylvie. Alam nito ang tungkol kay Celia. "Okay na ako ngayon. Pupunta ako doon para kay Ate Lenny. I have to be there for her."

Tumango ang girlfriend.

"ANO'NG sabi mo?"

Sinulyapan ni Neilson ang kaibigang si Iggy. Nakatitig ito sa kaniya habang nakaawang pa nang bahagya ang mga labi. Na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Narinig mo ako, Iggy."

"Hindi, eh. Mali ang dinig ko."

Itinuloy ni Neilson ang pagkain. Lunch break nila. Lumabas sila at kumain sa ibang restaurant dahil nagsasawa na sila sa pagkain sa canteen na nasa ground floor ng building kung saan sila nagtatrabaho.

"Pupunta ako sa Bagitan bukas. Naayos ko na ang lahat. May one week leave ako."

"Wow," tumigil na sa pagkain si Iggy at tumitig na lang sa kaniya. "Ni hindi mo nga mabanggit ang Bagitan nang hindi nagugusot nag mukha mo. 'Tapos, ngayon... sasabihin mo na pupunta ka do'n? Bakit?"

Hindi masabi ni Neilson ang dahilan—ang nangyari sa kapatid niya.

"Neilson?"

Huminga siya nang malalim. "May nangyari kay Ate Lenny. She had a miscarriage."

"I'm sorry," mabilis na sabi ni Iggy.

Ramdam ni Neilson ang tuluyang pagbabago ng mood sa pagitan nila ng kaibigan. Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Miscarriage was a sensitive topic to him.

Pagkatapos kumain, naglakad na agad sila pabalik sa building kung saan naroon ang branch ng bangko kung saan sila parehong nagtatrabaho. Financial manager siya habang loan officer naman si Iggy.

"Magiging okay ka ba talaga sa pagbabalik mo do'n?"

Pagbabalik. Iyon ang tamang deksprisiyon sa gagawin niya. Babalik siya sa Bagitan. Limang taon na siyang hindi tumutuntong sa lugar na iyon.

"Okay na ako," sagot niya. "At gaya nga ng sinabi ko sa'yo, hindi 'to tungkol sa'kin. Si ate ang dahilan kaya ako babalik."

"Basta kug ano man ang mangyari, kung kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako."

Kahit hindi sabihin ni Iggy, ramdam ni Neilson ang pag-aalala ng kaibigan. Ito ang kasama niya at umalalay sa kaniya sa mga panahon na kakahiwalay pa lang nila ni Celia. Iggy had seen him at the worst state.

Lugmok na lugmok si Neilson nang magkahiwalay sila ni Celia. Hindi niya ipinakita dahil pilit niyang tinatagan ang sarili. Pero sa loob-loob, para siyang pinapatay. Naisip talaga niyang magpakamatay. Siya ang dapat na nawala, hindi ang anak nila.

Parusa siguro iyon ng Diyos dahil hindi siya karapat-dapat na maging isang ama. Pero si Celia... hindi rin dapat ito nadamay sa kaniya.

Kasalanan niya. Siya lang ang may kasalanan. Kaya sinarili niya ang lahat. Hindi niya sinabi sa kapatid na pakiramdam niya, mamamatay na siya sa lungkot at guilt. Himala nga na hindi ito nagalit sa kaniya at itinakwil bilang kapatid. Asawa ni Ate Lenny si Austen na kapatid ni Celia. Nakita nito ang mga paghihirap ni Celia. Pero kahit ganoon, naging kapatid pa rin ito sa kaniya.

She cheked up on him regularly. At palagi niyang sinasabi na okay lang siya.

Pero ang totoo, hindi siya okay. Halos gabi-gabi siyang umiinom. Wala siyang maisip na paraan para mapagtakpan ang guilt. Natanggal siya sa trabaho dahil nagpapabaya na siya. Ilang buwan siyang ganoon. Peroo pinilit niyang maka-survive. Naisip niya na hindi deserved na mamatay ng ganoon na lang. Dapat buhay siya dahil dapat na habang-buhay niyang dalhin sa dibdib ang guilt.

Kaya kaysa ibuhos sa alak ang lahat ng energy, nagdesisyon siya na ibuhos na lang sa trabaho ang lahat.

Nag-apply uli si Neilson sa dating bangko kung saan siya nagtatrabaho. Binigyan siya ng isa pang chance pero sa ibang branch siya inilagay. Makalipas ang ilang buwan, nagpalipat si Iggy sa branch kung saan siya naka-assign. Pinagbigyan naman ito. At kahit hindi aminin, alam niyang ginawa ng kaibigan iyon dahil nag-aalala ito sa kaniya.

He worked so hard. Lahat ng atensiyon at lakas ay ibinuhos niya sa trabaho. Kung anuman ang narating niya ngayon sa trabaho ay deserved niya. Nobody was as hardworking as him in their branch. Nang mag-resign ang financial manager nila anim na buwan na ang nakararaan, siya ang inirekomenda nito na pumalit sa posisyon.

At ang trabaho lang niya ang tanging mayroon siya ngayon.

Pagpasok sa loob ng opisina, iginala ni Neilson ang mga mata sa apat na sulok ng kuwarto. Sa nakalipas na ilang buwan, iyon ang naging sanctuary niya. Pakiramdam niya, kaya niyang gawin ang kahit na ano kapag naroon sa loob ng kuwartong iyon. Pero iiwan niya iyon sa loob ng ilang araw at babalik sa lugar kung saan pakiramdam niya ay mahina siya.

How would I talk to Celia?

Hindi naman puwedeng hindi sila mag-usap.

But one thing was for sure enough. He wouldnever, ever say sorry to her again.

When The Sun Kisses The MoonWhere stories live. Discover now