Chapter 66: Failed Mad Mission

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako sa itaas, at may naisip akong paraan. There's a vent there na kaya kong lusutan, pero hindi ako dito gumamit ng ability dahil may mga security camera sa labas, so sa CR ako pumasok dahil may vent din dito.

Tinuloy-tuloy ko na ang pagpasok sa vent papunta sa opisinang iyon. Kailangan kong masabutahe ng ilang minuto ang CCTVng naroon.

I manage to hide from those chairs and shelves para lang hindi makita ng CCTV. Whenever the camera rotates to other direction, kikilos ako hanggang maabot ko ang paper cup sa main table ng Director. Then I used this to block the view of the camera.

I started to search for the things that I need. Nagsimula ako sa main tables syempre dahil dito lahat isinasagawa ng utak ang plano. I tried to find something suspicious enough to get my attention. File by file I read titles and skimming these. And yet, there nothing.

I tried to open his personal computer desktop. But as expected, there a password requirement at hindi ko alam kung ano ang ilalagay. Syempre at first nahirapan ako sa pag- isip, Then I decided to get a picture of him with his wife na nasa picture frame.

Usually ang mga lalaki, wala ng oras mag-isip pa ng mahirap na password, and I ended up na baka, date of anniversary ang password nito na baka nasa likod ng photograph na nasa loob ng frame.

Pero nang kuhanin ko ang frame na ito, instead na magbakasakali sa desktop, ay napadpad at doon lang nakatoon sa nakatagong button na iyon ang focus ko. I pushes down the button and there's a camouflaging way through the wall were opened.

Napagitla ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya dali-dali akong pumasok sa daang iyon.

Narinig kong tinawag ang ngalan ko, "Angel nandiyan ka ba? sabi kasi ni Teod may tinatapos kang gawain, so I guess baka nandito ka," Pagkakarinig ko.

Sumarado ang lagusang ito makailang segundo. It was designed to automatically close without control from the button outside. Narinig kong pumasok siya dahil rinig naman hanggang dito.

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob at ang pagpasok niya rito. "Wala palang tao rito, para na kong nababaliw kakahanap sa kaniya..." rinig ko nalang na ani ni Zeus.

May narinig akong ibang tao na biglang nakausap ni Zeus na pagkakaalam ko Damoz ang pangalan. Yes, isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ng Director.

Hindi ko pa gaano ito kilala pero he was the person na kayang manggaya at mag-iba ng kaniyang physical na itchura. I encountered him before and I fought him. He is douche psycho.

Ito yung mga taong dapat na katakutan dahil bipolar ang
katangian. This advantage will be your ace once na makalaban mo ito, dahil kung tunay ang taong nasa harap mo at kilala mo ang taong pinaggayahan nito, malalaman mo na siya ang nasa likod ng maskarang gumagaya sa mukha kung mas magiging witty nga lang sa bawat galaw.

"What's your business here?" sa malaking tono ng boses ni Damoz.

"Hinahanap ko si Angel Ann. Alam mo ba kung nasaan siya?" (Tugon naman ni Zeus na hindi ito nakikilala o naaalala.)

"Wala siya rito" tipid nitong sabi.

"Ikaw, ikaw yung, yung...naaalala kita pero saan tayo nagkita?" Lumakas ang aking pangamba nang sabihin ito ni Zeus. Mukhang ginamit rin sa kaniya si Trynyty at nawala ang memorya niya.

"Good morning Mr. Director." pagbati dito ni Zeus sa buong galang na tono.

Hindi niya kilala ito, please Zeus tumanggi ka sa kahit anong hilingin sa iyo niyan o kung magkaroon man ng pabor. Teka, bakit parang ambilis masyado natapos ang meeting nila?

"Anong pangalan mo? Zeus tama?" Pagtatanong ni Zeus.

"Oho tama," sagot ni Zeus.

"Kung gayon, bakit naparito ka at mukhang walang permiso mong pinasok ang aking opisina?"

ALPHAWhere stories live. Discover now