Kahit doon na kayo tumira, tsk.” Sabi ko naman.

Nagtawanan naman sila at nilabas ni Dayne at Neil ang cellphone nila.

“What's up Kian--wah joke lang daddy, hehe, halla joke lang po daddy.”

“Opo, daddy naman nagbibiro lang po ako, dadddyyyyy! I love you daddy! Daddy daddy! Halla joke lang po daddy, kila tita Harra po ako matutulog!” He shout at his phone before Tito ended the call.

“Anong nangyari?” Tanong ni Dayne na hinihintay sagutin ang tawag.

Babawasan daw allowance ko.” Natatawang aniya.

“Bakit daw?” Forah asked.

Tawagin mo ba naman ang tatay mo sa pangalan niya ay malamang maiinis.” Natatawang aniya.

“Hindi ko tuloy alam kung anak ka ba talaga ni tito Kian, mas pasok ka pang anak ni Tito Ford eh.” Sabi ko naman sa kaniya.

Siraulo.” Sabi sa akin kaya natawa kaming tatlo sa kaniya.

“Mom.”

Sinagot na ni tita Ajey ang tawag.

Dayne, 'yong brief ko hanggang ngayon hindi mo pa binabalik.” Ang pang asar na Neil, gago talaga ang pinsan namin ito.

“Nothing mom, don't mind Neil, hindi po nakainom ng gamot niya, nauulul na naman, by the way, magpapaalam po sana ako.” He said.

“Gago!” Neil mouthed, but Dayne raise his middle finger.

“Doon kami kila Leighra matutulog if ok---thank you mom, yeah, mind to tell daddy mommy---thanks, I love you.” Sabi at ibinaba na ang tawag.

“May damit kayo? Ha?” Sabat ko.

Madaming damit si Harvey, pwede niya kaming pahiraman.” Sabi ni Neil.

Pati underwear?” I asked.

“Dude, what's new? Naghihiraman naman kami ng brief dati, 'di ba Dayne?” Tanggol ni Neil.

Natawa nalang sila pareho.

Kung sabagay, mas matangkad pa nga si Harvey kesa sa kanila eh.

Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy kami sa pag-iikot, at nang naikot na namin lahat ay dumeretso na kami ng parking lot at nandoon na si Harvey, nakasandal sa may kotse ko at kumakain ng mani.

“Oi! Mani, pahingi, masarap 'yan.” Sigaw ni Neil at tumakbo kay Harvey, at dahil may pagkamadamot ang kapatid ko ay itinakbo niya iyon.

“Luh! Kuya, bili ka nalang kay Manong nagmamani doon, ten pesos lang eh!” Sabi ng kapatid ko.

“Eh iyang mani mo nga ang gusto ko.” Sabi ni Neil.

Natawa kaming tatlo nina Forah at Dayne.

“Wala akong mani kuya, siraulo ka!” Sigaw ng kapatid ko na nasa kabilang side ng kotse.

“Oo nga pala, iyang maning hawak mo nga ang ibig kong sabihin, pahingi lang eh ”

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon