Chapter 14

2 1 0
                                    


Rae's POV

"Ano ba ginagawa natin dito? Don't tell me bibili ka ng mga dress?" nanlalaki ang aking mga mata sa pagtataka.

Sa pagpasok namin ng mall, hinila ako ni Logan sa isang mamahaling Boutique.

Ang ganda ganda ng shop na 'to. Puro ginto ang paligid. Yung mga damit, gag* parang damit ng mga prinsesa. Ang gaganda!

"Oo, bibili ako. Hmm, pwede mo ba ako tulungan mamili?"

Napaawang ang aking labi na marinig ko iyon. Nakangiti siya ng malawak sa akin at talagang seryoso siya.

"Sira ka ba? Wala akong alam diyan, no!"

Grabe rin ang lalake na 'to. Wala nga ako alam sa fashion pagkatapos ako ang mamimili sa bibilin niya?

"Haha! Dali na. Saka yung pagbibigyan ko is parang kamukha mo."

Napakunot-noo ako. "May kamukha pa ba ako sa mundo? Parents ko nga hindi ko kamukha e."

Napabuntong hininga siya sa narinig niya.

"Wow! Ikaw pa may gana mag buntong hininga e ako nga itong pinamimili mong wala alam sa fashion!" naiirita nanaman ako sa kanya at walang araw talaga na hindi siya nakakairita.

Pumunta siya sa likuran ko at nanlaki ang aking mga mata na itulak niya ako tungo sa mas maraming mga damit.

"Huwag ka na mag reklamo. Pili mo nalang ako kung ano magustuhan mo. Kahit ano," nakangiti niyang turan.

Dahil sa kakulitan niyang taglay, hindi na ako nakareklamo at nakapili na ng mga damit.

Puro simple lang ang pinili ko tutal iyon lang naman ang alam kong fashion. Puro light colors ang kinuha ko para hindi masakit sa mata. May isang dress ako pinili na hanggang binti ang haba at pasando 'to. Ang kulay nito ay light blue at nakakatuwa dahil may pa glitters pa. Sa likod ay may maliit at manipis na ribbon.

"Ma'am, may kamukha po siyang sandals, baka po magustuhan niyo," nakangiting ani sa' kin ng sales lady.

Napatingin ako kay Logan para kunin ang sang-ayon niya.

Tumango siya.

"Ano gagawin ko sa tango mo, aber?" mataray kong tanong.

Napailing siya habang pinipigil ang tawa.

"Miss, pwede ba namin makita yung sandals na sinasabi mo?" si Logan doon sa sales lady. Agad tumango ang babae at umalis para kunin ang sinasabi niyang sandals.

Bumalik agad ang babae at nanlaki, nagnining, nanlaki, nagnining, nanlaki, nagnining ang aking mga mata na makita ang dala ng babae.

"Gag* ang ganda.."

"Ma'am ito po ang sinasabi ko sa'nyo. Limited edition po ito. Kaya kung pati po ito ay kukunin niyo, maswerte kayo."

Kahit sabihin kong maganda magsalita yung babae ay talaga naman kabili-bili yung item.

Lumapit ako kay miss.

"Miss, meron pa ba nito?" bumulong lang ako.

"Ma'am, isa nalang po ang natitira."

"Ha?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ako napatakip ng bibig.

Inusisa kami ni Logan.

"Ano pinag-uusapan niyong dalawa?"

"Eh-uh, wala. Haha!"

Nakaramdam yung babae kaya napatawa na rin siya.

"Ang ganda ng sandals. Kahit walang heels maganda pa rin. Bagay na bagay sa dress, parang Cinderella."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EVENINGWhere stories live. Discover now