Chapter 6

6 1 0
                                    


Rae's POV

"Balita ko nasa guidance office nanaman si Gideon."

"Ano pa ba bago doon?"

"Ano kaya ang nangyari at nagbago siya, no?"

Ilan lamang iyan usapan sa nadadaanan ko.

Buong paaralan, siya ang usapan.

Sino ba na hindi siya pag uusapan? Ang may good image napalitan bigla ng bad image.

Tulad nila, hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa kanya.

Wala siya ginawa kundi makipag away. At mas nakakatakot dahil kahit babae pinapatulan na niya.

Dahil magkapit bahay kami, palagi ko nakikita na palagi siya may kasamang babae.

Mabilis ang pagbabago niya. At hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginagawa.

Nagustuhan ko siya dahil sa ugali niya. Napakabait kasi niya sa lahat. Sabi ko panga, isa siyang anghel na bumaba sa lupa para mahalin ko. Kahit hindi niya ako napapansin, hindi ako nagsisi o nalungkot. Hindi ako nagsisi na siya ang nagustuhan ko. Wala akong pakielam kung wala ako sa kanya. Hindi naman iyon mahalaga para sa akin. Pero ngayon.. nagbago na siya.

"Rae!"

Nakita ko si Logan na palapit sa akin. Naka jersey siya, may practice kasi sila sa basketball ngayon.

"Oh, bakit?" kunwaring irita ko sa kanya.

Mabait rin naman siya tulad ni Gideon. Kaso bulakbol siya kaya ayoko makisalamuha sa kanya. Binully panga niya ako dati, pero kinalimutan ko na iyon.

One week ago, talagang nakita ko ang pag aalala niya. May utang na loob ako sa kanya. Kung hindi niya ako niligtas, edi patay na ako ngayon. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya ng sobra.

Hindi naman masama makipag kaibigan sa kanya. Actually masarap siya maging kaibigan kasi palagi siya nagpapatawa, masigla siya, hindi siya nauubusan ng energy saka napaka caring niya.

Naiilang ako sa mga tingin ng iba kapag magkasama kami pero hindi ako naiilang sa kanya. Komportable ako sa kanya.

Gustong gusto ko magalit sa kanya, sinusungitan ko siya at tinatarayan, ang cute niya kasi kapag bigla nalang siya mapapatahimik sa asta ko.

Palagi ako nagpapakipot sa kanya pero syempre palabas lang iyon. Nagpapasalamat panga ako sa kanya kasi nagagawa ko na yung mga hindi ko pa nagagawa, nakakapunta na ako sa mga hindi ko pa napupuntahan at higit sa lahat, kaya ko na maging masaya.

"Sabay na tayo umuwi!" masigla niyang sabi.

"Huh! Nagpra-practice ka pa, no!"

Lumawak ang ngiti niya. May kalokohan nanaman lalabas sa bibig niya.

"Edi hintayin mo 'ko! Panuorin mo 'ko kung paano ako maglaro!"

Sana naging 5 years old nalang siya. Bagay sa kanya e.

"Tsk! Panunuorin ka pa, e di kanga nakaka shoot."

Hindi niya alam, pero pinapanuod ko siya tuwing may laro siya. Syempre no choice, required kami manuod sa game nila e.

Tuwing titingin siya sa akin, umiiwas ako ng tingin para hindi niya malaman na pinapanuod ko siya.

"Sino nagsabi? Ako ang captain, ano iyon, yung captain pa ang pabigat, ha?" nakapamewang siya.

Nagpanewang rin ako habang kaharap siya.

"Oo! Sa inyo, Oo!"

Nginisian ko siya. Tuwang tuwa talaga ako sa itsura niya.

EVENINGWhere stories live. Discover now