Chapter 3

10 2 0
                                    


Nang kumalma si Rae ay dumating ang parents niya. Kitang kita ko sa kanilang mga mata ang matinding pag aalala. Kahit napakalma ko na si Rae, nung nakita niya ang mama at papa niya bigla nalang ulit siya umiyak. Ngayon nandito ako sa bahay nina Rae. Si Rae dinala ng papa niya sa kwarto niya. 


"Salamat sa pagligtas mo sa anak ko Logan," nakangiting ani sa'kin ni Mrs. Doxon. 

Dinalan niya ako ng maiinum na juice. Nasa sala kami at ilang saglit dumating na si Mr. Doxon.

"Kumalma na ulit si Rae," tumingin siya sakin, "salamat ng marami, Logan." 

Tumango ako at ngumiti. "Walang anuman po, basta kay Rae palagi ako nasa tabi niya." 

Totoo 'to. Sobra. Kahit pagtabuyan ako ni Rae na paulit-ulit, hindi ko kayang iwan siya. Nagtaka ako na makita kong nagtinginan sila sa isa' t isa at ngumiti ng malawak. 

Yung ngiti nila parang ang daming laman. Pagkatapos ng ilang usapan ay nagpasya ako na umuwi na. Syempre hindi naman ako nakatira do'n para magtagal, pero pwede rin kung do'n ako titira. Haha. 

Pagkalabas ko ng gate nila napansin ko si Gideon sa labas ng gate nila. Nakaupo siya sa damuhan nila. Linapitan ko siya. Tumingala siya nang maramdamang nasa harap ako. Kakaiba rin ang lalakeng 'to. 

Tama ang nakita ko kanina. Bago 'ko tumakbo para hatakin si Rae sa gitna nakita ko siyang nakatayo lang at walang ginawa. Pagkatapos ng aksidente bigla nalang siya umalis na parang walang nakita. Yes syempre hindi naman sa lahat ng bagay mangingielam tayo, pero siya, alam niyang gusto siya ni Rae, magkakilala sila, magkapit bahay at higit sa lahat kailangan ng tulong pero tumayo lang siya at tiningnan si Rae. 

"Hoy ikaw," inis na turan ko. 

"Ano?" walang emosyon naman niyang sagot. 

"Tumayo ka diyan at mag usap tayo." 

"Bakit ko naman 'yon gagawin? Saka nag-uusap na tayo," he tsked. 

Yumako muli siya. 

bastos. 

Napabuntong hininga ako sa nakita kong asal sa kaniya. 

"Tsk! Ang weird." 

Tumingala muli siya. 

"Weird?"

"Oo, ang weird na nagkagusto sa'yo si Rae e isa kang walang kwentang tao."

Mali ang description ng mga tao sa kanya. Ibang iba ang alam ng mga tao sa kaniya. Ano mabait? Perfect? Tsk anong mabuti sa hinayaan niya si Rae sa gitna ng kalsada? 

Tumayo siya at masama ang tingin sa'kin. Wow, siya pa may ganang tumingin ng masama?

"So?" Napakunot-noo ako sa narinig ko sa kaniya. 

"Pagkatapos?"

Napailing ako.

Kakaiba rin ang taong 'to.

"Anong sinasabi mo diyan? Hindi ako nakikipag biruan."

"Hindi rin ako nakikipag biruan kaya umalis ka na."

Pagkatapos nun ay naupo muli siya sa damuhan.

"Kakaiba kang tao, Gideon."

"I know," he said.

"Bakit ka ganyan? Nakita kita, wala kang ginawa. Gusto mo ba na hayaan nalang si Rae na mabundol ng sasakyan?"

Mahinahon ako. Kasi ang pagkakatanda ko, itinuro sa'kin iyon ni Rae. Ang magandang usapan dapat idadaan sa mahinahon.

EVENINGWhere stories live. Discover now