Chapter 12

7 1 0
                                    

Logan's POV

Dali-dali ako lumabas ng paaralan kahit hindi pa uwian na malaman kong nasa hospital si Rae.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag may mangyari sa kanyang masama. Ang naiinitan ngalang siya ay pigil na pigil na ako.

"M-Mr. Doxon," tawag ko sa papa ni Rae. Nasa labas siya ng kwarto ni Rae. "Ikaw pala, mabuti nandito kana. Hinihintay ka ni Rae," nakangiti niyang sabi.

Tumango ako at dali pumasok sa kwarto.

Napaatras ako na makita ko si Rae. Nakaupo na siya sa kama. Ang mga mata niya ay sobrang lungkot..

"Ang k-Katawan mo, R-Rae.."

Bagsak na bagsak siya. Ano ang ginawa niya bakit siya nagkaganyan. Sobrang nasaktan ba talaga siya.

Ngumiti siya. "Hi! Bakit ayaw mo lumapit?" natatawa niyang turan.

Dali-dali ako lumapit sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sobra akong nag-aalala sa'yo, Rae!" ani ko pagkatapos ko siya yakapin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinawakan niya.

"Bakit ka naman nag-aalala, Luma?" bigla niya inihagis ang kamay ko. "Haha! Hindi bagay sa'yo ang drama!" she chuckled.

Pinipilit niyang maging masaya sa panlabas, pero sa panloob niya halatang nasasaktan siya.

Naupo ako sa tabi niya.

"Seryoso, nag alala ako sa'yo. Araw-araw kita kinakamusta, ayaw mo ako papasukin sa kwarto mo o kausapin manlang tapos ngayon nandito ka? Ano ba pumasok sa kokote mo at nagkulong ka ng ilang araw. Diba sabi ko sa'yo kung may problema ka pwede mo sabihin sa akin. Hindi ka dapat nag so-solo. Tch. Ikaw ang ma-drama."

Nakatingin ako sa malayo dahil hindi ko siya kayang tingnan.

Nasasaktan ako.

Nanlaki ang aking mga mata na naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko.

Mahigpit ito. Sobrang higpit.

"Salamat.." bulong niya.

"Para saan naman, aber?"

"Dahil palagi ka nasa tabi ko. Pinagtabuyan na kita lahat, pero para kang yoyo na bumabalik pa rin. Ang galing."

Nakayakap lang siya. Inabot ko ang ulo niya at hinimas-himas iyon. Hinayaan ko lang na ganito ang aming posisyon.

Hindi ako ang mahal niya, pero at least ako ang palagi nandyan kapag kailangan niya. Hihintayin ko siya kahit ano ang mangyari. Hindi ko aabusuhin ang kabaitan na pinapakita niya sa akin.

Bumukas ang pintuan. Aayos sana ako dahil baka magulang ni Rae iyon. Nakakahiya kung makita nila kami ganito pero ayaw ako bitawan ni Rae.

Hindi magulang ni Rae ang pumasok.

Si Gideon.

"Bakit nandito ka?" walang emosyong tanong sa akin ni Gideon.

Nagtaka ako. Hindi umayos si Rae kahit  narinig na niya ang boses ni Gideon, sa halip mas humigpit ang yakap niya sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay niya na nakahawak sa akin. Ang kanyang ulo ay nakadukduk sa aking likod.

Nakatingin si Gideon sa amin, at napunta sa mga kamay ni Rae na nakayakap sa akin. Tiningnan niya pa si Rae.

Ano ang nararamdaman mo na makita si Rae kayakap ako? Ay hindi, nakayakap sa akin.

"Pinapunta ako ni Rae dito," nakangising sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang kaliwang kamay ni Gideon, nakamao ito.

EVENINGOnde histórias criam vida. Descubra agora