Daughter of Nature

Zacznij od początku
                                    

“Eirene.”

“Eirene?” Pamilyar kay Olivia ang pangalan na iyon. Saan na nga ba nya narinig iyon? Wala syang maalalang kaibigan o kakilala na ganun ang pangalan.

“Do you remember someone?” Medyo nagulat si Olivia nang tanungin sya ni Lola Esmeralda. She was back on the bus. They were no longer speeding. She could see the road again, passing houses and trees outside. That old song was still playing.

 
Take me home, down country roads

Take me home, down country roads…

 
“No. Dapat ko ba syang matandaan? Do I know her personally?” Wala syang makapang ala-ala tungkol sa babaing iyon. There was that faceless woman in her dreams. “Sya rin ba ang babae sa panaginip ko?” Pero iba ang pangalan ng nilalang na iyon. “But her name is…” She paused because she suddenly couldn’t remember.

“Her memories are jumbled. Some of them started to fade, Essie.” Napatingin si Olivia sa nagsalitang si Miranda. Nakatingin lang ito sa harapan ng bus ngunit kitang nababahala ito.

“There’s still time,” Esmeralda assured Miranda.

“Ano ba talaga ang nangyayari, Lola? Why do I keep having those strange dreams?” Olivia started to get impatient. Naguguluhan na sya sa nangyayari.

“Be patient with me, iha.” Her Lola patted Olivia’s hand. “Let me continue my story.”

Muling kumapit nang mahigpit si Olivia sa hawakan dahil muling bumilis ang takbo ng bus. Nakita nyang palapit sila sa isa na namang tunnel. Pagkapasok na pagkapasok nila sa tunnel, mas tumulin ang andar nila hanggang biglang huminto ang bus. Pagmulat nya’y nasa farm ulit siya.

Naglalakad-lakad ang Lola nya. Kung hindi nagkakamali si Olivia, nasa parte sila ng farm kung saan nakapwesto ang ubasan. Ngunit sa panahong iyon ng Lola nya, wala pang vineyard kundi puro mga damo lamang ang naroon.

Malalim ang iniisip ng Lola nya at mukha itong balisa. Napaisip din si Olivia kung gaano na katagal ang lumipas mula nang makita ng Lola nya si Eirene?

Her grandmother was walking aimlessly. Tumingin ito sa suot nitong wristwatch. Nakita ni Olivia na ala-sais pa lamang ng umaga. Nakasuot ang Lola nya ng bota at longsleeve shirt na pinatungan ng itim na overalls. Handa na itong sumabak sa trabaho ngunit kataka-takang nag-iisa lamang ito dahil kapag ganoong oras, abala na ang mga tauhan nila sa farm.

Umaliwalas ng bahagya ang mukha ni Lola Esmeralda nang makita ang papalapit na si Imelda kasama ang dalawang lalaking may dala-dalang salakot.

“Magandang umaga po, ma’am,” sabay na bati ng dalawang lalaki.

“Maganda umaga rin.” Nginitian ang mga ito ni Esmeralda. “Kayo lamang ba ang dumating?”

Nagkatinginan ang dalawang lalaki, tila nahihiyang magsabi ang mga ito. “Natatakot na po silang bumalik, Ma’am,” sagot ng mas matanda sa dalawa. “Karamihan sa amin biglang nagkasakit mula nang magtrabaho kami sa farm. Mas naniniwala na silang may sumpa ang lugar na ito. Natatakot din kami nitong si Andoy kaso kailangan naming kumita.”

“Salamat, Ben.” Lola Esmeralda was very grateful.

“Ma’am, baka dapat na nating ipatawas tong farm,” singit ni Imelda. “Nabendisyunan na ito ni Padre Rafael pero tuloy pa rin ang pagkakasakit ng mga tauhan natin. Tatlong araw pa lang nung mag-umpisa tayo, Ma’am. Baka kailangan na natin ng albularyo. Pupuntahan ko po ang tatay ko mamayang tanghali para kausapin si Tandang Gusting.”

Kung Lolo ni Olivia ang sinabihan ni Imelda, tiyak na magagalit iyon. Mukhang kumbinsido rin ang Lola nyang albularyo ang sagot sa problema. Maaaring dahil wala ng maisip na ibang paraan ang Lola nya.

Watermelon DreamsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz