"Just ask Nanay Odette." Sabi naman sa akin ni Ravanni pero di parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Tandang tanda ko pa kung kelan ko huling natanggap ang ganitong klase ng bulaklak. At sa buong buhay ko sya lang naman ang nagbibigay sa akin ng ganitong bulaklak.

"Bell-"

"Aki bakit hindi mo na lang ito ibigay kay Emily?" Sabi ko na lang saka kinuha ang bouquet ng tulips at iniabot 'yon kay Aki. Tiningnan naman nya ako ng may ngisi at parang tinatanong ako ng mga titig nya kung seryoso ba ako.

"Bakit ko naman sya bibigyan ng bulaklak?"

"Dahil gusto mo sya hindi ba?" Sabi ko sa kanya. Ayokong isipin ni Ravanni na may ibang ibig sabihin sa akin ang bulaklak na ito.

"Sino namang may sabi sayo na gusto ko sya? Hindi sya ang tipo ko." Sagot lang nito sa akin saka sya lumabas ng bahay at iniwan ang kamay ko sa ere na may hawak ng bulaklak. Napabalik lang ako sa reyalidad nang biglang kinuha ni Ravanni 'yon sa tabi ko.

"Is this your favourite flower?" Seryosong sabi sa akin ni Ravanni. Mabilis naman akong umiling lang sa kanya.

"So what's your favorite then?"

"W-Wala."

"Wala? May ganon bang bulaklak?" Pilosopong sabi nya sa akin saka nya ibinalik ang bulaklak sa akin at naupo doon sa upuan naming kawayan na nasa sala.

"Wala akong paboritong bulaklak." Sabi ko lang sa kanya at saka ako naupo doon sa may tabi nya. Ipinatong ko na lang sa may lamesita ang bulaklak na 'yon at kinalimutan ang iniisip ko tungkol sa nagbigay non.

"I don't believe you because you have and it's tulips." Napatingin ako dahil sa sinabi nya. Ganon ba ako kadaling basahin?

"Hindi ko gusto ang mga bulaklak na 'ya-"

"I admit, I already gave countless of bouquets of flowers for so many girls and I know if they want it, hate it or they think of something with those flowers."

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo." Yon lang ang nasabi ko sa kanya. Nagulat naman ako sa kanya nang bigla syang sumandal sa balikat ko. Rinig na rinig ko ang mahaba nyang buntong hininga.

"I love you Bella even you are such a big liar." Seryosong sabi nya sa akin habang nakapikit ang mga mata.

"Kaya patawad." Sabi ko sa kanya at inabot ko nang kamay ko ang mukha nya at pinakiramdaman ko sya. Kahit ang palad ko ay kayang sabihin na napaka-gwapo nya. Hindi ko na sya kaylangan titigan para malaman kunv gaano sya kaperpekto.

"Ehem! Bella pwede ba kita makausap?" Napapitlag na lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Nanay.

"B-Bakit po?"

"Sumunod ka na lang sa akin." Sabi lang ni Nanay kaya sinundan ko na sya palabas ng bahay hanggang sa makarating kami sa may ilalim ng mangga kung saan may upuang kawayan. Naupo naman ako doon at nagtatakang tumingin kay Nanay dahil mukhang may seryoso syang iniisip.

"May problema po ba Na-"

"Bumalik na kayo ng Maynila."

"Oo nga po Nay. Babalik na po kami bukas ng umag-"

"Umalis na kayo ngayon." Pagputol nya sa sinabi ko. Lalo akong nagtaka sa sinabi nya.

"Bakit po? Gabi na." Nakita ko naman ang malalim na buntong hininga ni Nanay saka sya lumapit sa akin at seryoso akong tiningnan.

"Basta bumalik na kayo ng Maynila ngayon."

"Bakit po? Hindi ko po kayo maintindihan?"

"Hindi ko pwedeng ipaliwanag sayo ngayon pero alam kong ito ang mas makakabuti sayo. Ayokong mahadlangan ng sinuman ang kaligayahan mo. Kaya mas mabuti pang lumayo ka na lang dito sa probinsya." Lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Wala akong maintindihan.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now