I hear her voice in the mornin’ hour, she calls me

The radio reminds me of my home far away

Drivin’ down the road, I get a feelin’

That I should’ve been home yesterday, yesterday

 
“We are going to visit a friend,” her Lola vaguely said.

Olivia didn’t ask who. She was more interested with her Lola. “Are you…are you a ghost?” But how come she was able to hold her?

Her Lola chuckled. “When I left human world, I became a nature spirit. Kinuha ako ni Inang Kalikasan para tumulong sa kanya. As a reward for my advocacies, I was given a chance to live in Elondres.”

Nature spirit? Elondres? That’s Miranda’s surname. Hindi na nya kailangang magtanong dahil nagpatuloy ang Lola nya. Dapat pa bang Lola ang itawag nya rito? Mukha lang nyang nakakatandang kapatid ang Lola nya.

Elondres is where the Mother Nature herself lives. Where all spirits of nature live. Like nymphs, deities…all of the magical creatures you could think of as long as they are pure of heart. At minsan nabibigyan ng pagkakataon ang mga taong katulad ko na mapabilang sa paraisong iyon.”

“Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin, Lola?” Ayaw nyang magtunog na nanunumbat. Kung kaya pala nitong magpakita sa kanya, bakit ngayon lang? Ang tagal nyang nangulila rito.

Hinawakan ng Lola nya ang kamay nyang nakapatong sa tuhod nya saka ito pinisil. Nangingilid ang luha nito. “Alam kong nami-miss mo ko, apo. Ngunit hindi na maaaring makisalamuha pa ang katulad ko sa mundo ng mga tao. Nandito lang ako para sa isang layunin. Ang tumulong sa isang kaibigan and help you to remember.”

“To remember? Ano ang dapat kong maalala?” Sinabi rin nito iyon sa kanya nang mapanaginipan nya ito. Maybe that wasn’t a dream.

“I’ll get to that later. Perhaps, it’s best to start from the beginning. Kung kailan at paano dumating sa buhay natin ang isang kabigan.”

“Sya ba ang pupuntahan natin ngayon?”

Tumango si Lola Esmeralda. Tumingin ito sa unahan at bumahid ang lungkot sa mukha nito. Nanahimik ito. Sumulyap naman si Olivia sa labas ng bintana. Hindi sya pamilyar sa dinadaanan nila. Wala syang takot na nadarama ng mga oras na iyon dahil kasama nya ang Lola. Ngunit hindi mapawi ng asul na dagat sa labas ang kaguluhan sa utak nya.

“I met my friend…our friend a year before you were born,” maya- maya’s sabi ng Lola nya.

“Lola…” Naalarma sya nang maramdaman nyang napakatulin ng takbo ng bus. Napakapit sya sa bakal na hawakan sa harapan nya. Napatingin sya kina Miranda at Lola Esmeralda. Kalmado ang mga ito, samantalang malakas naman ang dagundong ng puso nya.

Hinawakan ni Lola Esmeralda ang nanlalamig nyang kamay, na kapit na kapit sa handle bar. “Let me show you.” Ngumiti to sa kanya.

Olivia looked infront of the bus. There were going faster and faster that everything even the road was a blur. Something dark was ahead of them.  

Dumilim sa loob ng bus nang pumasok ito sa isang tunnel. Mabilis pa rin ang takbo ng bus, pakiramdam nya tila lumilipad ito. Pabilis nang pabilis hanggang sa bigla itong huminto kaya napasubsob si Olivia. Napabitaw sya sa pagkakakapit sa hawakan at naramdaman nyang umangat ang katawan nya.

Hinintay nyang humampas sya sa windshield ng bus ngunit walang nangyari. Unti- unti nyang idinilat ang mga mata at doon nya napagtantong nakatayo sya sa loob ng isang…kusina? Nagpalinga- linga sya kung totoo ba ang nakikita nya? Kanina lang nasa loob sya ng bus. Anong ginagawa nya sa kusina?

Pamilyar sa kanya ang mahabang mesang kahoy. Yari rin sa kahoy ang ding-ding ng kusina pati ang mga drawers, cabinet at cupboards.

“Ma’am, ako na lang po ang gagawa nyan. Magpahinga na po kayo.” Napatingin si Olivia sa babaing nagsalita. Isang kasam-bahay na nasa mid-twenties at nakasuot ng palda at blouse na pinatungan ng apron.

“Ikaw ang magpahinga, Imelda. Kaya ko na ito. Kanina ka pang madaling araw gising. Buong araw ka ng nasa kusina. Hindi ko naman kasi alam na maraming darating kanina para tumulong sa pagllinis. Buti na lang at napagkasya sa lahat ang pagkaing meron tayo.” Si Lola Esmeralda ang sunod na napansin ni Olivia. Naka-striped blouse ito at high-waisted jeans. Sing-edad nito ang Lola nyang nagpakita sa kanya.

“Maraming natuwa na may nakabili na nitong farm lalo na nang sabihin nyong kukuha kayo dito sa lugar namin ng mga magt-trabaho sa farm. Matagal na ring ibinebenta ito ng dating may-ari pero walang gustong bumili dahil malas daw. Nalugi kasi. Maraming mga trabahante noon ang nadidigrasya habang nagtatanim o kaya naman nagkakasakit na lang bigla. Ang sabi nila may mga malignong namamahay sa farm na ito,” kwento ni Imelda. “Pero marami ring nagsasabi na masama kasi ang ugali ng dating may-ari. Mapanakit sa mga tauhan at hindi patas ang bayad sa mga tao. Dahil dun minalas ang negosyo nya, kaya nalugi.”

“Sa tulong nyo, sisikapin kong buhayin ang farm na ito. Makukuha ang lahat sa pagtutulungan,” sambit naman ni Esmeralda habang pinupunasan nito ang malaking glass bowl.

“Laking pasasalamat ko rin at dumating kayo, Ma’am. Hindi ko na kailangang makipagsapalaran sa Maynila.”

Napangiti na lamang si Esmeralda.

Lumapit si Olivia sa mga ito. “Lola?” Marahan nyang tawag ngunit hindi sya narinig nito. Mukhang hindi rin sya nakikita ng mga ito.

Napatingin si Olivia sa kalendaryong nakapaskil sa pader ng kusina at nasorpresa sa nakita. Year 1986. It was indeed a year before she was born.

Is this your memory, Lola?” Olivia asked in her mind. Batid nyang noong mga panahong iyon binili ng Lola at Lolo nya ang farm. Maraming lupain ang angkan ng mga Grego ngunit gustong magkaroon ng sarili nito si Lola Esmeralda.

Nang sa wakas makumbinsi ni Esmeralda ang kasam-bahay na ito na ang bahalang magtago ng mga kitchen utensils saka umupo si Olivia sa pinakakabisera ng mesa para pagmasdan ang Lola nya.

Nagtimpla ito ng tsaa nang matapos saka lumabas sa back porch kasunod si Olivia. Umilaw ang isang bombilya nang pindutin ni Esmeralda ang switch. Umupo ang Lola nya sa isang lumang tumba- tumba habang humihigop nang mainit- init na inumin nito.

Pumuwesto naman si Olivia sa pinakamataas na step ng hagdan paakyat ng porch sa bandang paanan ng Lola nya. Mula roon, pinagmasdan nya ang paligid.

Namangha si Olivia sa mabituing langit at sapat na ang liwanag ng buwan para makita nyang puro damo pa ang likuran ng bahay at mangilan- ngilang puno lamang ang naaaninag nya. Gawa pa sa kahoy ang buong bahay. Naging brick house ito nang ipina-renovate ng Lola nya noong 1989.

Tahimik ang paligid. Mga kuliglig lamang ang naririnig nya. Ramdam din nya ang banayad na hangin kaya nilabanan nya ang antok. May kumislap na liwanag, marahil ay bituin, sa kalangitan. Nagtaka si Olivia dahil palaki nang palaki sa paningin nya ang liwanag at tila pabagsak ito sa kinaroroonan nila ng Lola nya.

Nabitawan ng Lola nya ang hawak na tasa at nabasag. Napansin na rin nito ang liwanag ngunit pareho lamang silang nanatiling nakatitig sa parating. Bago pa man tuluyang bumagsak ang liwanag huminto ito sa ere.

The light wasn’t a star. Olivia thought it was an angel that fell from the sky. When her eyes adjusted, it was a beautiful woman clad in what seemed to be almost torn red and gold warrior dress. She was surrounded by bright light and appeared to be struggling to stay airborne.

Pumapagaspas ang mga pakpak ng babae para pigilan ang tuluyang pagbagsak nito sa kinaroroonan nila. Napatingin ang kulay kahel na mga mata ng babae sa Lola nya. Napatitig na lamang din pabalik si Esmeralda, na manghang- mangha sa nakikita.

Sinubukang lumipad palayo ng babae ngunit duguan ito at mukhang nanghihina, hindi na nito maigalaw ang mga pakpak. Umaagos ang dugo nito mula sa mga sugat, pabagsak sa lupa.

Sino sya? Olivia wondered. Mukha itong mandirigmang galing sa labanan. Kahit nahihirapan sa mga tinamong sugat, nasa mga mata pa rin nito ang determinasyon. She still looked fierce and deadly.

Nanatili lamang na nakalutang sa ere ang babae hanggang sa mawalan ito ng malay at bumagsak sa lupa kasabay mawala ng liwanag na bumabalot dito.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now