"Good day ka diyan, bad kaya! iwanan ba naman ako ng mga tukmol kong kapatid." sabi ko pa at wala sa sariling napairap sa labas ng bintana ng taxi dahil naiinis ako.

[Ah basta good day to para sa akin. Classmates ulit tayong tatlo ni Janica!]

"Share mo lang for short sml? haler! alam ko na yan paulit ulit ka. Sinabi mo na kaya sa akin yan kahapon."

[Ay! nasabi ko na ba? hehe.]

Agad niya akong pinatayan ng tawag. Napaka impakta talaga.

Pagkahinto ng taxi sa tapat ng school ay agad na akong nagbayad kay manong driver at nagpasalamat at naglakad kaagad papunta sa gate.

"Good morning, guard!" bati ko sa guard namin at nakipag apir.

Tropa kami kaya close kami ni manong guard.

"Good morning din sayo, Solana. Ang ID mo?" sabi sa akin ni manong guard kaya napatingin ako sa leeg ko at putangina!

Wala akong suot na ID!

Patay kang bata ka!

"Ah eh... naiwan ko po sa bahay hehe..." sabi ko pa kay manong guard at napakamot sa ulo ko at nag peace sign.

"Oh siya sige pumasok ka na basta sa susunod huwag mo ng kalimutan ang ID mo lalo na kong first day ng pasok." sabi niya kaya malaki ang ngiti na ibinigay ko sa kanya.

"Salamat manong guard! the best ka talaga!" sabi ko pa at nagtatakbong pumasok sa gate na parang nakawala sa hawla.

Manong guard lang ang tawag ko sa kanya. Eh sa tinagal tagal ko ba naman sa school na ito simula first year highschool ay hindi ko alam ang mga pangalan ng mga guard dito, basta mga tropa ko sila.

Patakbo akong pumunta sa building ng fourth year at napapamura pa ako sa daan dahil ang layo ba naman ng building namin. Sarap sunugin ng ibang building dito para mabawas bawasan naman ang mga classrooms.

Ng makarating na ako sa building ng mga fourth year ay umakyat naman ako papunta sa third floor kong saan nakalagay ang hinayupak kong classroom na pinapahirapan talaga ako.

Heto tuloy hingal na hingal ang beautiful lola niyo.

"Beshywap!"

Agad akong sinalubong ni Janica at Shantal ng yakap pagkapasok ko pa lang sa room namin which is section B.

Oh diba! lakas maka alphabet ang mga sections dito sa school namin at huwag ka! section B ako.

Matalino yata to pero maliban sa math na nagpapasakit ng walang laman kong utak.

Mula first year highschool at hanggang fourth ay hanggang section Z ang mga sections. Kaya andaming classrooms ng bawat building. Ako ito proud na proud sa sarili ko dahil nasa section B ako.

"Tabi tayo!" sabi pa ng dalawa kong beautiful yaya charot!

Beautiful bestfriends yarn at hinila ako papunta sa isang bakanteng upuan at pinaupo.

Actually apat talaga kami kaso yong isa ay sa Mindanao na nag aral.

Sa dalawang bakante naman na nasa magkabilang gilid ko sila umupo. Maingay ang classroom. Dinaig pa ang palengke sa sobrang ingay.

Chika here, chika there, chika everywhere, ganern!

Napatingin din ako sa mga bago naming kaklase kong may naging classmates ba ulit kami na classmates din namin noon.

Hindi nga ako nagkamali dahil meron nga.

"Solana!"

Ayown oh! may fans na agad ako!

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat