"Opo."

"Hihihi mabuti naman." pagkatapos ko siyang punasan ay tinawag naman ako uli ni Von.

"Hon, let's eat. Leave that child and eat with me." sasagot na sana ko nang si Eren ang nagsalita.

"Hindi naman po by partner ang pagkain. Kaya niyo na po yan mag isa." sabi niya na hindi parin umaalis sa yakap ko.

"You kid" hehehe

SIGH. Pero at least nag enjoy naman kami kahapon hehehe. Sa ngayon, darating sila E kasama si Carl! Hihihi

*DING DONG*

"Oh! Baka sila Ellie na yan." excited na ani ko habang nagpupunas ng kamay sa suot kong apron. Ako na sana ang pupunta pero nag volunteer naman si manang Neneth. (Isa sa mga maid)

"Ako na madam. Mag ayos nalamang po kayo ng inyong sarili. Hayaan niyo na po sila Helen ryan sa kusina." sabi niya bago umalis para pagbuksan ng gate ang mga bisita..

Wala naman akong nagawa dahil tama si Manang. Kailangan ko nga talaga mag ayos ng sarili. Hehehe

Pagkapalit ko ng suot ay bumaba na rin ako agad. Para puntahan sila Ellie sa may sala.

"Auntie!" sigaw ni Carl nang makita akong pababa ng hagdan.

"Hi Carl!" sinalubong niya ako at niyakap. "Wow. Mukhang namiss mo talaga ako ah"

"Opo, pero mas namiss ko po si Eren. Hehehe nasan na po siya" eh? Ganon...

"Ah nasa kwarto niya. Kung gusto mo siyang puntahan naroon ang kwarto niya. Nasa pangalawang pinto sa unahan."

"Salamat po!" umalis agad siya at tumakbo papunta sa kwarto ni Eren.

Ako naman ay sinaluhan si Ellie na nakaupo sa sofa. Tinabihan ko siya. "Ellie! Salamat at nakapunta ka. "

"Oo hehehe. Nga pala kumusta naman yung pag aalaga mo kay Eren?"

"Well, medyo masungit siya at palaging seryoso pero hindi naman siya pasaway hehehe. Tsaka mabuti siyang bata. Alam mo? Tinawag niya na akong mommy! Hihihi"

"Oh talaga?? Omygosh! Congrats! Nakapag bonding na ba kayo?"

"Mm! Pumunta kami noon sa Jollibee tapos kahapon sa park. Ag saya nga dahil nagbisekleta sila Von. Hihihi"

"Mabuti naman. Masaya ako para sa inyo."

Habang nagkwekwentuhan kami ni Ellie ay may lumapit na maid. "Nakahanda na po ang mga pagkain."

"Ganon ba? Ellie tara. Von!" tawag ko sa asawa ko na pababa palang ng hagdan galing sa kwarto.

"Yes?"

"Ikaw na magtawag sa dalawa, please?"

"Fine," tugon niya bago naglakad pabalik sa taas.

"Tara. Dun na natin sila hintayin."

"Okay,"

-

Third persons pov:

Abala sa paglalaro si Eren sa kaniyang kwarto nang may bigla na lamang kumatok sa pintuan ng kaniyang kwarto.

"Bukas yan" walang gana niyang sambit na itinuloy na lamang ang paglalaro ng tahimik na umingay dahil sa nagbukas ng kaniyang pinto at sumigaw ng

"EREN MY FRIEND!" sigaw niya pagkatapos ay sinunggaban ng yakap ang kaibigan.

-,- - Eren

"Anong ginagawa mo rito?"

"Binibisita ka! Inimbitahan kami rito ni Auntie Sue kaya pumunta kami! Hihihi"

"Tss." lumayo na si Carl at nakipaglaro kay Eren.

"Ano nilalaro mo? Sali ako hehehe" pero hindi siya sinagot ni Eren. Sanay naman na si Carl sa kaibigan at siya lang ata ang nakakaintindi rito. Siya lang din ang nakakatiis sa ugali nito.

Sa ampunan na lumaki si Carl, si Eren naman ay 5 na taong gulang nung dumating sa ampunan. Si Carl ang una niyang naging kaibigan. Hindi siya lumalapit o nakikipag laro sa ibang bata at napansin yun ni Carl kaya siya na lamang ang lumapit, iniisip niya nabaka mahiyain lang ito.

"Bata. Eren ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Carl!" nilingon lamang siya ni Eren. Napahinto si Carl nang makita ang mga mata ni Eren. Bata pa nga siya ngunit napansin na niya ang galit, pighati, at matinding kalungkutan sa mga mata ng batang si Eren.

"Carl! Wag mo nalang siya pansinin hindi ka naman niya kakausapin."

"O-oo nga! Tara laro nalang tayo dito!"

Nag iwas ng tingin si Eren nang marinig ang mga sigaw ng mga kasama nila.

Hindi sila pinansin ni Carl at tumabi lang ng tahimik kay Eren. "Ako si Carl. Simula ngayon magkaibigan na tayo!" sigaw ni Carl na nakangiting inakbayan pa si Eren.

"Bahala ka."

Doon nagsimula ag pagkakaibigan nila. Well, nung una hindi pa siya intinuturing na kaibigan ni Eren dahil hindi siya interesado. Pero habang tumatagal dahil panay ang buntot sa kaniya ni Carl ay nasanay na siya. Tinanggap niya bilang kaibigan si Carl.

"Nalaman ko na niyaya ka daw noon ni auntie Sue sa amusement park pero hindi ka pumayag. Kagaya nung ginawa mo nung niyaya ka namin ni mama Ellie sa amusement park." si Carl na nakikipag laro kay Eren.

Hindi siya pinansin ni Eren.

"Eren. Pwede mo bang sabihin saakin kung bakit ayaw mong pumupunta sa amusement park?" napahinto sa paglalaro ng laruang kotse si Eren. "Sabihin mo saakin kung bakit. Kaibigan mo naman ako kaya pwede kang mag share."

Napabuntong hininga na lamang si Eren. Kung hindi naman siya sasagot ay kukulitin lang siya ng kukulitin ni Carl at hindi siya titigilan.

"Nagsimula yun noong araw ng ika limang kaarawan ko." wika niya.

"Bakit ang tinatanong ko hindi kailan."

Narinig sila ni Von na nasa tapat ng pinto at balak sana silang tawagin na para kumain sa baba.

"Tss. Nung araw na yun kasama ko ang mga magulang ko at papunta kami sa isang peryahan."

"Ah! Tapos?"

"Masaya kami noon lalo na ako. Pero habang nasa byahe kami may bigla na lamang kotse ang dumaan sa harapan namin at..... at naaksidente kami. Ako lang ang nakaligtas."

"Y-yun pala..... yung driver nung kotse na nakabanga niyo? Nahuli ba?"

"Hindi. Dahil matapos ang nangyaring aksidente bigla na lamang siyang nawala at iniwan kami. Napakasama niyang tao."

"Talaga! Tsk! Paglaki ko? Magiging police ako at hahanapin ko talaga siya! Ikukulong ko ng pang habang buhay! Hihihi!"

Napairap si Eren at natawa na rin.

*TOK TOK*

Bumukas ang pinto, "Hey kids. Go downstairs. Hinihintay kayo ng mommy niyo." walang emosyon na aniya pagkatapos ay umalis din agad.

"Tara na" wika ni Carl na hinawakan ang kamay ni Eren at tinulungan na tumayo.

Lumabas na sila ng kwarto at pinuntahan ang kanilang mga ina sa dinning room.

"I'm going to work. I'll be back at 7." sambit ni Von na binigyan ng damping halik ang asawa.

"Ganon ba? Okay! Hihintayin ka namin ni Eren. Sabay tayong mag didinner." tugon naman ni Sue. "Ingat ka ha."

Dumating na rin ang magkaibigan at bago makaalis si Von ay ginulo niya pa ang buhok ni Eren. "Be a good boy while I'm gone, kid." wika niya bago tuluyang umalis.
Tiningnan lang siya ni Eren.

"Eren, Carl, halina kayo rito."

"Opo!"

The Billionaire's Childish Wife (√)Where stories live. Discover now