Chapter 12

64 44 0
                                    

Panliligaw






Alas onse na pero hindi pa rin ako natataman ng antok, siguro dahil bukas na ang alis namin dito sa Tagaytay kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas.









Ilang saglit pa ay umupo na ako sa poolside. Nakalimutan ko pa namang dalhin ang sweater ko dahil nakaramdam na ako ng matinding lamig.








"Ba't hindi ka pa tulog?" Narinig ko ang boses ni Kean at binalutan niya ako ng kaniyang jacket bago siya umupo sa tabi ko. "Salamat," ani ko.

"Ambilis ng oras noh?" Nakita kong nakatingala siya at napansin kong maano ang mukha niya ngayon Hindi ako makapaniwala sa Kean Francisco na katabi ko ngayon. Siya ba talaga 'to o hindi?









"May ginawa bang masama yung lalaki kanina?" Nagulat ako sa tanong niya. Sinong lalaki? Ahhh, yung nagpapicture ba sa akin kanina? Ano naman ang pake niya?








Sa gilid ng mata ko ay napansin kong nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang isa niyang tuhod.








"Wala." Tipid kong sagot sa kaniya habang nakayakap sa tuhod ko. Naramdaman kong humarap siya sa akin at may kinuha siya sa bulsa ng shorts niya.









Nakita ko ang litrato naming dalawa kaya agad umaliwalas ang mukha ko dahil hindi ko mapigilan ang saya ko ngayon pero hindi ko ito pinahalata.









"Akala ko ba itinapon mo na 'to?" Tanong ko sa kaniya at narinig kong tumawa siya bago niya ako sinagot. Anong nakakatawa?

"Ikaw pala ang nagpatanong kay Cel tungkol diyan." Inirapan ko lang siya bago ko ibinalik ang tingin sa litrato. Mahigpit ko itong hinawakan at halos mapasigaw na ako sa loob nang makita ko ulit ito.









I heard him chuckled kaya tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa siya kasi tumawatawa eh! "May masama ba ha?" Atleast may pake ako sa litrato naming dalawa, hindi kagaya niya na binabalewala ito. Sabagay, bakit naman siya magkakaroon ng pake kung wala namang namamagitan sa aming dalawa.

"None, ofcourse. Hindi lang ako makapaniwala na gustong-gusto mo ang litrato nating dalawa." Tiningnan niya ako na halos ikalunod ko kahit wala ako sa mismong pool. Ilang saglit pa ay bumalik ang kaluluwa ko kaya inirapan ko siya.










Makaalis na nga baka hindi ako makatulog nito. Tumayo na ako pero bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko kaya napatigil ako.









"Huwag ka munang umalis." Naestatwa ako sa sinabi niya. He can even control my body now?? Nakakainis dahil kaya niya akong mapasunod sa kung ano ang i-utos niya! Masyado siyang madaya!












Nilingon ko siya at hinila niya ako pababa para umupo ulit sa tabi niya.  I feel so defeated kaya wala na akong magawa kundi umupo. Why am I so weak kung siya ang kasama ko?











"Don't let anyone touch you the way I do." Biglaang babala niya na halos mapatalon na ako sa pool.











Nilingon ko siya at nadatnan kong nakatingin siya ng malalim sa akin. Bigla namang bumilis ang pintig ng puso ko na nararanasan ko tuwing kasama ko siya. Walang iba kundi si Kean lang talaga ang nakakapatibok ng puso ko ng ganito.












Kahit ilang beses kong pinagsabihan ang sarili kong huwag mahulog pero sa huli ay nabigo ako. I can't believe I fall for someone like him and I dont have any regrets at all.












The Last PetalWhere stories live. Discover now