"Mahilig ka talaga sa music noh?" tanong nya

"Medyo lang naman kaya nga yun yung course ko e" medyo sarkastiko kong sagot sakanya, pero ngiti ang sinagot nya sa akin at hindi inis dahil sa sagot ko

"Sige mag music ka, hindi ko lang sure kung pareho tayo ng taste sa music" sabi naman nya, kaya dali dali kong inopen ang player para mag patugtog. Unang na play ay Crazy In Love na bagong team song ng Fifty Shades of Grey. Bumaling ako ng tingin sakanya at naka ngisi sya

"Ganito ba ang tipuhan mo ng kanta?" tanong ko 

"Hindi naman, kapatid ko ang nag lagay siguro nyan sa playlist ko" sagot nya

"Sino ba yung kapatid mo?" tanong ko

"Si Trey, actually nung umalis tayo papunta sya dun sa bar. Sayang hindi mo naabutan" sabi naman nya. At pinag patuloy ko parin ang pag pili ng kanta

"Anong buong pangalan nya? Hindi ko pa ata sya na memeet" sabi ko naman habang busy parin sa pag pili ng kanta

"Cloud Trey Agustin" sagot nya kaya napatigil ako sa pag pindot sa pamimili ng kanta. Parang narinig ko na yung pangalan nya "Niligawan nya dati si Ms Go" muling dagdag nya

"Si Skye?" tanong ko at umiling sya

"Mrs. Lopez na nga pala sya" biglang sabi nya kaya napakunot ang noo ko "Niligawan nya dati si Maxine Samantha" muling sabi nya at saka muling tumingin sa akin para tignan ang expression ko at saka bumaling ulit sa daan "Hindi mo ba alam yun?" tanong nya

"Cloud? Yung Cloud na nanligaw kay Max dati? Ang parehong Cloud na kapatid mo?" pag kukumirmang tanong ko at tumango lang sya "Mag pinsan sila ni Reaker?" tanong ko ulit at tumango sya "Alam ba nilang dalawa na pareho lang yun Max na niligawan nila?" tanong ko

"Yes" finally sumagot din sya. Meaning alam ni Reaker na niligawan ng pinsan nya noon si max?

"Hindi ba may bro code na tinatawag sa mga lalake?" tanong ko. Ang alam ko kasi karamihan ng lalake aymay code na hindi mo na pwedeng ligawan ang dating na link sa kaibigan o kamag anak mo

"Siguro sa iba" sagot ni Cyrus

"Hindi ba foul yun?" tanong ko

"Hindi naman siguro? kasi mag kakaibigan din naman sila Ziggy, Rara at Blaze noon sayo." sabi nya. At talagang kumunot ang noo ko. Ang dami naman nya atang alam? Bakit parang pati kay ZIggy alam nya?

"Iba naman kasi yung sitwasyon namin" sagot ko naman

"Yan naman ang sinasabi ng karamihan kapag hindi sila sang ayon sa sinabi ng ibang tao" sagot nya naman sa akin. Muli syang tumingin saglit sa akin bago bumalik sa daan.

"Grabe ka sakin ha! Mag kakampi tayo diba?" naka ngusong sagot ko sakanya na parang nag mamaktol. Iiling iling syang numiti

"Mag hanap ka nalang ng music dyan" sabi nya at pinag patuloy ko ang kanina ko pang pag hahanap ng kanta

"Ito gusto ko to" sabi ko sakanya ngnag simula na ang intro ng napili kong kanta

"Ako din" sagot naman nya at tipid na ngumiti

"Do you ever think about me?

Do you ever cry yourself to sleep?
In the middle of the night when you're awake,
Are you calling out for me?
Do you ever reminisce?
I can't believe I'm acting like this
I know it's crazy
How I still can feel your kiss" pag sabay ko sa kantang 6 8 12 ni Brian McKnight. Iiling iling naman si Cyrus sa akin

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now