"Eh yun yung unang pumasok sa isip ko eh. Tsaka pwede ba. Yung mga binaggit mo fierce. Hindi bagay sayo" sabi nya.

"Compliment ba yan o hindi? -______- Anyway. Start telling stories now. Puro ka segway eh." Sabi ko.

"Fine. Three years akong tumira sa Korea with my father and older brothers" panimula nya.

"Brothers? May mga kuya ka?" Kunwareng gulat na tanong ko.

"Meron. Sampu nga sila eh. Pero hindi ko sila tunay na kapatid. Ang sabi kase ni Papa, mababait na tao daw sila at sila ang tumulong samen nung nagkasakit ako" sabi nya.

"Nagkasakit ka? Anong sakit?" Tanong ko.

"Nagka-tumor daw ako dati sa utak. Buti daw nakasurvive ako. Nagising nalang din ako sa ospital nuon eh. Tapos kinabukas dinala na nila ako sa Korea para sa recovery ko" paliwanag nya.

So nung nagising pala sya wala na syang maalala non. At ipinalabas na nagka-tumor sya. Hindi nila kame kinukwento sakanya.. Hindi nila pinaalala na naging parte kame ng buhay nya.

"Ah.. kamusta namang maging Kuya yung mga kinikilala mong kuya?" Tanong ko.

"Super bait nila. Pinaramdam nila sakin na nakababatang kapatid nila ako. Inalagaan, Pinrotektahan at binigay nila sakin lahat ng gusto ko. Pero kahit naspoiled nila ako, tinuruan nila ako na hindi maging matapobre." Sabi nya.

"Lagi silang may time sakin. Parang sila yung tumayong nanay ko. May papa pa naman kase ako. Kaso maypagka-strict sila pagdating sa ibang bagay. Lalo na si Kuya GD. Pero okay lang, alam ko namang para sakin din yon eh" sabi nya.

Mabuti naman at hindi sya pinabayaan ng SJxBang. Sa nakikita ko ngayon mas maganda pa yung epekto nang paglayo sakanya. Napaganda yung buhay nya. At protektadong protektado sya. Aminado naman kame na mas safe sya sa side nila GD eh.

"Pero alam mo may ipinagtataka ako eh" sabi nya.

"Ano yon?" Tanong ko.

"Wala kase akong maalala pagkagising ko sa ospital. As in wala. Kahit si papa noon hindi ko naaalala. Nakwento naman nila yung past ko eh. Pero parang may kulang. Parang hindi kumpleto" sabi nya.

"Kame.. kame yung kulang" mahinang sabi ko.

"Huh? Anong kulang?" Tanong nya.

"Sabi ko kulang ata sa uling to" sabi ko.

"Ah.. angat mo, lalagyan ko ng uling" nakangiti nyang sabi.

Bumilis yung tibok ng puso ko ng dahil sa ngiti nya. Napangiti na din tuloy ako. Pero syempre inangat ko yung pinapa-aangat nya habang nagkakaganto ako. Mamaya sabihin nya para akong timang na pangiti ngiti lang.

"Bakit mo nga pala naisipang bumalik dito sa Pilipinas?" Tanong ko.

"Ummm.. Para kaseng may something dito sa Pilipinas na gusto kong makita" sabi nya.

"Ano naman yung gusto mong makita?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero alam mo ba, nung nakilala ko kayo parang nakita ko na yung hinahanap ko. Siguro kase wala akong kaibigan noon sa korea sa sobrang strict nila Kuya. Mga nakakausap meron, pero yung kaibigan? Na nakakabonding ko katulad niyo ngayon, wala ako neto dati. Kaya eto siguro yung hinahanap ko. Mga kaibigan" sabi nya.

Napangiti nanaman ako sa sinabi nya. Destiny na mismo yung humihila sakanya pabalik samen. Nakalimot nga yung isip nya, pero yung puso niya? Kahit papano nakakaalala. Kung ganun nga.. Sana maalala din nya yung nararamdaman namen sa isat-isa..

"We're also happy to be with you. Anyway, buti pinayagan ka ng mga kuya mo na tumira dito? Diba sabi mo strict sila?" Tanong ko.

"Puspusang pagpilit pa yung ginawa ko no. Lalo na kay kuya GD. Kase pag pumayag si kuya GD, tapos na ang usapan. Kaso may kondisyon si kuya GD bago nya ko payagan" sabi nya.

CU BOOK 2: The Gangster's Ultimate LoveWhere stories live. Discover now