Chapter 17: Team Up Mission

Start from the beginning
                                    

Napangiti na rin siya. Sa wakas ay makakauwi na rin siya kahit pansamantala sa Pilipinas.

"Copy that...I'll just contact Black Pearl and Purple Ivy---"

"No. May mga mission na sila ngayon." Putol sa kanya ng Chairman.

"Huh?! Eh sinong makakasama ko---"

"Agent Sky and you will be teaming up for this mission. As a matter of fact...kayo rin ang magkapartner para sa drug syndicate mission niyo."

"What?!" Sabay nilang sigaw ni Saich at sabay rin silang nagkatinginan at nag-iwasan ng tingin.

"Bakit siya?" Tanong ni Saich.

"Well...first mas mapapadali ang mission niyo kung babae ang makakasama mo. Mas madali kayong makakalusot in case lang kapag nahuli kayo. Second, pareho kayong may matututunan sa isa't-isa. You'll gonna need each other's expertise sa incoming mission niyo. Might as well treat this mission as preparation for your big one. Saich...I'm counting on you to look after Jade---"

"Well...hold it there. I know that I'm not really into field works but I can take care of myself. Trust me." Putol agad niya sa sinasabi ng Chairman.

"Well...yes of course I know that pero as a team...you must look after each other. Isa pa Jade, I'm not doing this coz I don't have a trust in you. I do have...for the both of you pero kailangan mo ring malaman na ibinilin ka samin ng Tito mo kaya responsibilidad namin ang anumang mangyari sa yo. Plus the fact na hindi mo field ang ini-a-assign sa yong mission kaya I assume you need Saich to look after you." Mariin nitong sabi.

Napatingin naman siya kay Saich na malalim ang iniisip.

"Pero..." She hesitated for a sec but was cut off by Saich.

"Okay...I'll do it. Akong bahala sa kanya." Sabi nito na nakatingin sa Chairman.

Gulat naman ang naging reaction ng Chairman. Marahil ay hindi nito inaasahan ang dagliang pagpayag ni Saich pero agad rin itong nakabawi. Ngumiti ito sa kanila na sa tingin ni Jade ay may ibig sabihin but she choose not to ask further question.

Siya man ay nagulat rin sa mabilis na pagdedesisyon ni Saich pero ipinagkibit na lang niya ito ng balikat.

"If that's the case then you're on your way to your new mission as partners. Good luck." Sabi ng Chairman at tsaka nawala na sa monitor.

Naiwan silang nakatulala lang at nag-iisip. Sa loob-loob ni Jade, may pina-plot na siyang plano. Hindi na mahirap sa kanya ang ganito dahil ito naman talaga ang line ng work niya. Kung baga, ito ang expertise niya. Siya naman kasi ang laging eye nina Buen a.k.a Black Pearl at Meliza a.k.a Purple Ivy kaya hindi na bago ang lahat. Kung minsan aaminin niyang talagang sakit sa ulo ang dalawang yun kapag pinagsama lalong-lalo na kapag hindi na sumusunod ang dalawa sa orders niya at gumagawa na ang mga ito ng kani-kanilang diskarte sa pangunguna ni Buen, ang reyna ng kalokohan. Pero that doesn't mean she hate the job. As a matter of fact, mas nacha-challenge siya kapag ganun na ang inaakto nina Buen dahil sa part niya, mas nagiging madalian ang lahat. Kailangan makapag-isip ng bagong strategy para sa field agent niya kung hindi ay mapapahamak ang mga ito at dun talaga gumagana ng husto ang mga brain cells niya.

Her plotting was cut off short when Saich asked him something.

"Hey...do you have your plan now?" Tanong nito sa kanya.

Humarap naman siya dito at madaliang tumango.

"Yeap! But before that, pumili na muna tayo ng gadgets." Sabi niya dito at nauna nang lumakad papunta sa experiment department kung saan nakalagay ang mga gadgets na inimbento nilang dalawa ni Meliza at nang ibang agents.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Where stories live. Discover now