Chapter 63: Inside One's Heart

Start from the beginning
                                    

Nanlalambot ang tuhod ko,
gusto kong bumaon o kainin nalang ng lupa. Dahan-dahang bumagsak ang aking luha.

Hindi ako malungkot na nanalo sila, hindi rin dahil nagsasaya sila. Nalulungkot ako bagkus, sana...sana nanalo rin ako. Sana naipanalo ko ang labang kalaban ko lang ang sarili ko.

Napansin ako ni Matheo, nag-iba ang ekspresyon nito ng makita ako. Naramdaman niya kaya ang lungkot ko? Tinanggal ko ang luha sa aking pisngi, nagsimulang maglakad na may bilis ang mga paang iyon palayo sa kanila.

At sa muling maling pagkakataon napagtripan na naman ako ng tatlo. Isa sa kanila si Jared na mismong pasimuno na siyang nagpatid sa akin at ang nagdiin sa sugat ko kanina. Hinarangan nila ang daraanan ko. Nagsasalita sila pero hindi ko na rin maintindihan.

Nanlabo ang paningin ko and then the wound penetrates again where the stains of blood crossover to my shirt. Narinig ko ang kanilang mahinang pagtawa, pero sumandali lamang siguro nakita na rin nila ang dugo.

Palabo na nang palabo ang paningin ko ng mga oras na iyon. Sumasakit ang sugat pati ang damdamin ko na parang may pumupunit sa loob ng katawan ko. Hindi ko na kaya. Kailangan kong magpahinga, magpahinga sa lahat ng ito.

I closed my eyes as I heard the mocking, the noise surrounds me na tila may nag-aaway at nagsasapakan malapit sa akin. Wala akong magawa para pigilin sila. But I was just there, lying on the floor with those food stains and my blood stains on my shirt, tired of everything.

-


As expected, again and again, I'm back again. Suki na ako ng Medical ward na ito na palagiang takbuhan kapag napapahamak ako. May nakahawak sa kamay ko nang ma-realize kung sino ito, si Marthia.

Naguguluhan ako bakit siya nandito. I move my hands towards her head and some of her hair move right away, dancing to the flows. Nagising siya ng bahagya at nakita akong may malay na.

"Hey Kuya, are you fine? Sumasakit pa rin ba ang sugat mo? Saglit tatawagin ko lang ang doctor at si kuya Matheo."

"Saglit!" pigil ko sa kaniya dahil nagtaka ako sa sinabi niya.

"Matheo...?" question ko.

"Oo si Kuya Matheo" nagtaka rin si Marthia sa inasal ko.

"Kaano-ano mo siya? Kuya mo siya tulad ko o yung kuya as in?"

"I will explain all, but let me take a doctor to you first, para makita kang gising na at ma-check muli. "

Tinanggal ng kamay kong iyon ang pagkakahigpit ko kay Marthia kahit may tanong pang bumabagabag sa akin.

Mabilis na nakabalik si Marthia kasama si Matheo at ang doctor.

Una akong pinasandal habang nakaupo at kinunsulta ng doctor like kung may nararamdaman ba ako (syempre doc 'di pa naman ako manhid), ano ba ang masakit sa akin? (Yung puso ko po doc), saang parte? (Dito po oh, banda sa kaliwang dibdib)

Magkatabing nakatayo lamang sila Marthia at Matheo doon. Parang may iba sa kanila. They were not holding each other's hand.

Matapos akong konsultahin at pagdiskusyunan ng doctor saka sila lumapit sa akin. Tinanong ko si Matheo.

"Kaano-ano mo si Marthia?" Bungad kong tanong.

Tumingin muna siya sa akin na parang kung tatanungin niya ako, 'seryoso? 'yan talaga itatanong mo?' pero ‘di niya masabi.

"Nakababatang kapatid, bakit?" sagot at tanong nito sa akin.

"Saglit lang a." kinuha ko ang unan na nasa likod ko at itinapat doon ang mukha na gigil na gigil sa katangahan ko.

"Okay, alright I'm okay," kinalma ko ang sarili ko pagkatapos noon. Bakas ko naman ang gulat sa mukha ni Matheo, ng doctor at ng nurse na nag-a-assisst sa kabilang
pasyente, except kay Marthia.

"What's that for?" medyo matawa-tawa si Matheo at umarko pa ang kilay.

"Ganyan siya kapag nagkamali ng hinala, o 'di kaya mali ang nasa isipan. Masanay ka na dyan kasi minsan may pagkaaning din 'yan" sabi ni Marthia kay Matheo
habang naririnig ko ang lahat.

"Nandito ako Marthia oh, naririnig ko! Gigil mo ko ha... " mahina naman silang napatawa.

Bumalik na yata ang kakulitan ni Marthia, hindi siya ganito sa akin lately, is this because kino-comfort niya lang ako? Are we still friends?

Pinatong ng doctor ang kamay nito sa balikat ni Matheo upang kausapin, siguro para pagbilinan since parehas naman kaming nasa iisang unit. If anong mga antibiotics at mefenamics ang iinumin ko bawat araw. Anong oras? etc.

Nagkaroon kami ng oras para mag-usap ng masinsinan ni Marthia. We keep our voice modulate enough para kami lang ang magkaintindihan.

"Hindi ako makapaniwalang kapatid mo siya. Ang akala ko boyfriend mo siya dahil nakita ko kayong dalawa na nagkiss sa loob ng kusina," kwento ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mata niya dahil sa mga sinabi ko. Tapos noon tumawa siya.

"Is that funny?" ani ko. Naluluka na naman siya. Hindi ko ba alam kung may lahi itong baliw o luka-luka.

"Bakit nakita mo bang as in nagdikit ang lips namin?"

Nag-isip muna ako bago ko sabihin ang nakita ko. 'Di ko talaga sigurado kung kiss ba ang naabutan ko; kasi sa usual kiss, is either magkaholding hands o 'di kaya magkayakap during ginagawa nila iyon. But there's no such those things na naganap.

Sadya lang ba na magkadikit lang talaga sila o perpective lang ng vision ko? Kailangan ko na bang magpasalamin?

"Hindi." Sagot ko.

"Edi hindi, magkapatid kami, tatlo kaming magkakapatid actually pero..." umupo na siya kasama ko habang 'di maituloy rin ang storya.

"I know, I'm sorry" bukang bibig ko nalang. Si Matheo ang nagkwento sa akin pero pa-suspense rin.

Ang alam ko lang namatay ang isa nilang kuya but I don't know the whole story.

"Mabalik tayo sa topic, kung kapatid ka talaga ni Matheo, bakit mo nasabi during that day na nakapasok ka na sa unit namin at halos wala ka mang reaksyon nang makitang half naked siya?"

"Because I'm his younger sister and I know his body. Mas magugulat ako kung ikaw 'yon."

Nagpatuloy ako sa pagtatanong, "eh bakit may damit ka ni Matheo na pinahiram sa akin during my down day, walang hiya ka nga yatang pumasok sa CR ng mga lalaki noon?"

"Because he told me to give that shirt for you no matter what whether it is men's room"

"Bakit hindi nalang siya ang nag-abot sa akin nun? Nasa CR lang naman ako nun."

"Dahil may tinuruan siya ng leksyon."

"Eh paano mo naman ipapaliwanag kung bakit ka lumiban at iniwan ako matapos
kitang...you know ng gabing...magdate tayo?"

"Because of kuya...because masasaktan ko siya. Matagal ka na niyang ini-stalk at sinusundan. He admires you the most. He's the man I really know who can prove that love at the same sex do exist. And he is my kuya that tried his best just to follow you here and wait for you."

"I'm........speechless." Natuliro ako sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko aakalain na kailangan pa ng second emotion ni Marthia para lang makita ko ang lahat ng ito.
Tumingin sa gawi ko si Matheo at nakita ko ang pagngiti niya habang tanaw ako.

Bumagsak ulit ang luha mula sa mata ko dahil parang kakaibang emosyon ang nararamdaman ko. Magkasamang tuwa, guilt at lungkot. Feeling ko I don't deserve this man. I will never satisfy his longings and love. I'm afraid of that. Hindi ako handa sa lahat.

Narinig ko naman ang nabanggit ni Marthia, "Nga pala, alam na ni kuya na hinalikan mo ko. Lately ko lang nabanggit sa kaniya ng araw na sasapit ang 2nd Round. Maayos naman na kami don't worry. Away magkapatid lang 'to."

"WHAT?!!! bakit hindi mo sinikreto?" nabuwang na yata ito ng tuluyan. Panira ng moment.
Wala na akong mukhang ihaharap kay Matheo nito.

Ngumiti muna siya bago banggitin ang dahilan niya. Lagi nalang siya may dahilan nakakainis.

"Ahh kase...binigyan ko siya ng isang bet, kapag natalo siya sa round na ito, ako ang manlilibre naman sa iyo at mapapasa-akin ka ng 1 linggo, pero nanalo siya e."

"Ano ang condition kapag nanalo siya?" tanong ko muli sa kaniya.

"As your friend, I would be the one who will convince you to give your...ahh your...your..."

"MARTHIA WHAT!?" medyo napapalakas na ang bibig ko pero controlled pa rin. Lumapit siya sa akin at ibinulong ang natitirang mga salita na hino-hold-back niya.

"Your virginity to him." WTH Marthia!!!

Binato ko siya ng unan sa mukha.

"I was kidding..." bawi nito. "The truth is, I will serve the breakfast this coming whole month for the both of you, to your unit. So please don't be both naked when I get
arrive ah."

"Marthia yung bunganga mo." Bumalik na ulit ang kulit namin sa isa't isa. Nawala na rin ang awkward moment. Hindi naman siya maka-move on sa mga biro niya dahil iniinis niya talaga ako. Jusko talaga 'tong babae na 'to, sarap hampasin ng dos por dos na kahoy sa bibig.

ALPHAWhere stories live. Discover now