"Congrats. Where's your girl?" Tumapik pa ang malantod rin na si Jessa sa braso nito. He looks fine. Tall and paper white skin.

"Thanks. Hindi sumama, she's not into these things." Sabi nung Jerro. Ay attituding si ate mo girl.

"Ang sad naman. Speaking of, that's Ty's new girl, diba? How's she?"

Chismosa talaga 'tong si Jessa. Tinuldokan niya na talaga ang impression ko sakaniya na chismosa siya. Si Claire kasi given na eh mukha pa lang.

"Yeah yeah. Well, typical Ty's type. Lilipas din iyan. Say, one and a half week. Swerte pa iyan." Tumawa iyong Jerro at umatras na. Kumaway agad at nagpatuloy papasok sa restaurant.

"Bye!" Pahabol ni Jessa.

"Grabe!" Utas ni Claire.

Parang may pag-asa namang sumiklab sa puso ko. Iyong selos na naramdaman kanina ay biglang nasapawan ng pag-asa. Pero hindi rin nag-tagal dahil sumapaw rin ang ideyang kung ganoon nga lang kadaling mawawala iyong babae ay may kapalit naman rin agad. Punyeta!

At bakit ba kasi nag-uusisa itong dalawang panget na ito kay Tyson. Chismosa lang ba talaga sila o pasimpleng bet din si papa ko Tyson? Ay hala! Magkaka-sabunotan tayo rito.

"Why so interested with that guy's life?" Ngayon at inumpisahan na ng ate nyo Apple. Kulang na lang background music sa mga teleserye habang nagko-confront ang bida at ang kontrabida.

"Duh? It's normal. We literally talk about all the guys in Ateneo!" Ani Jessa. Chura nito! Mga chismosa lang talaga kayo. Pina sosyal version nga lang!

"Tyson is also our friend. Not a close friend but still a friend." Ani Claire. Ay wow. Okay. Sana all friend.

Claire eyed me teasingly. I glared at her.

"Jealous?" Bulong niya. Inis ko siyang inirapan. She chuckled.

"Hayy. Pasok muna tayo at mag merienda. Their halo-halo is good!" Ani Claire at hinila na si Jessa. Nagkatinginan kami ni Nate at sabay na ring sumunod sa dalawang bilat.

"Namumula ka."

Nabigla ako nang kumibo si Nate sa tabi ko. Nailang ako at biglang na conscious nang makitang naka-titig siya sa mukha ko. I've been bullied because of my pimples. And with the help of hormones and skin care, it kind of faded away but still... The confidence that I am trying to manifest is not that strong yet. Paano kung may bakas pa rin ng tigyawat. The scars and the marks! Oh my goodness gracious.

"Don't worry. It looks good." Aniya at nag iwas ng tingin habang naka-ngiti. Nasa ganun ang view ko nang nakapasok kami sa restaurant. Claire raised her hand and it got my attention. Mas lalo akong na praning nang makitang ang lapit lapit ng table na napili nila sa table ng grupo nina Tyson! I mean it's literally just in front of them!

Bumagal ang lakad ko at parang nawalan ako ng bayag. Letse ang bantot ng term! Erase, erase, erase. Nawalan ako ng clit. Charot lang!

Napabalik ako sa wisyo nang lumingon si Nate. At dahil iyon ay nahuli na ako. Kumunot ang noo niya at hinila ako. Inilagay niya ang kaliwang kamay nya sa likod ng beywang ko at marahan akong hinila at pina-una. At dahil sa ginawa niya mas lalo kong nakita ang pagmumukha ni Tyson. Na marahang napa-sulyap sa gawi namin. Hindi naman siya napa-titig, talagang nadaanan lang ng mga mata niya ang eksena. Pagkatapos ay kinausap niya na ang girlfriend niya.

Napa-kurap kurap ako nang narating namin ang table nina Claire. Ano ka ba naman, Apple! Malandi ka, oo, pero jusmiyo naman huwag mo naman ipahalata na malandi kang walang experience! Halik halik lang inabot mo pero lumaban ka! Lumaban ka!

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon