Napailing ako habang nasa cellphone ang tingin.

'Bakit ba ang hirap maghanap ng signal dito?'

*BOGSHHHH*

"Aray!"

"Sorry!"

'Damn'

Dali-dali kong pinulot yung cellphone ko. At naramdaman ko rin na pinulot din nung lalaki ang cellphone niya.

"Kainis naman oh, bagong-bago masisira agad!" iritadong sabi ko.

Biglang tumayo yung lalaki at nagulat ako dahil pamilyar ang itsura at pananamit niya. Ang nakakainis pa, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

I saw him smirking.

'The heck. Anong ginagawa ng lalaking to dito?!'

"Miss, sorry-"

Inunahan ko na siya.

"Tsk. Grabe talaga oh, ang liit ng mundo! Bakit ka naman nandito ha? Prinsipe!" galit kong tanong sa kanya na kanyang ikinagulat.

Kahit magsalamin ka pa, makilala at makikilala kita. Dahil, naaamoy ko ang napakasama mong ugali.

"What the fuck!, kilala ba kita?" sarkisto niyang tanong.

'Ah, hindi niya na ako nakikilala dahil nag-iba na ang pananamit ko. Grabe ah!'

Dali-dali kong kinuha ang sunglasses ko at mariin siyang tiningnan.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ano? Nagulat ka? Bakit, dimo ba inaasahan na maging ganito ang binu-bully mo?" taas kilay kong tanong.

Biglang umigting ang kanyang panga at dali-dali niya ring kinuha ang sunglasses niya.

"Yikes! pangit ka padin. Kahit anong pananamit mo, pangit ka parin. Tandaan mo yan-"

"Aba-aba, kung maka-asta ka akala mo naman ang gwapo mo. Hoy, mayabang ka lang pero hindi ka gwapo-"

"Nagsalita ang feeling maganda. Kung inaakala mong nagulat ako dahil ganyan ka, pwes, nagulat ako dahil nakakita ako ng nerd na ngayon ganyan na manamit dahil sinabihan kong pangit-"

"Napaka-"

"Well, hindi na ako magtataka. Lahat naman ng babaeng nakaaway ko, nagpapaganda para lang maakit nila ako-"

"Ang kapal mo-"

"Pero wag kang mag-alala. Hindi mo'ko maakit dahil, hindi ka naman babae. Tomboy ka! pangit na nga, tomboy pa!" galit niyang panunuya na ikinainis ko.

"Anong tomboy ha? Baka ikaw lang itong binabae dahil laging nang-aaway ng babae! Ha! Bakla ka!" galit ko ring sabi.

"Aba! sinasabi mo lang yan dahil nagu-guwapohan ka sa'kin!" sabi niya na ikinatawa ko.

"Anong konek dun? Diyan ka na nga! wala akong oras na makipag-away sa'yo!" bigla niyang hinarangan ang dadaanan ko.

"Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba kami? O si Marky? Baka naman, ako dahil gusto mo na dito tayo mag-aaway-"

"Wow ahh, ang kapal ng mukha mo! Nandito kami para mag-enjoy ng mga kaibigan ko, hindi yung-"

"The fuck, andito rin pala mga kaibigan mong kurimaw?"

"Wag na wag mong pagsalitaan ng ganyan ang mga-"

"Kadiri! Ikaw pala yung babaeng sinabi ni Liam kanina pfft! Bulag talaga sila. Ang tingin ko sa'yo, hindi babae kundi nerd na tomboy-"

"Pwede ba, tama na! Sawang sawa na akong marinig yang mga sinasabi mo! Bakit? Hindi ba bulag yung mga babaeng nagkagusto sa'yo?"

"Malamang hindi. Dahil naman, gwapo ako eh. I'm perfect-"

"Ashuming ka rin nohhh! Akala mo gwapo ka-"

"Bakit hindi ba?" sarkisto niyang pagputol.

'Aba! Ang yabang talaga ng unggoy na'to'

"Hindi talaga! Bahala ka sa buhay mo!" aalis sana ako ng bigla siyang sumigaw.

"Akala mo maganda kang nerd ka?!" bakas sa boses niya ang pagkainis.

Inis akong humarap sa kanya. "Bakit!? May sinabi ba akong maganda ako!?" inis kong tanong.

He laughed mockingly. "Bakit wala ba? Ehh kasasabi mo lang, bobo!" pang-aasar niyang tugon.

"Ewan ko sa'yo!"

"May sasabihin pala ako sa'yo.." dahan-dahan siyang lumapit kaya napaatras ako. "Alam mo, ang pangit-pangit mo!" mariin niyang sabi at bakas sa boses ang pagkainis.

Dahil napupuno na'ko, dali-dali ko siyang tinulak. "Mas pangit ka! Prinsipe ng kapangitan!" inis kong sigaw sa kanya.

Nakita kong napayukom ang kanyang mga kamao. Bago pa niya naisipang tumayo, dali-dali na akong tumakbo papalayo.

'Baka kung ano pa ang mangyari sa pagbabangayan namin. Ako na ang mag a-adjust'

Akala mo naman kung sino. Ang dami pang sinasabing kung ano-ano. Eh ano naman kung pangit ako?

"Bakit pa kasi nandito sila.." napahinto ako sa sinabi ko. "Ibig-sabihin, nandito rin si Marky?" nakaramdam ako ng saya sa pangalan na yun.

Si Marky talaga ang nagpapasaya sakin. Pero ang alam ko, ang layo ng agwat namin. Siya, mayaman at masaya ang buhay. Ako naman.... malungkot ang buhay.


➤THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE AND COMMENT.
thank you gemanians.

keep safe everyone.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now