08: Can't Believe

En başından başla
                                    

"O siya, heto na tatahimik na. Pero, di mo kami mapipigilan pagdating sa mga babae" sarkistong tugon ni Liam.

"Mga loko. Siguraduhin niyo lang na mapa-pasainyo ang babaeng yan." giit ko.

"Tol naman, simple lang ang gagawin namin. Tatanungin namin yung white lady kung sino ang babaeng to tapos, liligawan namin" giit pa ng dalawa.

"Tsk! ewan ko sa inyo. Mga uto-uto naman kayo pagdating sa ganyan. Malay natin, bulag pala ang babaeng sinasabi niyong naka sunglasses." sarkistong sabi ko sabay ngisi.

"Oo nga noh? Yuck!"

"Kadiri naman!"

"Off niyo na nga yang cp niyo!"

Singhal nilang tatlo.

Napailing na lang ako.

'Ibang klase talaga ang mga kaibigan ko'

Mahigit isang oras na ang lumipas at nakarating na nga kami sa isla. Pero, hindi pa ito ang Boracay. Kailangan pa naming hintayin yung private boat nina Jhon na magdadala samin papunta roon.

"Boss, sensya ngayon lang" paumanhin ng isang lalaki habang bumababa sa bangka.

"Oks lang. Paki-dala na lang ng mga gamit sa loob." utos ni Jhon sa lalaki. "Ano pang hinihintay niyo? Pasok na!" tuwang sabi niya bago kami pumasok sa loob ng private boat ni Jhon.

"Ang ganda ng view ah!"

"I hope that, this will be the best-"

"Mangyayari yan!" tuwang pagputol ni Jhon sa sasabihin ni Marky.

"At dahil diyan, may hinanda ako!" anyaya nito sa'min bago inilahad ng mga lalaki na nasa bangka kanina ang isang bote ng wine kasama yung mga baso.

"Woohhooo!" sabay naming sabi.

"Cheers!"

Sabay kaming uminom.

"Boracay, here we go!!!" tuwa naming sigaw dahil sa saya.

'Sana maging masaya ang bakasyong ito'

"Tol, i just wanted to say that-"

"Marky, kung mag a-apologize ka na naman, diko na tatanggapin yan. Ayos na nga diba?" pagputol ko sa sasabihin niya.

"Well, thanks. By the way, I'm just curious. Bakit sa tuwing sinasabi ko sa'yo yung tungkol sa sinabi ni Ms. Kim na sa uniporme-"

"Marky-"

"Yan, lagi mo na lang pinuputol. Bakit, nakokonsensya ka na ba sa ginawa mo?" tanong niya sa mahinahong paraan.

Napatawa ako ng mahina. "Tol naman, sa tingin mo ba... nakokonsensya ako? Pftt! Hinding-hindi ako makokonsensya sa ginawa ko. Tama lang naman yun-"

"We all know na mali yun." giit niya.

"Pwede ba, wag na natin pag-usapan ang nerd na yun. Panira ng mood." mariin kong sabi.

He nodded. "Well, okay. Let's just enjoy this long weekend." napatango ako at napangiti.

Nang nakarating na kami sa may baybayin, bumaba agad kami.

At pagkababa naman namin, nasa amin agad ang tingin ng mga tao, specially mga babae.

"Omgg!"

"Artista ba sila?"

"Ang hot!"

"Ang gwapo!"

Napailing na lang ako at dahan-dahang isinuot ang sunglasses ko.

"Ghad!"

"Uhm, pwede kami magpa-picture?" rinig kong tanong nung babaeng naka bikini kay Liam.

Napatingin ako kay Liam na tiningnan mula ulo hanggang paa yung babae.

'Pfftt. Kung saan-saan na naman pumupunta ang isip niya'

"Sure, why not?" tugon niya.

"Uhm, kami rin! pwede ba handsome ka naman eh!" bigla ring lumapit yung ibang babae sakin.

I sighed. "Where here to enjoy, not to entertain girls." simple kong sagot na ikinatahimik nila. "Guys, maglakad-lakad muna ako. Mauna na kayo sa resort." paalam ko sa kanila.

Kinuha ko yung cellphone ko at naghahanap ng signal.

Sa paglalakad itinaas-taas ko yung kamay ko para makahanap lang ng matinong signal.

"Ang hot naman yeiii!" rinig kong bulungan ng mga babae.

Ningitian ko lang sila at naghahanap ng bagong pwesto kung saan wala masyadong tao.

"Takte naman oh! wala na bang...."

*BOOGSHH*

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, Biglang may bumangga sa'kin kaya nahulog yung cellphone ko.

"Aray!"

"Sorry!"

Dali-dali kong pinulot yung cellphone ko at pinulot din niya yung cellphone niya.

"Kainis naman oh, bagong-bago masisira agad!" iritado pa nitong sabi.

Dali-dali akong tumayo at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

'Woah, she's beautiful'

"Miss, sorry-"

"Tsk. Grabe talaga oh, ang liit ng mundo! Bakit ka naman nandito ha? Prinsipe!" nagulat ako sa sinabi niya kaya imbes na maging masaya, bigla na lang ako nakaramdam ng inis at galit.

I can't believe this. Shit.'

THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE AND COMMENT.
thank you gemanians.

keep safe everyone.

- Ate Gema love's ya'll~

HATE ME NOT (BOLS #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin