Nakanguso niya akong hinarap. She wiped her tears like a kid and looked at me like her life depended on my words. Napailing nalang ako.

"The point is, the reason why I'm trying so hard studying is because of you. I want you to be happy. I want you to live your life the way you always wanted to. So if you're happy being selfish by keeping me a secret from my father, then I don't give a damn. Do what you want to do."

"Really?" now her eyes are pleading and pleased at the same time. I nodded.

"You want me to be happy, Yuki? Oh, my son want's me to be happy! Aww, ang swerte ko naman sa baby ko---"

"Argh! Quit the drama!" angil ko sa kaniya dahil umamba siyang yayakapin ako.

"Oh, yinakap mo nga ako kagabi eh. Come on, Yuki. Give your momma a hug," she's enjoying this. Umiling at nag-inarte. Palaging nanglalambing, parang bata. Well, I guess she missed her youth. Maaga ba namang nagpabuntis. I sighed.

"I'm hungry."

Nanlaki ang mga mata niya, kumikinang. "Yes! I'll cook for you! Lulutuin ko ang favorite ni Yuki baby ko. La~lalala~" aniya at lumayo na sakin papuntang kusina.

"Though, you suck at cooking," bulong ko.

Linibot ko ang buong condo. Masyadong malaki para sa aming dalawa. Dalawang palapag ang saklaw ng aming condo. Ang ikalawang floor ay may tatlong kwarto. Sa pagpasok palang sa loob ay bungad agad ang malaking living room.

The condo looks gloomy, though. Marahil dahil sa theme ng bahay. Black and gray. Mabuti nalang at glassframe ang harapang wall, atleast may liwanag na papasok. Halatang lalaki ang nakatira. I pushed out the thought of that japanese probably lived here once.

Pumasok ako sa isang kwarto. Katulad lamang sa living room. Malaki ang espasyo at pangmayaman. Mayroong black queen-size bed sa gitna. May malaking cabinet na puno ng mga libro at malaking study table. May katamtamang walk in closet sa gilid. At may sariling banyo.

Wow. Sa isang iglap, nag-iba ang takbo ng buhay ko. Ang daming nangyari sa isang linggo lamang.

Napukaw ang tingin ko sa kaliwang kamay ko. Nakalimutan kong kunin ang pulang lubid at ibalik man lang sa babaeng iyon. Matagal pa bago ko iyon matanggal.

After a series of complications and dramas, I realized something. I just interact with three hopeless romantic women who believes on this stupid red string. Napailing nalang ako sa sarili. One, that pyscho old woman. Two, my unlucky childish mother and three, that weird girl...

I realized that I don't want to deal with these women. They're a pain in the ass.

"Now, what to do with you?" tanong ko sa lubid.

"Mwah! First kiss yan galing sa future wife mo!"

Bigla kong naalala ang sinabi ni Kaori. Ugh, Why did I even think of her?

"Yuki, nakalimutan kong hindi pala ako marunong magluto hihi-- oh ba't ka namumula diyan?"

I flushed when I saw Misa approaching the door. "H-ha? Bakit naman ako nagbablush? Your exaggerating yourself!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses.

Mabilis kong tinago ang lubid at patakbo siyang nilampasan.

"Uy, galit agad---"

"I'm not! You're asking a stupid question!"

"Hala, ba't ka pikon?"

"H-hindi! Nevermind."

"Nevermind yourself," maarte niyang sabi.

SerendipityWhere stories live. Discover now