"Sa oras na mabalitaan kong matigas ang ulo mo dito, paparusahan kita pag balik ko" kahit pagbabanta iyon ay nagsitayuan ang aking balahibo sa batok at sa braso.

"I promise, I'll behave" paninigurado ko sa kanya kaya naman napangisi siya.

Hinalikan pa niya ako sa aking noo bago kami lumapit kina Tita Elaine at Tito Axus. Kanina pa din sila hindi mapaghiwalay na dalawa kaya naman natawa na lang kami ng makita naming buhat at yakap na ni Yaya Esme si Chin chin.

"Wala talaga kayong respeto sa akin, Herrer Fam. Akala ko ba pamilya tayo dito?" reklamo ni Yaya sa amin na ikinatawa ko.

"Pag balik ko Yaya Esme. May gustong magpakilala sayo, ang kaso ay nahihiya pa" Sabi ni Eroz na ikinakunot ng noo ko.

Nilingon ko siya. Nginisian niya ako at lumapit para bumulong sa akin.

"Si Mang Henry" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Tumingkayad ako para abutin ang tenga niya. I remember him, siya yung kasayaw ni Yaya Esme nung fiesta.

"She likes Yaya Esme?" excited na tanong ko kaya naman napangisi si Eroz. Imbes na sagutin ang tanong ko ay hinalikan na lamang niya ako sa pisngi.

"Isasayaw kita buong araw pagbalik ko, Elaine" malambing na sabi ni Tito Axus kay Tita Elaine.

Yumakap si Tita sa kanya. "Hindi ko tinanggap ang imbitasyon sa kabilang bayan. Ayokong sumayaw na hindi ikaw ang kasama" paglalambing pa ni Tita dito.

Even they are at age, ramdam ko pa din yung kilig sa kanilang dalawa. Na para bang after all these years, kahit may mga anak na sila ay walang nagbago. Parang mas lalo pa nga silang nainlove sa isa't isa as time goes by.

"Dapat lang dahil hindi ako papayag. Matigas ang ulo mo, sa oras na may mabalitaan akong tumakas ka nanaman para makipag party ay siguraduhin mong handa ka pag balik ko" banta pa ni Tito Axus dito kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti sa aking labi.

Naramdaman ko ang pagdiin ng yakap ni Eroz sa aking bewang. Tiningala ko siya, nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

"You think, ganyan din tayo pag old na ako at super old ka na?" nakangising tanong ko.

Natawa si Eroz at mariing napapikit. "Damn that beautiful lips of yours, Gertrude. Bastos" akusa niya na ikinalaki ng mata ko.

Napahawak ako sa aking labi. "My lips is not bastos" laban ko na maa lalo niyang ikinatawa.

Marami pang ibinilin si Tito Axus at Eroz sa mga lalaking magbabantay daw sa amin. Kumunot ang noo ko ng makita kong nagpapacute si Yaya Esme sa mga ito. Kaagad ko siyang nilapitan, kinuha ko mula sa hawak niya si Chin chin. Baby pa ito at baka matuto kay Yaya Esme.

"I like Mang Henry for you, Yaya Esme. I remember him, he is so mabait" paninigurado ko na ikinakunot ng noo niya.

"Sinong Henry?"

Napangisi ako. "It's a secret po. Pag balik na ni Eroz, Yaya" sabi ko pa.

Nag protesta ito. "Itong batang ito, hindi pa ako makakatulog niya dahil sa pagiisip eh!" reklamo niya na ikinatawa ko.

"Geez, Gertrude. Muntik mo ng masabi ang secret" pagkastigo ko sa aking sarili, but then I realize nasabi ko na pala talaga kay Yaya. Hindi talaga pwedeng magsabi ng secret sa akin dahil honest ako at kaunting pilit lang ay magsasalita na.

"Kung importante ang lakad. Kung hindi, wag na lang umalis" naabutan kong seryosong sabi ni Eroz habang kausap nila ni Tito Axus ang mga tauhan.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now